Chapter 35

44 3 0
                                    

Kitty's POV

Akala ko ba klaro ko ng sinabi kay Carter na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Ngayon naghahabol na naman.

"Please, Kitty. I'll do everything para nagustuhan mo lang ako." He look so desperate kakahabol sa akin.

Inis na hinarap ko siya. "Stop it please! Mapapagod ka lang. I already love someone else. Hindi naman ako nagkulang sa pagsabi sa'yo di'ba?"

Papauwi na sana kami ng hinarang niya kami. Tinawagan ko si Jaeden na hintayin na lang kami sa parking lot. Nauna niya kasing dalhin dun ang mga gamit ko.

"Just accept it na wala talagang may nararamdaman si Kitty para sayo, Carter." Sabi ni Crystal sa kanya dahilan para mapalitan ng inis ang ekspresyon niya.

"Hindi ako papayag na ipagpalit mo ako sa tibo na yun! You're mine!" Nagalit at kinabahan ako nung pwersahan niya akong hinawakan sa braso.

"What a jerk! Tanggalin mo nga ang kamay mo!" Inis na sigaw ko sa kanya. Nataranta na rin ang mga kaibigan ko nung galit at may diin na ang pagkakahawak ni Carter sa braso ko. Nataranta na rin ang mga kaibigan ko kasi kami na lang talaga ang nasa hallway na ito.

Sasampalin ko na sana siya nung may biglang malakas na humila sa kanya kaya nabitawan niya ako. Next time i knew is nakahandusay na sa sahig si Carter habang sapo ang duguang labi.

At dun ko nakita si Jaeden na galit na galit na susugurin pa sana si Carter pero napigilan ko na siya bago pa lumala ang tensyon.

"Bakla ka talaga! Babaeng tao papatulan mo!" Galit na singhal ni Jaeden sa kanya. Tumayo naman si Carter at nakipag-angasan ng tingin kay Jaeden. Nakahawak ako sa braso ni Jaeden para pakalmahin siya.

"Hindi pa tayo tapos!" Galit na saad pa ni Carter saka patakbong umalis.

Agad na lumambot ang ekspresyon ni Jaeden nung humarap na siya sa akin. "Ok ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?"

Ngumiti ako. "I'm fine. Don't worry pero hindi ko palalampasin ang pambabastos ni Carter sa akin." Yumakap ako sa kanya.

"Hayy naku buti na lang dumating ka. Bakit ba kasi walang guard na naglilibot dito eh. Galit na galit pa naman si Carter kaya hindi namin mapigilan at kung hindi ka pa dumating baka kung ano na ang nagawa niya kay Kitty." Bahagya nang kumalma si Jaeden pero ramdam ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso niya.

"Hindi na kita pababayaan pa. Baka bumalik ang gagong yun at baka ano pa ang gawin sa'yo." Saka niya dinampian ng halik ang noo ko.

Sinamahan nila akong pumunta ng office para i-reklamo yung ginawa ni Carter sa akin. They assure me na mapaparusahan si Carter.

Sana ma-expelled. Hindi ko naman siya pinaasa kasi agad ko naman siyang sinabihan na wala akong nararamdaman para sa kanya. Ego niya kasi nasaktan kaya nagiging bayolente.

"Ingat kayo pauwi ha." Tumango ako saka ngumiti sa mga kaibigan ko. Pumasok na rin kami sa kotse nung makapasok na ang mga kaibigan ko sa kotse nila.

"Okay ka lang ba talaga? Hindi ba masakit yung braso mo?" Halata talaga sa boses niya na nag-aalala siya para sa akin. Ofcourse! She loves me kaya normal na mag-alala si Jaeden para sa akin.

"I'm fine. Don't worry." Huminga siya ng malalim habang seryoso na nakatutok ang pansin sa daan.

"Kasalanan ko ito kasi trabaho ko na bantayan ka pero ilang beses ka pa rin muntik mapahamak." Agad akong humawak sa braso niya.

"Hey! Wag mo na isipan yan and it's not your fault okay? You did your job to protect me."

"Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya pag nalate ako dumating." Hinaplos ko ang braso niya para pagaanin ang pakiramdam niya.

"Don't think about it. I'm safe now and it's because of you. I love you!" See? Ngumiti siya agad at humarap sa akin.

"Mas mahal kita!" Nakauwi na kami ng mansyon.

Agad akong lumapit kay Dad saka humalik sa pisngi niya. "How's school, hija?" Masayang tanong ni Dad.

Nagkatinginan kami ni Jaeden at tumango siya sa akin. Bumuntong hininga ako saka sinabi kay Dad ang ginawa ni Carter sa akin kanina. As expected lubos na nagalit si Dad kay Carter.

"Sabi ko na hindi talaga gagawa ng maayos yun. Mabigat talaga loob ko sa kanya. Tinanggap ko lang siya noon dahil maayos siyang pumunta dito para manligaw sa'yo at gusto mo siya kaya ako pumayag. Hindi ko palalampasin ito!"

"Don't worry Dad nasabi ko na sa guidance office yung ginawa niya. I'm sure ngayon natatakot na yun."

"Mabuti na lang nandiyan lagi si TJ para iligtas ka."

"It's my job to secure her safety, sir." Kumunot ang noo ko saka pasimpleng siniko siya. The heck! Job? Iniligtas niya lang ba ako dahil sa trabaho niya na bantayan ako lagi? Ugh! I hate her! Pairap ko siyang tinalikuran saka padabog na pumunta sa silid ko. Nagtatampo ako kaya suyuin niya ako ngayon din mismo!

Stuck With You Where stories live. Discover now