chapter fourteen: Ang Salarin

107 18 8
                                    

Nandito ngayon si Benson at interview si Arion, habang kami ni Father Thanatos ay naka upo sa tabi ng lalaki kasama si Hreontes.

"N-natutulog ako...naramdaman ko yung kama na lumubog, nang imulat ko mata ko wala akong makita, i-itim lahat, p-pero alam kong gising ako...h-hindi panaginip. May humahalik sa akin..." Natigilan siya at bigla na lamang umiyak. Mabilis ko namang niyakap ang bata at umiyak siya sa aking balikat, "...humalik siya sa a-aking l-leeg...yung kamay niya...r-ramdam kong pumapasok sa damit ko."

Nagkatinginan si Father at Benson. "Arion, makinig ka. Kailangan mong idetelyado ang lahat, mahirap dahil hindi mo nakita ang salarin, mula sa naramdaman mo sa taong gumawa sa'yo hanggang sa mga ginawa pa bago matapos ang gabi."

Huminga ng malalim ang bata at nagsimula muling mag kwento. "Hindi ko natansya ang kamay niya dahil daliri ang kanyang ginagamit...iba't-ibang paghagod, pababa at taas, pero yung balat niya ay makinis at malambot, p-para bang kamay ng babae. Hindi ko nagawang manlaban kasi naka dagan siya sa akin, a-at...para bang may tela sa mata ko kaya hindi ko makita ang paligid." Agad naman 'yong sinulat ni Benson.

"Anong oras nag simula ang nangyari?" Tanong nito.

"Natulog kami ay eleven na ng gabi, tansya ko ay alas-tres ng umaga nang mangyari 'yon." Tumango muli si Benson at nag tanong pa ng ibang mga ka-tanungan.

Natapos ang interview pero kinakausap pa rin siya ng Hepe, habang kami ni Father ay lumabas upang maglakad-lakad. "Wala ka bang naramdaman o ingay na narinig?" Umiling ako.

Nalulungkot ako...

Marahang ginulo ni Father ang aking buhok, "Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo, wala kang ginawang kasalanan." Napatingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng marahang ngiti kaya kahit ako at dahan-dahan ding napa ngiti.

"Jamine!" Tawag ko sa dalaga na muling nag pi-pinta. Nang naki tingin kami ni Father ay ganun na lang ang pagka mangha ko ng makita ang kanyang pinipinta.

Halos hindi ako makapaniwala ng makita ang pigura ni Arion, kuhang-kuha niya ang mukha nito, aakalain mong printed..."Ang galing mo naman, nakita mo na si Arion?" Tanong ko

Tumigil siya sa pagpipinta at nag sign language napanguso ako kasi hindi ko maintindihan, wala rin si Charaileb para i-translate sa akin ang sinabi ni Jasmine. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto, "Oh Ate Wynne, Father. Kamusta ho? May maitutulong ho ba kami?" Magalang na tanong ni Devon.

Ang gwapo talaga ng batang 'to, may dimple pa at may pagka makulot ang buhok. Ngumiti ako at tumango naman si Father, "Nagpipinta ka ba, Devon?" Tanong niya.

"Ah opo, Father. Kinatutuwa ko po at kilala ninyo ako," Sabay nag kamay ang dalawa. "Maaari ko bang makita ang mga pinta mo?" Mabilis naman na kinuha ni Devon ang kanyang cellphone at pinakita ang ilang litrato ng kanyang obra sa Pari.

Ngumiti naman si Father saka nag paalam ang binata na pupunta sa bahay ng kanyang tropa.

Matapos ah nag paalam na si Benson at Father, tinawagan na rin nila ang mga magulang ni Arion na sunduin ang bata rito. "Sa kwarto ka na lang namin matulog ha?" Tumango ang bata.

Nang gabi ay kaming tatlo ang nasa kama, pinag gitnaan namin si Hreontes at bandang kaliwa ako at siya naman ay sa kanan.

At dun na ako naka tulog.

Naalimpungatan ako ng marinig ang isang malakas na ingay. Muli akong napa balikwas, nakita ko so Hreontes na tulog ay si Arion na naka dapa sa sahig habang umiiyak. "Arion!" Sigaw ko dahilan para mapabalikwas si Hreontes sa gulat.

Mabilis kong hinawakan ang bata at tinulungan ito maka tayo. Kahit si Hreontes ay tumulong din hanggang sa may narinig akong ingay sa labas nang tingnan ko ang bintana ay nakita ko ang Ibang pulis, si Benson at Father Thanatos na nasa harapan ng aming bahay.

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now