chapter eleven: Hustisya ni Crispino

119 21 29
                                    

Napayakap ako kay Barbatos habang patuloy lang siya sa pag-iyak, "Mahal...p-patawarin mo ako..." Paulit-ulit siya sa paghingi ng tawad kaya naman napa hawak ako sa kanyang pisngi at hinalikan ang kanyang labi. "Ano ka ba, wala kang kasalanan."

Simula nang magising ako ay panay siya ganyan, nag-aalala ako sa aking anak dahil nasaksihan niya ang mga bagay na 'yon. "Mommy..." Sumilip ito sa pintuan at dali-daling lumapit sa akin.

Agad rin siyang yumakap at umiyak, hindi ko tuloy napigilang mapa iyak. Mahina akong natawa, "Ano ba 'yan, napaka-iyakin naman natin..."

Titig na titig si Hreontes sa aking hita na may gasa, "Does it still hurt, Mommy?" Marahan akong umiling. Pero ang totoo ay sobrang sakit lalo na pag gumagalaw ako, ayoko lang sabihin dahil ayoko malungkot ang aking anak.

"I'm sorry, mommy..." Kita ko ang pangingilid ng kanyang luha kaya naman hinawakan ko ang kanyang pisngi upang iharap siya sa akin, "Nak...wala kang kasalanan, wala kayong ginawa ni daddy mo. Kaya wag ka ng umiyak, naiiyak din si mommy eh..."

Mabilis niyang pinahiran ang luha sa kanyang mata at niyakap ako. Nasa labas si Barbatos at kausap ang kanyang boss at liliban muna siya sa Trabaho para maalagaan ako.

Sakto namang pumasok si Father Thanatos na mugto ang mata at halatang walang tulog at si Benson na seryoso ang mukha. Nang makita ako nito ay nagulat ako ng bigla siyang umiyak at akmang yayakap sa akin pero pinigilan siya ni Father.

"Ayos na ba ang iyong pakiramdam, Wynne?" Ngumiti ako at tumango. Gusto ko rin sanang itanong kay Father kung kamusta siya, mukha kasi siyang stress at hindi maayos ang lagay.

"Ma'am Wynne, sure ka? Wag ka mag-alala, ipapa-salvage ko h*y*p na 'yon!" Napangiwi ako sa sinabi ni Benson. Nakalimutan niya yata na Pari ang katabi niya.

"Na-aresto na ang lalaki, he's 25 years old, Emanuel Emerson. He was arrested in 2018 for illegal gambling and 2015 for stealing." Banggit ni Father Thanatos.

"Napag-alaman din namin siya ang may gawa kung bakit ninakaw ni Crispino ang pera sa Simbahan. Nakakalungkot lang dahil hindi na namin nabawi ang pera," Pagpapatuloy ni Benson na nasinghot pa.

Napa iling si Father Thanatos. "Huwag ka mag-alala, sisiguraduhin ko na hindi ka na niya masasaktan pa." Napangit ako sa sinabi ni Father. Napatingin naman sa kanya si Benson habang naka ngiwi, "Natin, Father. Natin, wag kang selfish."

Sinamaan naman siya ng tingin ng Pari kaya mahina akong natawa. Sakto namang pumasok ang aking asawa na bahagyang nagulat ng makita ang dalawa, "Father, Hepe. Hindi ko alam na narito kayo."

"Kailangan pa ba naming mag paalam para bisitahin si Wynne?" May pagsu-sungit na tanong ng Pari kaya pareho kaming napa ngiwi ni Benson habang ang anak ko ay nakatingin lang sa kanila.

"Alangan naman ho, Father. Asawa ko yata ang binibisita mo," May awtoridad na sagot ni Barbatos kaya mas lalong napa ngiwi si Benson. "Tama nga naman siya, Father...ano isasagot mo?" Rinig kong bulong nito dahila para mahina akong matawa.

Kita kong bahagya siyang siniko ng Pari, "Isa akong Pari, Barbatos. Pinagdududahan mo ba ang Padre ng inyong simbahan." Inaasahan kong hindi na sasagot ang aking asawa pero nag ka-mali ako.

"Oho, dahil hindi lahat ng Pari ay may mabuting puso. Lahat ay makasalanan," Titig na titig ito kay Father. Gusto ko sanang patigilan ang dalawa pero ginawa na 'yon ni Benson para sa akin, "Mga boss, ang hot sa kwarto, hindi ba kayo naiinitan? tara sa impiyerno." Ibang klase talaga ang pulis na 'to.


Ilang oras ay tahimik lang si Hreontes sa aking tabi, naka hawak siya sa aking kamay at hindi binibitawan. Napahawak tuloy ako sa kanyang ulo at hinaplos ang buhok ng aking anak, "Mahal na mahal ka ni mommy..." Ngumiti siya at muli akong niyakap.

Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang mag kapatid na Changelar.

"Wynne!" Sabay na sigaw ng mga ito. May dala silang prutas na nasa basket, "Kamusta kayo? Nabalitaan namin ang nangyari sa inyo." Nag-aalalang tanong ni Mihacel.

"Ayos naman, buhay pa. Malakas 'to eh!" Pagmamayabang ko. Natawa naman si Charaileb, "Sabi sa iyo hindi na dapat tayo nag-alala, baka si Wynne 'yan, lakas ng kapit sa Panginoon." Siniko siya ni Mihacel kaya natawa na lang din ako.

Kinuwento ko sa dalawa ang nangyari habang binabalatan ang orange para ibigay kay Hreontes. "Mabuti at maayos lang kayo, pasalamat na lang tayo at may pagka chismosa mga tao rito at mabilis na naka tawag ng pulis." Sabay kain ni Charaileb sa mansanas na kaba-balat lang ni Mihacel.

Tiningnan naman siya ng masama ng kapatid at hinampas ang kamay, "Kay Wynne 'yan! Bakit mo kinakain?!"

Napatigil sa pag nguya si Charaileb at napatingin sa akin. "Ay..."

"Ay oo nga pala, eto yung pinapakuha mo, Bata." At binigay nito ang isang bag na puno ng iba't-ibang parte ng mga metal at ibang bagay na hindi ko alam. "May tools na rin 'yan, kasama na mga kakailanganin mo." Masayang tinanggap ni Hreontes 'yon at nagpasalamat.

Umalis ito sa aking tabi at tinungo sa lamesa, napatingin ako sa magkapatid pero kibit-balikat lang silang dalawa. Minsan talaga kahit ako ay hindi ko maintindihan o mabasa ang iniisip ng aking anak.

Nagpaalam na ang dalawa at nag pahinga na ako, tiningnan ko ang pwesto ni Hreontes na seryoso sa ginagawa. 


Halos hindi na umuwi ang asawa ko. May bag siyang dala na mga damit namin, kahit si Hreontes ay hindi na rin umuwi. Natatawa na lang talaga ako minsan sa mag-ama ko.

Sa tatlong araw ay dinadalaw ako ng mag kapatid at ni Benson, inaantay ko nga minsan si Father pero hindi siya dumalaw. Nakakatampo.

Dumating na ang araw kung saan pwede na akong maka alis sa hospital, kaso kailangan kong gumamit ng wheelchair.

Nang maka labas ako ng hospital ay napa luha ako ng makita ang batang si Crispino na gising na. Ngumiti ito sa akin kasama ang kanyang mga magulang sa kanyang likod, walang pag-aatubili na tumakbo siya patungo sa aking pwesto at sabay naming niyakap ang isa't-isa.

"Diyos ko po...mabuti naman at gising ka na." Naiiyak kong ani. Nalungkot ako dahil hindi niya ako madidinig at hindi siya makakapagsalita.

Nang biglang lumapit ang anak kong si Hreontes at may kinabit sa ulo at leeg ng lalaki. Hindi ko alam kung ano 'yon, pero yung isa ay parang hearing aid at yung isa ay mukhang collar na may mikropono.

"Hello...Mrs. Wynne." Nanlaki mata ko. Ang tunog ay parang iba't-ibang clip sa radio para mabuo ang mga sentence na sinasabi ni Crispino. "Maraming salamat po, sa inyong tulong."

Napangiti ako at napatingin sa aking anak. Ayun pala ang ginagawa niya... "You can talk to him, mommy." Tumingin ako kay Crispino. "Masaya ako at ayos ka lamang." Lumaki ang ngiti niya sa labi at agad akong niyakap.

Halos maging emosyonal ako nung oras na 'yon.

"Maraming salamat po sa pagtulong mabigyan ako ng Hustisya..."

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now