chapter five: Krimen sa Rosas

176 24 27
                                    

Warning Chapter

Tiningnan ng mga Pulis ang CCTV Camera's sa Simbahan ngunit lahat ng ito ay burado. Napag-alaman din namin na ang biktima ay isa sa nanalo ng Miss beauty pageant sa Baryo.

Narito na rin ang pamilya ng dalaga at umiiyak sa sinapit ng anak at kapatid.

"Father, hindi ko alam na may taniman kayo ng Rosas dito." Kunot noong tanong ng Hepe.

"Ah oo, tinanim yan ni Manong Berting kaninang umaga." Sabay naming banggit ni Mother Fei. "Ang sabi ni Manong Berting ay pinadala ninyo daw ho iyan, Father." Sabi ko pa.

Tumalim ang tingin ng Hepe sa Pari at biglang nilabas ang baril nito saka tinutok kay Father Thanatos, halos lahat kami ay nag panic at natakot sa mga nangyayari. "You're under arrest Father Thanatos sa pagpatay kay Ms. Urlen Alyan."

Ang pamilya ni Alyan ay halos murahin na si Father Thanatos sa sinabi ng Hepe. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Father tungkol kanina kung paano humawak ng Kutsilyo, ayokong maniwala pero natatakot ako dahil baka siya nga ang salarin sa pagkamatay kay Alyan.

Tumingin sa akin ang Pari at marahang ngumiti. "Naniniwala ka bang ako ang Pumatay, Wynne?" Hindi ako nakasagot. Bigla naman akong hinatak ni Mother Fei sa kanyang likuran at mahinang tumawa si Thanatos habang nailing.

"Nagkakamali kayo ng hinuhuli, Hepe." Kalmadong banggit ni Father at binaba ang baril ni Hepe gamit ang daliri. "Dahil dapat siya ang iyong hulihin," Tumingin ito sa Sakristan na siyang nakakita sa bangkay.

"P-po?" Nanginginig na tugon nito.

"Huwag ka mandamay ng bata rito, Thanatos!" Sigaw ni Mother Fei. Halos humakhak si Father at tumingin kay Mother, "Isa ka ba talagang taga pag lingkod ng Panginoon, Mother Fei? at sarili mong anak ay sinusulsulan mo sa kasakiman?!"

Kita ko ang takot sa mata ni Mother, at bigla na lang ako nitong hinila at pinulupot ang mga braso sa aking leeg. "Huwag kayong lalapit! Papatayin ko ang babaeng ito!!" Sigaw niya habang humahakbang pa-antras.

Halos mapahiyaw ako dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Mother sa akin. "Let her go!" Sigaw ni Father sa galit. Ni hindi matutok ng mga pulis ng mga baril dahil ginagawa akong pananggalang ni Mother Fei.

"Let go of my Mother!" Napatingin ako ng marinig ang boses ng aking anak. May hawak itong tirador at biglang binitawan ang lastik, tumama ang bato sa ulo ng Madee dahilan para mapasigaw ito sa sakit at ako'y mabitawan.

Mabilis na tinungo ng mga pulis ang madre at bigla itong ginapos. Nang hina ang aking katawan, halos mahulog ako sa sahig kung hindi lang ako na salo ni Father Thanatos, "Let go of my Mother or I'll shoot you!" Sigaw ni Hreontes habang hinahataw si Father.

Nanginginig ang aking katawan sa takot. Kilala ko ang Madre simula noon, bakit ganito...Naaawa akong nakatingin kay Mother Fei na nagpupumiglas habang nakahiga sa sahig, na halos pumalahaw ng sigaw.

"HUWAG N'YONG GAGALAWIN ANG ANAK KO, PAPATAYIN KO KAYO!" Sunod-sunod nitong pagkakasabi kaya napayakap ako sa aking anak at tinakpan ang kanyang mga mata at tenga upang hindi marinig ang mga karumaldumal na nangyayari.

Nadala si Mother Fei sa presinto at pinatulog ito. Napakalma na rin ako habang yakap pa rin si Hreontes sa aking bisig, akmang huhulihin ng Hepe ang batang Sakristan nang pigilan ito ni Father.

"Hindi siya ang salarin." Napatingin ang Hepe sa Pari. Lahat kami ay natahimik at tanging iyak ng Sakristan ang maririnig. "H-hindi po ako ang gumawa noon...totoo pong napadaan lang ako sa opisina ni Father Thanatos kasi inutusan ako ni Mother Fei..."

Niyakap ni Father ang bata at ginulo ang buhok nito. Seryosong tumigil si Father sa mga rosas na nakatanim bago tumingin sa akin at sa Hepe. "Puntahan natin ang bahay ng Janitor na si Berting."

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now