chapter four: Unang Biktima

167 22 8
                                    

Nag-aalala pa rin ako kay mama. Sinabi ko kay papa na kapag naka uwi sila ay i-text na lamang ako. Naalala ko pa rin kung paano ang panginginig ni mama at galit, may nangyari ba na hindi ko alam?

Napabuntong hininga na lamang ako habang inaayos ang mga pinagkainan. Napansin ko na may mga natira pang pagkain kaya binalot ko ito sa dalawang Tupperware, bibigyan ko sila Mihacel at Thanatos, hindi naman siya naka tikim ng sarili niyang luto.

"Anak, sasama ka ba kay Mommy?" Tanong ko sa anak ko na pinagpapatuloy ang kanyang imbensyon. Umiling siya, "It's alright mommy, I need to finish this." Tumango naman ako at iniwan na si Hreontes.

Hindi naman ako nababahala, may CCTV ang bahay namin at alam kong hindi basta-basta bubuksan ni Hreontes ang pinto sa kung sino-sino, binilin ko na rin sa iba naming kapit-bahay si Hreontes at ang bahay.

Tinungo ko ang Junk Shop ng magkapatid, sakto naman nasa labas si Charaileb kaya agad ko siyang tinawag, sobrang dumi ng kamay nito at ang dungis ng mukha, dahil maputi siya ay talagang nakakatawa siya tingnan.

"Oh Wynne, ikaw pala. Napadaan ka," Ngiti niyang ani at bahagyang nag punas ng kamay gamit ang bimbo, "May maitutulong ba ako sa'yo?" Binigay ko sa kanya ang isang Tupperware, "Eto oh, naparami kasi ang ulam kaya bibigay ko na lang sa inyo."

Nagpasalamat naman siya at agad niyang tinanggap, "Salamat ha, sakto dahil kakasaing lang ni Mihacel." Pagkakasabi palang niya nun ay lumabas ang kanyang kapatid na kakaligo lamang dahil basa pa ang buhok.

"Wow Mihacel, fresh tayo ngayon ah!" Tawa kong sabi at ngumiti ito sa akin. "Sabi na nga ba't nandirito ka Wynne, ang bango pala ng bago mong pabango, amoy rosas." Napakunot naman ang noo ko at inamoy ang aking sarili.

Wala naman akong naaamoy, "Binigyan tayo ni Wynne ng ulam." Pag singit ni Charaileb at lumiwanag ang mata ni Mihacel, "Ayun oh, salamat Wynne ha. Ang pangit kasi ng luto nitong si Charaileb," Pang-aasar niya sa kapatid kaya natawa ako.

"Sige na, mauna na ako ha, dadaan pa ako sa Simbahan." Paalam ko sa dalawa. Nagpasalamat naman sila bago ako maka alis, habang naglalakad ay panay pa rin ang isip ko sa sinabi ni Mihacel.

Amoy Rosas, sa totoo lang hindi ko alam ang amoy ng rosas pero sabi nila ay mabango daw 'yon. Napangiti naman ako habang naglalakad.

"Hi Manong Berting!" Masaya kong bati sa matandang lalaki. Napatingin naman ito sa akin at napangiti, "Ikaw pala, Wynne." Halos manlaki ang aking mata nang makita ang mga nakatanim sa gilid ng simbahan na mga rosas na iba't-iba ang kulay.

"Woww, ang ganda naman po niyan, Manong! Bakit dati hindi ko nakikita na may ganyan dito?" Ngumiti siya habang nagka-kamot ng ulo, "Ipinadala iyan ni Father Thanatos, nakalagay sa mga paso kaya naman tinanin ko at ginawa kong dekorasyon para naman may kabuhay-buhay ang simbahan." Napangiti ako nun at inamoy ang bulaklak.

Totoo nga ang sabi, mabango nga!

"Sige na Hija, kailangan ko pang alisin at ayusin ang mga pasong ito." Nakakabilib talaga si Manong. Kahit matanda na ang lakas pa rin!

"Ang saya mo yata ngayon, Wynne?" Bungad sa akin ni Mother Fei. Ngumiti naman ako ng matamis, "Mother, saan po yung office ni Father Thanatos?" Tanong ko. Tinuro naman agad ni Mother Fei kung saan kaya agad na akong tumungo roon.

May pagka malayo at dulo pero ayos lang. Akmang kakatok na ako nang marinig ko ang isang boses na nanggagaling sa loob.

"Ohhh...f*ck, uhh..." Nanlaki ang aking mata at halos mabitawan ko ang hawak na plastik na may lamang Tupperware. Akmang aalis na sana ako nang saktuhang nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang Padreng walang suot na pang itaas.

"Anong ginagawa mo rito, Wynne?" Ngiwi kong itinaas ang tingin at dahan-dahang inangat ang dalang pagkain. "Hi Father, mano po." Mabilis niyang tinago ang kamay kaya napanguso ako.

"Anong ginagawa mo rito, Wynne?" Pag-uulit niya sa sinabi. Pinakita ko sa kanya ang plastik, "Andami mo namang niluto, Father. Hindi naubos kaya ibibigay na lang namin sa'yo."

Tiningnan niya muna ito bago tinanggap, "Alam mo namang you can put it inside the refrigerator to keep it fresh at hindi madaling mapanis." Pagpapaalala niya.

"Sige po, Father. Aalis na ako," Basungot kong ani. Kita ko ang ngiti sa labi ng Pari nago pa ako maka talikod, "See you later sa Misa, Ma'am Wynne."


Excited akong makita si Father Thanatos na mag misa. Mukha kasing ang astig niyang tingnan, buti nga at may taong kagaya niya, hindi lang puro gwapo, may takot din sa Panginoon.

Kaso lamang ang daming narito ngayon, hindi ko na nga alam kung gusyo nilang mag simba o para makita si Father eh. Hinayaan ko na lang at tinuon ang pansin sa Misa.

Nang subuan na ng Ostya at ako na ang sunod, si Father Thanatos ang sa akin ang magsusubo. "Katawan ni Kristo?"

"Amen." Nang lumapat ang Ostya sa aking labi ay biglang lumapit ang isang Sakristan, ang mukha nito ay takot na takot at halatang tumakbo dahil hinihingal.

May binulong ito kay Father pero narinig ko rin, "Father. May nakita pong bangkay malapit sa inyong opisina." Nag tayuan ang balahibo ko nang marinig ko ang sinabi ng Sakristan.

Agad namang inutusan ni Father ang iba, walang nagawa ang lahat kundi tapusin ang Misa. Maraming nag reklamo, may mga nagtatanong pa na hindi raw pwede na biglaang tapusin ang kalagitnaan ng Misa.

"Paumanhin sa inyong lahat ngunit may malaking problema kung kaya kailangan muna tapusin ang ating Misa." Sabi ni Father sa mikropono. Tumayo na ako nag mataimtim na nag dasal.

Buti na lamang hindi ko sinama si Hreontes, inaalagaan naman siya ng dalawang mag kapatid kung kaya panatag ang aking loob. "Miss Wynne, maaari ka bang sumama sa amin?" Tanong ni Father at tumango naman ako.

Pansin ko na papunta nga kami sa office ni Father, kasama namin ang iba. Medyo may pagka malayo nga lang ang pinaka pwesto dahil sa dulong-dulo ang naganap na krimen.

Pansin ko rin na lumalamig ang temperatura kaya naman napa yakap ako sa aking sarili. Bundok din kasi ang Baryo... "Father Thanatos," Nag-aalalang tawag ni Mother Fei.

May mga pulis na rin at mga empleyado ng Simbahan. Tiningnan pa ako ni Mother at mukhang nagtataka kung bakit ako narito, kahit ako hindi ko alam.

Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang isang babaeng nakatalukbong ang katawan ng kumot, ramdam ko ang panghihina ng aking katawan sa aking nakikita.

"What happened?" Tanong ni Father sa pulis. "Nakita ng isa sa Sakristan ang bangkay, Father. May halimuyak daw kasing nanggagaling sa kwartong ito, nagtataka kami dahil nang tiningnan namin ang katawan ay kulang-kulang ang laman loob ng biktima, nahirapan kami kung paano nagawa ng kriminal na hatiin ang parteng tagiliran nito na parang wala lang."

Pagpapaliwanag ng Hepe. Pinakita nito sa amin ang parteng tagiliran ng katawan ng babae, dun namin nakita na halos hindi kapansin-pansin ang hiwa sa balat. Nakakabilib at nakakatakot. "Tatlong oras ng walang buhay ang biktima, malambot at mainit pa rin ang katawan nito."

"Sinong Sakristan ang nakakita?" Tumaas ng amay ang isang Sakristan. Halata mo sa kanya ang takot, nanginginig ang katawan at pilit pinapakalma ng mga kasamahan. Nakakaawa...trauma na ang inabot ng bata.

"Anong amoy ang na-amoy mo?" Seryosong tanong ni Father Thanatos.

Nanginginig na sumagot ang Sakristan, "A-amoy Rosas po, Father."

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now