Chapter 6

63 3 0
                                    

Kitty's POV

Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa silid ko na pala ako. Sino ang naghatid sa akin dito?

"Ako, kamahalan." Napagawi ang tingin ko sa nagsalita. Lumapit siya sa gawi ko.

"Ano'ng ikaw? At bakit ka pumapasok sa silid ko nang walang pahintulot?"

"Dinalhan lang kita ng kape kasi lasing na lasing ka kagabi. Ako ang naghatid sa'yo dito pasalamat ka at tulog na ang Daddy mo." Nilapag niya sa bedside table ang tasang may lamang kape.

"Sa susunod pag naglasing ka dapat kaya mo. Paano kung nabangga ka na naman? Tss!" Ano ba pakialam nito?

Masama ang titig ko sa kanya habang nasa harap ko siya na nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Pinapasabi ng Daddy mo na bumangon ka na kasi ano'ng oras na, kamahalan."

"Get out! lalabas na ako!" inis na sambit ko sa kanya. Ngumisi lang ang gago at tumalikod saka lumabas. nakakainis siya! pakialamero! Paano siya naging anak ni Nanay Tina eh balasubas ugali nun at ang yabang pa. ugh! buti naman hindi niya nasabi kay Dad na nalasing ako kagabi lagot na naman ako pag nalaman niya.

Tumayo na ako at kinuha ang kape na hinanda niya para sa akin. Infairness, magaling siyang mag-timpla.

Ngayon pa naman first day of school tapos may hangover ako. Great! pagkatapos kong uminom ng kape medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaya tumayo na ako para mag-ayos. pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako at lumapit sa pwesto ni Dad na kasalukuyang umiinom ng kape niya at nagbabasa ng newspaper. tumingin ako sa gawi ni Nanay Tina kung saan kinakausap ang anak niya.

Humalik ako sa pisngi ni dad at umupo na para kumain. nakita kong nag-beep ang phone ko tiningnan ko yun at nag-text si Carter sa akin na susunduin niya daw ako magre-reply na sana ako nang mag-salita si Dad.

"Btw, hija si TJ na ang maghahatid-sundo sa'yo." napatingin ako kay dad dahil sa sinabi niya.

"Susunduin ako ni Carter, Dad." alam niya naman na nililigawan ako ni Carter eh.

"No butts! buo na ang desisyon ko, Kitty. they are bad influence to you tingnan mo nga dati honor student ka pero simula nang makilala mo sila natuto ka ng maging bully and make out sa school niyo. akala mo hindi ko alam tinatanong ko lagi ang dean niyo at marami ka ng nilabag na rules sa school niyo. student council ka pa naman."

Umiling ako naiinis na ako kay Daddy deep inside palagi na lang siyang nangingialam sa buhay ko. wala na kong magagawa pa pag siya na ang nagsalita.

"Sir, ihahanda ko na po ba ang kotse?" nagsimula na akong kumain na masama pa din ang loob.

"Mamaya na, TJ. Samahan mo kami sa pag kain."

"Tapos na po ako, Sir."

"Sigurado ka? Nga pala dumating na ba si Elmer?" tinutukoy niya yung asawa ni Nanay Tina.

"Opo, Sir."

"Good. Kailangan ko din ng driver ngayon siya muna ang magiging driver ko. And Kitty, behave." Napairap naman ako sa sinabi ni Dad.

Napatingin ako sa epal kong driver na nakangisi ngayon sa akin. Kainis!

Nawalan na ako ng gana sa pagkain kaya tumayo na ako. "Mauna na ako, Dad. Dun na lang kami kakain sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ko."

"Sige. Mag-ingat kayo. TJ ung napag-usapan natin." Sabi ni Dad.

"Opo, sir." Tumayo na ako at nagpaalam kay Daddy saka kay Nanay Tina at nauna na akong lumabas. Tumigil ako sa tapat ng Mercedes Benz na kulay itim. Inis akong tumingin sa kanya habang papalapit siya sa pwesto ko.

"Tagal mo! Pagbuksan mo ako."

"Masusunod, kamahalan." Nakangisi pa ito na mas lalo akong iniinis. Pinagbuksan niya ako at bahagya pang yumuko. Kainis! Lakas niya talaga mang-asar. Padabog akong umupo.

~

"Just don't come near me pag nasa school na tayo. If you want to monitor my moves then fine just don't come near me."

"Wag kang mag-alala nandito lang ako para mag-trabaho hindi ko din gusto na mapalapit sa'yo." Seryoso niyang sambit.

Wow! Siya pa talaga may ganang magsambit niyan. Kapal! Lumabas na siya ng kotse para pagbuksan ako. Kumukulo talaga dugo ko sa kanya.

"Baba ka na, kamahalan."

"I'm not a princess. So, stop calling me kamahalan."

"Hayaan mo na lang akong tawagin ka ng kamahalan. Amo kita di'ba?"

"Tss! Fine. Mauna na ako wag mo na akong sundan." Lumabas na ako.

"Opo. Pag kailangan mo ng kakampi nandito lang ako."

"No need. Nandiyan naman mga kaibigan ko at si Carter. Just do your duty as my driver for now."

"Si Sir Eleazar lang susundin ko. Ako pa masisi pag may mangyari sa'yo."

Kainis! Pa-epal talaga siya kay Dad. Inirapan ko siya at nauna ng lumakad.

Stuck With You Where stories live. Discover now