Chapter 28

49 3 0
                                    

Chapter 28

Kitty's POV

Mukhang nag-eenjoy talaga siyang kasama yung crush niya at hindi ko maiwasan mag-selos.

"Hinay lang girl marami pang alak." Awat sa akin ni Crystal. Kinuha ko kasi ung kabubukas pa lang na black label at ininom.

"May class pa tayo bukas di'ba?" Tanong ni Phoebe saka nagsalin ng alak sa baso.

Nahihilo na rin ako sa ilang bote ng alak na nainom ko. Tinatablan na ako ng alak kaya napasandal ako sa couch at pumikit.

"Girl, may napapansin na ako sa inyo ni TJ." Napamulat ako dahil sa tanong ni Cassidy.

"Ano naman ang napansin mo?" Mataray kong tanong sa kanya.

She's busy tapping her phone while talking. "Napansin ko lang na parang ang close niyo na."

Ngumisi ako saka umiling. "That will never be happen. You know me well."

"Eh bakit magkasama kayo sa mall kanina?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Dahil sa pagseselos at kalasingan ay kung anu-ano na ang nasabi ko na maaring makasakit sa damdamin ni Jaeden oras na marinig niya yung mga sinabi ko.

"I know you well Kitty alam kong straight ka at hindi ka papatol sa mga katulad ni TJ."

"Hindi ako marunong magseryoso. I'm just playing." Muli akong sumandal sa couch.

"Kawawang TJ." Napailing na sambit ni Phoebe.

"How about Carter?"

"What about him?" Naguguluhan kong tanong.

"I know well na pumayag na si Tito na liligawan ka ni Carter."

"Saan mo nalaman?" Kumibit balikat lang siya.

"I just know."

"I didn't know na chismosa ka na pala ngayon."

Hindi ko namalayan na sa sobrang kalasingan ay nakatulog ako sa couch. Maliwanag na ang araw ng magising ako.

"Ugh!" Napahilot ako sa sentido ko. Napansin ko na may nakatayo sa harapan ko.

"Inom pa." Inirapan ko si TJ. Inilapag niya ang tasa na may lamang kape. Umuusok pa yun.

"Where are they?"

"Maaga silang umalis kasi may class pa daw." Masyado bang marami ang nainom ko kagabi kaya agad akong nakatulog?

"I hate you!" May hinanakit na sambit ko sa kanya.

"Sorry!" Hindi ko na siya pinansin pa. Nakita ko na naghahanda na rin sa dining table si Nanay Tina. Kinuha ko ang tasa at hinipan ang kape saka uminom medyo nawala sakit ng ulo ko pero nahihilo pa rin ako.

Buti na lang wala pa si Dad kundi lagot na naman ako dun. Naglakad ako papuntang hagdan pero dahil nahihilo pa ako ay medyo nabuwal pa ako pero buti na lang mabilis ang reflexes niya at nahawakan niya agad ako sa bewang bago pa man ako matumba.

"Buhatin na kita?" Umiling ako saka mahinang tinulak siya. Nagtatampo pa ako kaya suyuin niya muna ako.

"Kitty." Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"And, now you're not calling me Katie. Pag kasama mo talaga yung crush mo."

"Wala namang ibig sabihin yun eh. Pag malamig na ang ulo mo mag-uusap tayong dalawa." Tumango na lang ako at hinayaan siyang buhatin ako. Yumakap ako sa leeg niya at sinandal ang ulo sa dibdib niya.

"I still hate you!" May hinanakit pa rin na sambit ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Sa'yo lang ako."

Napapikit ako ng dampian niya ng halik ang noo ko. "I'm still sleepy."

"Maayos naman ba pakiramdam mo? Bakit ka ba kasi uminom? Ilang bote pa nainom mo." Mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Kasalanan mo! You always make me jealous." Nagtatampong sambit ko.

"I'm sorry pero hindi mo naman kailangan uminom ng marami."

"I can't control myself especially when I'm jealous." Bahagya kong kinagat ang balikat niya.

"Aray! Ikaw talaga." Nang makarating kami sa silid ko ay maingat niya akong pinaupo sa kama.

"Sige na maligo ka na para makapagbihis ka na agad." Tumango ako.

Lalabas na sana siya ng hilain ko siya pero napalakas ang paghila ko kasi napahiga ako sa kama at nasa ibabaw ko siya.

Tatayo na sana siya ng niyakap ko ang leeg niya.

"Stay here. I don't want to go to school." Nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.

"Hindi ba maganda pakiramdam mo?" Umiling ako pero maayos naman talaga pakiramdam ko gusto ko lang manatili siya dito.

"Musta yung date niyo kahapon?" Mahina siyang natawa kaya sinimangutan ko siya.

"Hindi yun date kasi kasama si Flint atsaka may ibang time pa naman para sa street food date nating dalawa."

Tumango ako as i caress her jaw. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Court me, Jaeden." Malambing ang boses na sambit ko.

"Gusto mong ligawan kita?" Nagulat siya sa sinabi ko.

"Yes! Why? May problem ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala naman kaya lang."

"Kaya lang ano?" Bumuntong hininga siya saka tumayo.

"Mahirap lang ako. Hindi ko mabibili yung mga gusto mo-"

Ayokong mag-isip siya ng ganito kasi mahal ko siya kahit sino O ano pa siya. "I don't mind it anymore. As long as you love me Jaeden sapat na yun."

"Si Carter mayaman yun eh." Kumunot ang noo ko saka hinampas ko siya sa balikat.

"Ano namang pakialam ko kung mayaman siya eh ikaw ang mahal ko!"

Ngumiti siya at mababanaag sa mga mata niya ang kasiyahan.

"Mas mahal kita, Kamahalan!" Bago pa ako magsalita ay siniil na niya ng halik ang labi ko.

Stuck With You Where stories live. Discover now