Chapter 10

51 4 0
                                    

Chapter 10

Kitty's POV

Kakababa ko lang sa staircase nang makita ko si TJ na kausap si Nanay. Kahapon pa siya malamig sa akin and I don't care! Mabuti naman na hindi siya sagabal sa akin sa school pero palagi naman siyang nakadikit kay Monica. Eh 'di yun na lang ang bantayan niya? Napairap ako saka lumapit sa kanila.

"Nay, mauna na po kami." Humalik muna siya sa pisngi ni Nanay at nauna na sa paglabas. Nagpaalam na rin ako kay Nanay saka lumabas.

Agad niya akong pinagbuksan ng pinto at tahimik naman akong pumasok saka nakasimangot na nakahalukipkip sa loob. Pumasok na rin siya at tahimik na pinaandar ang kotse.

Habang nasa biyahe kami tahimik pa rin siya kaya tumikhim na ako. Napatingin siya sa akin sa rear view mirror at seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"What's your problem?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Wala, Ma'am." Tipid niyang sagot. Hmp! Hanggang sa makarating kami sa school hindi niya na talaga ako pinansin.

Padabog kong sinara ang car door saka nauna na sa paglakad at hindi siya hinintay habang naglalakad ako sa soccer field ay may lalaking biglang humarang sa akin.

"Hi, Kitty! Do you remember me?" Napataas ang kilay ko saka tinitigan siya from head to toe. Mukhang mayabang halatang bobo at pagwapo lang.

"I don't know you." Lalagpasan ko na sana siya ng hinarang na naman niya ako.

Napapikit ako sa inis dahil sa hukluban na ito. "Ako yung naka-make out mo sa locker room."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Really? Pumatol ako dito?

"Look, mister. I don't know you and please get out of my sight." Inis na sabi ko saka lalagpasan sana siya ng mariin niyang hinawakan ang kamay ko. What the heck? Mababakas na rin ang galit sa mukha nito na siyang nagbigay ng kaba sa akin.

Oh my God! Where are you payatot? I need you now! Pinipilit kong makawala sa pagkakahawak niya pero mas lalo lang dumiin ang pagkakahawak niya sa akin.

"What if ulitin natin yun?" May halong pagka-manyak na pagkakasabi niya na siyang nagbigay ng kilabot sa akin. Timing namang wala din dumadaan dito.

Sisipain ko na sana ang gitnang bahagi ng katawan niya ng biglang may pumilipit sa kabila niyang kamay. Nakahinga ako nang maluwag ng makita si TJ na galit na pinilipit lalo ang braso ng manyak na yan.

Bakas naman ang sakit sa mukha nito. "Who the fuck are you?! Shit!"

"Dapat kang i-report sa guidance. Matapang ka lang kasi babae na walang kalaban-laban yung kaharap mo! Atsaka yung kamahalan ko pa ang binastos mo!" Napapikit ito sa sakit ng mas pinilipit ni TJ ang kamay niya. Shit! Bakit ang hot niya pag galit siya?

"Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo!" Sisipain niya sana si TJ ng bigla siya nitong ibalibag. Talagang payatot nga naman pero malakas.

Susugurin niya pa sana ang pangit na manyak ng pinigilan ko siya. Nang tumingin siya sa akin ay agad lumamlam ang ekspresyon niya.

"Hey! That's enough, TJ."

Huminga siya ng malalim saka tumango at hinarap ko naman yung manyakis na namimilipit pa rin sa sakit habang hawak ang brasong nasaktan.

"And, you! I will report you for harassing me."

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" Sigaw pa nito kay TJ.

"Wala akong pakialam kung sino ka! Kahit anak ka pa ng presidente, wala kang karapatan na bastusin si Kitty!" Ramdam ko yung gigil niya habang galit na dinuduro yung manyak.

"Halatang yabang lang ang meron ka. You're a weak fuck boy!" Thank God! At dumating mga kaibigan ko at agad na inireklamo ang manyak na ito sa guidance office.

"Ok ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Inis na hinarap ko siya.

"I'm fine! Bakit ba ang tagal mo?" I don't want to be rude pero kasi eh trabaho niyang bantayan ako.

"Hindi agad kita nahanap kasi ang bilis mong umalis. Nakalimutan mo pa nga ang bag mo kaya kinuha ko muna bago kita sinundan." Atsaka niya binigay ang bag ko sa akin.

"Lagot yun for sure oras na malaman ni Tito Eleazar yung ginawa ni Dale sa'yo."

Dale pala pangalan nun? Hindi ako makapaniwala na pumatol ako sa isang fuckboy na katulad niya. Parang nandiri ako bigla kahit nag-halikan lang naman kami noon sa locker room. Gosh! Ang landi ko talaga noon.

"Ikaw, TJ? Nasaktan ka ba ni Dale?" Nag-aalala pa na tanong ni Cassidy si TJ. Wow! Ako yung muntikan nang masaktan at mabastos pero si TJ pa talaga nauna niyang tanungin kesa sa akin na kaibigan niya.

"Halatang okay lang si TJ parang napuruhan pa niya yung Dale na yun. Thank you sa pagligtas sa kaibigan namin." Aba! Ang bait ata ng mga kaibigan ko sa kanya. Kahit si Crystal na bitchy napaamo niya.

"Wala yun. Ginagawa ko lang talaga ang trabaho ko."

Ngayon ko lang napansin na nakakapit na yung kamay ni Cassidy sa braso ni TJ. Napataas ang kilay ko.

"Pero what if na hindi mo siya binabantayan. Tutulungan mo pa rin siya?"

Tumango si TJ. "Oo naman. Ayoko kayang may binabastos na babae."

"Hayy! Ako na lang kaya bantayan mo? Dodoblehin ko yung sweldo mo." Kinikilig pa na sabi ni Cassidy.

"What the heck, Caddy!" Inis na sambit ko.

Natawa ang mga kaibigan ko.

"What? Ayaw mo namang maging bodyguard si TJ di'ba? Kaya sa'kin na lang siya." Masama ko siyang tinitigan.

"No! Hindi papayag si Daddy and si Nanay. Ako lang pwede niyang bantayan." Tinalikuran ko na sila at padabog na umalis.

Stuck With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon