chapter seven: Sampung Libo

137 18 11
                                    

Si Father Thanatos ang nagbasbas sa kabaong ni Mother Fei at Manong Berting. Onti lamang ang dumalo, kami-kami lang din, mataimtim akong nag dasal at nang ililibing na ang kabaong ng dalawa ay inihagis ko ang bulaklak at ganun din ang ginawa ng iba.

Nanatili ako ng ilang minuto. Pinauna ko na ang aking mag-ama sa bahay dahil lalakarin lang naman ang pagitan ng layo.

Habang nakatingin sa puntod nila ay hindi ko nagawang hindi mapa iyak. Bumalik na naman ang ala-ala, nakakalungkot isipin na wala na kayo Mother Fei at Manong Berting...

Aaminin kong hindi katanggap-tanggap ang ginawa nila, ngunit masakit para sa akin na ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko ay wala na. "ipagdadasal ko na lang ho kayo, Mother at Manong..."

"Wynne," Napalinga ako at nakita si Father. "Oh Father, bakit nandito ka pa?" Taka kong tanong. Tinabihan naman niya ako, "Mamaya pa naman ang susunod na misa. Ikaw? Mukhang malapit ka sa dalawa."

Tumango ako, "Halos pamilya na rin kasi ang itinuring ko sa kanila...kaya naman nakakalungkot ang mga pangyayari." Napatingin siya sa akin at mahinang natawa. "Masyado kang mapag patawad..."

Napanguso ako. "Ang Panginoon nga ay nagpapatawad kahit ano pang kasalanan ang aking gawin, masyado naman akong makapal kung ako hindi magawa." Matawa-tawa siyang napa iling.

"Ang saya mo yata, Father." Mas lalo siyang natawa kaya lalo akong napa nguso, "Oo naman, ikaw ba hindi?" Bigla ko tuloy naalala yung nangyari sa amin ng aking asawa kagabi kaya naman kinilig ako.

pero mabilis ko ring inalis sa isip ko dahil Pari ang aking ka-tabi. "Oo naman ho, masaya." Ngumiti ako.

"Bakit? May nangyari ba?" Pagsusuri niya at agad namang namula ang aking pisngi sa hiya. "Nako, Father wala ah." Mapilyong ngumiti ang Pari, "Alam mo, Father. Bilib ako sa iyo...sa sinabi mo kay Mother Fei."

Napatingin siya sa akin, "Totoo naman kasi ang sinabi ko. Ang sobrang inggit ay hindi ka madadala sa maayos na daan, babalutin ka lang nito ng negatibong enerhiya, may nga taong nakakagawa ng kasalanan dahil lamang sa inggit." Napatango ako sa pag-sang-ayon.

"Pero Father, bakit ka nga pala nag Pari?" Gusto kong malaman. Sa itsura niya kasi ay pwede siyang maging modelo, tapos sa pag lutas niya ng kaso pwede rin siya maging pulis.

Kaya naman nagtataka ako kung bakit niya pinili ang pagpapari.

Tumingala siya sa ulap at ngumiti. "May Rason ako na hindi maaaring sabihin..." Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi, tumingin sakin si Father Thanatos. "Ikaw Wynne? Naniniwala ka ba na walang propetang tapat sa Panginoon?"

Napa isip naman ako at napailing, nawala ang kanyang ngiti at napaltan ng pagtataka. "Paano mo naman nasabi?"

"May mga propeta siyang tapat sa kanya, yung iba ay tumiwalag o nagtaksil...ngunit may iba naman na natili at naging tapat." Umamo ang kanyang mukha at muling binalik ang tingin sa langit.

"Eh ngayon ba? Naniniwala ka bang may tapat pa rin sa kanya?" Muli akong tumango, "Oo naman, may mga taong tapat sa Panginoon, iba ho kasi ang salitang tapat at naglilingkod sa salitang taga sunod."

"Anong ibig mong sabihin?" Huminga ako ng malalim.

"Lahat ho ng tao ay makasalanan, kahit ako. Na kahit sabihin mong naglilingkod sila sa Panginoon ay may bahid pa rin ng kasalanan ang kanilang kaluluwa at mga puso, may bahid ng kasakiman at kasamaan, na kahit Pari, Madre o ang mga taong naglilingkod sa Simbahan." Tumango siya at nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Oo, sasabihin ng iba na hindi tayo perpekto, ngunit ang sampung utos ng Panginoon ay madali lamang sundin, para lang itong batas sa mga batang paslit, mga batas na mabilis kabisaduhin. Ngunit ginagawa ng mga tao ang dahilan ang hindi pagiging perpekto para makatakas sa katotohanan sa tayo'y makasalanan...

"Para po kasi sa akin, ang salitang taga sunod ay sumusunod sa kanyang yapak, sumusunod sa kanyang utos at sumusunod sa kanyang mga salita, habang ang naglilingkod at tapat ay siya lamang ang inyong pinaniniwalaan at naglilingkod ka sa ibaba ng kanyang pangalan." Rinig ko ang pagpalakpak ng Pari kaya napangiti ako.

Sabay na kaming tumungo sa Simbahan.

Panay ang kwentuhan namin ni Father Thanatos, nang makita namin ang isang Sakristan na palabas. Dun ko namukhaan na ito yung Sakristan nung nangyari yung Krimen.

"Crispino!" Tawag ni Father sa bata. Dahan-dahang tumingin sa amin ang bata at natigilan sa paglalakad, nang lapitan namin ito ay napansin kong basang-basa ang bata at bahagyang nanginginig.

"Anong nangyari sa iyo?" Takang tanong ni Father Thanatos. "N-na hulog po ako sa kanal..." Sabay tinuro ng bata ang kanal na malapit. Makikita ang bakas ng dumi na halata ngang may nahulog.

Kumunot ang noo ni Father Thanatos at inutusan ang batang umuwi para mag palit. Niyakag na ako ng Pari na tumungo sa simbahan, pagka pasok ay nagulat akong nag kakagulo ang ibang sakristan at mga staff ng simbahan.

"Father, may problema tayo." Asar na pagkakasabj ng isang Madre kaya naman napa kunot ang aking noo.

Sabay-sabay ang problema ngayon ah... "Anong problema, Mother Angel?" Isa si Mother Angel sa mga madre ng simbahan, siya yata ang pinaka matandang madre rito.

"Nawawala ang pondo na nilikom natin para sa Simbahan!" Nagkatinginan kami ni Father. "Paanong nangyari 'yon? Sino-sino ang pumasok sa silid ko?" Tiningnan niya ang lahat.

"Imposibleng may ibang pumasok doon, Father. Bukod sa iyo ay kami lamang ay may susi," Ani ng Madre. Napa buntong hininga ang Pari. "Wala tayong magagawa niyan, halos sampung libo ang perang 'yon." Nanlaki mata ko sa laki ng perang nawawala.

"Paano nalaman na nawala ang pera?" Tumaas ng kamay ang isang Sakristan. "Ka-agad po naming sinumbong nang malaman na nawawala ito."

"Malapit na ang fiesta ng Baryo, kapag napansin ng mga tao na walang pagbabago sa Simbahan ay baka mag akala ang lahat na binubulsa natin ang perang nalilikom natin." Halos ako ay hindi makapaniwala.

Malaking problema nga ito...hindi naman pwedeng mag ambag ang lahat, onti lamang kami rito at walang ganoong kalaking pera, at mga bata pa ang ilang sakristan at nag-aaral, hindi naman pwedeng humingi uli kami at magagalit lalo ang mga taong Bayan.

Apat na araw na lang ang natitira bago sa Fiesta kaya kinakabahan na kaming lahat.

"Father..." Napatingin kami sa Sakristan na biglang nagsalita, nanginginig ito ay halatang natatakot, ito rin ang nag taas ng kanyang kamay kanina. "Nakita ko po kasi si Crispino na pumasok sa inyong kwarto, wala po akong nakitang pera sa kanyang kamay pero siya ang huling pumasok bago namin malaman na nawawala ang pera..."

Dun kami nagkatinginan ni Father Thanatos.

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now