Chapter 24

51 3 0
                                    

Chapter 24

Kitty's POV

"Bumalik ka na sa mansyon. Bakit mo iniwan ang bisita mo?" Umupo ako sa gilid ng kama niya.

"I'm here to explain." Nalulungkot ako kasi maaring galit siya sa dahil sa nasaksihan niya kanina pero gusto kong magpaliwanag na pwersahan ang paghalik sa akin ni Carter.

"Wala ka ng dapat i-explain. Sige na bumalik ka na dun." My heart is aching dahil sa pagtataboy niya sa akin.

"No! He's the one who initiate the kiss. I just can't push him away because of his grip. "

Blanko pa rin itong nakatingin sa akin. "Matutulog na ako."

"Hindi ka pa nga kumakain eh." Napanguso ako saka hahawakan na sana siya pero mabilis niyang iniwas ang kamay niya dahilan para masaktan ako lalo.

"Busog ako." Nag-iinit na gilid ng mga mata ko dahil sa panlalamig nito sa akin.

Tinalikuran ako nito kaya hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. I'm hurt kasi ayaw niya akong pakinggan.

"I-i thought you love me? Bakit ayaw mo akong paniwalaan?" Huminga ako ng malalim saka pinahid ang luha sa pisngi ko saka tatayo na sana para lumabas pero naramdaman ko ang paghawak niya sa palapulsuhan ko.

"Bakit ka umiiyak?" Umiwas ako ng tingin sa kanya kaso maagap niya namang nahawakan ang chin ko sa malambing na paraan.

"Ayaw mo akong kausapin eh. Gusto kong magpaliwanag na pwersahan yung paghalik sa akin ng gagong yun." Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko saka niyakap ako. Napapikit ako saka gumanti ng yakap sa kanya.

"S-sorry na. Please bati na tayo! Hindi ko naman nagustuhan yun. I hate him for kissing me." Hinagod niya ang likod ko saka kumalas na sa pagkakayakap sa akin.

"Aish." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Tahan na baka marinig ka pa ni Itay. Baka ano pa isipin nun." Saka niya dinampian ng halik ang noo ko.

"So! We're okay now?" Tumango siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit, "I promise. Hindi ako papayag sa pinaplano nina Dad at Carter."

Niyakap niya ako pabalik which I find it sweet and warm. Sa kanya ko lang naramdaman ito.

"Sige na bumalik ka na sa inyo." Umiling ako saka binaon pa ang mukha ko sa leeg niya.

"I don't want to."

"Hindi na ako galit, kamahalan."

"I want you to call me Katie." Tumango siya. I trace her jawline using my fingertips.

"Jaeden." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa labi na siyang ikinagulat niya.

Pinutol niya ang halikan namin. "Halikana ihahatid na kita sa inyo."

Umupo ako sa kama niya at humalukipkip. Sinimangutan ko siya.

"Bakit ba pinapauwi mo na ako? May tatawagan ka noh?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Ang selosa mo. Wala akong tatawagan sige na tara na." Umiling ako saka nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng room niya. May isang bagay ang nakakuha ng pansin ko na siyang ikinamura niya.

Tumayo ako at nilapitan ang picture frame na nakalagay sa maliit na mesa. Kinuha ko yun at tinitigan saka masamang tumingin kay Jaeden na napapakamot na lang sa batok.

"Who is she? Bakit may picture kayong dalawa?" Nakakainis na nakakaselos.

"T-that's Penny. Kababata ko sa probinsiya." Naalala ko yung gabing dahilan kung bakit naubos ko yung isang bote ng wine dahil sa babaeng tumawag sa kanya.

"Gusto mo? O crush mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Napakamot siya sa kilay atsaka ngumiti.

"Wag na nating pag-usapan yan mag-aaway lang tayo eh. Tinotoyo ka pa naman-aray!" Sinapok ko ito sa braso dahil inis.

"Ang dami mo kasing babae. What a womanizer!"

"Sus! Aminin mo na kasi na nagse-selos ka."

"I'm not! Mas maganda ako sa mga babae mo." Inirapan ko siya.

"Hindi pa nga tayo pero grabe ka na mambakod."

"Masama?" Inakbayan niya ako kaya mahina ko siyang siniko.

"Aray! Ang sadista mo naman pag nagseselos."

"I said, I'm not jealous!"

"Ok ok sabi mo eh." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Who's that girl? Siya din ba yung tinawagan mo noong gabing naglasing ako?"

Kumunot ang noo niya saka mahinang napamura nang may maalala.

"Gusto ko maging totoo sa'yo." Tinitigan ko siya.

"I like her. She's Penny, my childhood friend. Bunsong kapatid siya ng best friend ko na si Flint."

Jaeden still likes her. Umupo ako sa gilid ng kama niya saka mataman siyang tinitigan.

"Until now?" Mababang boses na tanong ko sa kanya. Umupo siya sa harap ko.

"Pwede ko 'bang hawakan ang kamay mo." Inirapan ko siya.

"Nahalikan mo na nga ako eh." Ngumiti siya saka hinawakan ang kanang kamay ko.

"Ang lambot at ang gaan ng kamay mo, kamahalan."

"You're like a distant star for me. Hindi ko maabot. Mahirap lang ako dapat sa mga katulad mo ay mayaman." Nasaktan ako sa sinabi niya.

"How dare you! Wala akong pakialam kung mahirap ka eh sa'yo ko lang naramdaman ito. Pinapasaya mo ako, Jaeden."

"Naiintindihan ko pero willing ka bang lumaban kung sakaling maraming humadlang sa atin?" Tumitig siya sa mga mata ko.

Sigurado na ba talaga ako dito sa pinasok ko? Alam ko hindi ito magiging madali at marami ang huhusga sa amin but the hell I care with them. I'm happy with Jaeden.

"I feel safe when I'm with you." Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Katie."

"And yes! I'm willing to fight for you." Pagkatapos kong sabihin yun ay mabilis niyang tinawid ang pagitan namin at hinalikan ako sa labi na labis kong ikinasaya.

Yumakap ako sa batok niya at pumikit. I never felt this with anyone kay Jaeden lamang. I know I'm a play girl before sanay ako na pinaglalaruan ang damdamin nila pero ngayon natatakot ako na baka makarma ako at ako yung labis na masaktan.

But, I'm willing to risk everything for Jaeden. I guess I love her na hindi na ito simpleng pagkagusto lamang. My heart is beating for her and I'm territorial when it comes to her.

Napahiga ako sa kama niya at mabilis naman siya pumaibabaw sa akin at muling hinalikan ang labi ko habang masuyo niyang hinahaplos ang bewang ko. Malambing ko rin na hinahaplos ang buhok niya habang busy siyang halikan ang leeg ko.

I never thought na mahuhulog ako ng ganito kalalim sa isang taong kinaiinisan ko.

Stuck With You Onde histórias criam vida. Descubra agora