Chapter 47

47 3 0
                                    

TJ'S POV

Mabuti na lang talaga at hindi ako napuruhan sa aksidente kasi maayos akong naka-seat belt pero 1 week din akong nanatili sa ospital for some tests and CT scan atsaka nilipat rin ako sa maayos na silid. Hindi rin kasi mapalagay sina Nanay at Kitty kaya napa-oo nila ako.

Pero, kung ako tatanungin, ok na ok na ako at ngayon nga ay kakauwi ko lang galing ospital. Nasabi ni Sir Eleazar sa akin na patuloy pa rin na hinahanap si Carter at pinayuhan kami na mag-doble ingat lalo pa at parang nasiraan na ito ng ulo dahil sa pagkakakulong at unti-unting pagkalugmok ng pamilya nila dulot ng mga illegal na gawain. Kalahi ata ni Lupin ang ungas na yun napakahirap hulihin.

"Alam mo na ba, TJ?" Napatingin ako kay Phoebe dahil sa tinanong niya. Nakita ko na masamang tiningnan ni Kitty si Phoebe at si Crystal ay nagpipigil ng tawa.

"Don't you dare!" Kumunot ang noo ko sa pagmamaldita niya sa mga kaibigan na pareho nang natawa habang ang girlfriend ko ay naningkit pa lalo ang singkit na mga mata dahil sa inis.

"Oh nagsusungit ka na naman." Hinapit ko siya sa bewang kaya napanguso siya.

"Nung time kasi na sinugod ka sa ospital nung na-aksidente ka ay syempre aligaga ang jowa mo. Tinamaan talaga si Accla pero yun nga, pumunta kami sa emergency room tapos umiiyak siya saka nung lumabas na ang doctor ay hahaha natatawa pa rin ako tuwing naalala ko yun." Gusto ko na rin tuloy matawa kaso nakatingin na siya sa akin ng masama kaya di ko na tinuloy.

"Bakit? Ano ba ang nangyari?" Napangiti ako.

"Hmp! Sige lang! Pagtulungan niyo lang ako." Inirapan niya kami. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Kasi nga TJ nag-drama siya dun sa harap ng emergency room tapos ibang pasyente naman pala yung iniyakan niya in-assure pa siya ng doctor na iba yung pasyente."

"I hate you all!" Nagtawanan sila. Ako sa isip na lang tumatawa hahaha that was epic.

"Malay ko ba na may kapangalan ka pala dun hmp! I forgot to say your full name because I'm nervous that time." Ngumiti ako saka hinapit siya papalapit sa akin.

Bumulong ako sa kanya. "Mahal kita. Palagi."

Halatang kinikilig siya sa binulong ko. "Ang daming epal sa ating dalawa pero hindi nila tayo matitibag." Dinampian ko ng halik ang makinis niyang pisngi.

"Hala! Nag-blush si bading." Natatawang tumayo at tumakbo ang mga kaibigan niya nung kumuha na siya ng throw pillow saka binato sa mga kaibigan niyang natatawa pa rin.

Muli siya umupo pero this time sa kandungan ko na. Malakas talaga ang epekto niya sa akin eh kasi kahit kami na ay iba pa rin ang kabog ng dibdib ko tuwing hinaharot niya ako.

"I'm so scared that time, Jaeden. A-akala ko talaga kung ano na ang nangyari sa'yo." Kinapa ko yung bulsa ko saka napangiti ng makapa ang maliit na box. Buti naman at nakita ito nung na-aksidente ako at agad din binigay sa akin.

"Yung nangyari sa akin ang nagpapatunay na maikli lang ang buhay. Ayoko nang magsayang pa ng pagkakataon kasi baka may mangyari ulit at baka hindi ko na magawa ito. Handa ka bang mag-pakasal sa akin sa oras na may trabaho na tayong dalawa? Alam ko matagal pa pero gusto ko lang sabihin na ikaw at ikaw lang ang babaeng hihintayin ko sa harap ng altar." Lumamlam ang ekspresyon ng mukha niya saka nakita ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya.

"J-jaeden." Kinuha ko sa bulsa ang kulay pulang maliit na kahon saka binuksan yun at pinakita sa kanya ang singsing.

"Nung araw na na-aksidente ako eto dapat ang ibibigay ko sa'yo kaya ayoko na magsayang pa ng sandali, Baby. Nangangako ako na magiging loyal ako sa'yo habang buhay. Tatanggapin mo ba?" Napatakip ito sa bibig saka humikbi.

"Oh Jaeden! Yes! Ofcourse! I love you!" Hinalikan niya ang labi ko habang nakayakap sa batok ko, agad akong gumanti ng halik sa kanya.

Kumalas na kami sa pagkakayakap at kinuha ko sa box ang singsing saka nilagay ko sa palasingsingan niya.

"Thank you for loving me Jaeden despite of my behavior. I will always love you and cherish the moment when I'm with you." Dinampian ko ng halik ang noo niya.

"Mahal na mahal kita, kamahalan."

~

Marahan ko siyang sinandal sa malamig na tiles na dingding saka siniil ng halik ang labi niya. Malamig ang tubig na dumadaloy sa katawan namin na nanggaling sa shower pero hindi yun natalo ang init na nararamdaman ko ngayong pinagsasaluhan namin ang init ng pagmamahalan naming dalawa.

"J-jaeden." Bumaba sa leeg niya ang halik ko at masuyong hinaplos ang bewang niya. Eto ang gusto niyang mangyari dahil sa ilang beses na muntik na may masamang mangyari sa aming dalawa.

"Own me please!" I will baby. I'll make you scream in pleasure tonight.

~

A/N: pasensiya na hindi talaga ako marunong gumawa ng BS shuta😭

Stuck With You Where stories live. Discover now