chapter twelve: Father Thanatos

119 17 12
                                    

"Kuya Crispino can still hear sounds but not clearly, you need to shout for him to be able to hear you, that's why I made a hearing aid for 100db." Paliwanag ni Hreontes. "While in the Mechanical Voice box, I used old parts of a radio, it's a bit goofy since the voices are different. Kailangan kong I-record ang boses ni Kuya to be able to change the voices with his actual voice but since he became mute permanently and has no recordings, I can't change it."

Napanguso ako habang pilit na iniisip ang mga pinagsasabi ng aking anak. "Walang ma gets si mommy."

"It's okay, mommy. I still love you." Mahinang natawa si Barbatos habang mas lalo akong napa nguso.

"Tara na?" Tumango ako. Da-daretsyo kami sa simbahan upang magdasak at humingi ng pasasalamat sa Panginoon at walang nasamang nangyari sa anak ko.

Kahit may ka-layuan ay nakikita namin ang mga nagdadagsaang tao sa labas ng Simbahan, nandun ang ibang mga pulis at parang pinipigilan ang mga taong gustong pumasok.

"Anong meron?" Taka kong tanong. Bahagya pa kaming lumapit at nakita ko si Benson, "Mga kababayan! Pakiusap kumalma kayo, ang Simbahan ay para lamang sa mga taong may planong mag dasal, binubulabog ninyo ho ang buong lugar!"

"Kailangan lang namin magpasalamat kay Father!"

"Father Thanatos!"

"Padaanin ninyo kami!"

Panay ang sigawan ng mga tao sa pangalan ng Padre. Nang maka lapit kami ay inalalayan kami ng ibang pulis para maka daan, "Benson, anong nangyayari? Bakit ang daming tao?" Tanong ko.

Dun namin napag alaman na niligtas ni Father ang dalawang bata sa nasusunog na bahay. Binalot ng kaba at pag-aalala ang aking katawan, lalo't na nang malaman na hindi man lang siya pumunta sa Doktor upang mag patingin.

Ayun din ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako nadalaw?

Dinala ako ni Benson at ng aking asawa sa office ng Pari, nag pa-iwan ang aking anak kasama ang ibang pulis. Nang makarating kami ay kumatok na ako, "Bukas 'yan."

Binuksan ko ang pinto, sinenyasan naman ni Benson na ako lang ang papasok, hinayaan na ako ng aking asawa at pinilit kong maka andar papasok sa opisina. Sinarado ni Benson ang pinto at nakita ko si Father Thanatos na naka upo sa kanyang upuan.

Wala itong damit pang-itaas kaya kitang-kita ko ang mga benda na nakabalot sa kanyang katawan. "Father..." Mahina kong tawag. Inangat niya ang kanyang paningin sa akin, nang makita niyang ako iyon ay mabilis niyang itinago ang bagay na kanina niya tinitingnan.

"Ikaw pala, Wynne...kamusta ka na?" Sabay tingin nito sa aking paa. Kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata ng Pari kaya pati ako ay nalungkot na rin, "Ikaw Father? Ayos ka lang ba?"

Marahan itong ngumiti, "Oo naman." Tumayo ang Pari at tumungo sa aking pwesto, hinila niya ang plastik na upuan at itinabi sa akin saka umupo. Napatingin naman ako sa kanyang buong katawan.

Kitang-kita ko ang pasa at paso sa kanyang balat, hanggang sa mapunta iyon sa kanyang leeg, napa kurap ako ng makita ang bakas ng peklat na naka pulupot doon, hindi ko namalayan na gumalaw ang aking kamay at kusang dinulas ang mga daliri na para bang isang bata na nagsusulat sa buhangin gamit ang kamay.

Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Father, "Nakakakiliti ang iyong ginagawa..." Napatingin ako sa kanya. Mabilis akong umurong dahil mag ka-lapit ang aming mukha.

"Alam mo Father, pareho kayo ng asawa ko. May kiliti sa leeg," Marahan lang siyang ngumiti. Hindi ko alam pero nakikita ko na nangingilid ang luha sa kanyang mata, nakaramdam ako ng pag-aalala. Gusto kong itanong kung anong problema pero yumuko lang siya at mahinang tumawa, "Masaya ako para sa iyo, Wynne."

"Masayang....masaya..." At bigla na lang siyang umiyak. Nanginig ang aking labi, gusto ko ring maiyak pero saan? Hinawakan ng Pari ang aking mga kamay at pinaglapit 'yon.

Dinikit niya ang naka kuyom kong mga kamay sa kanyang noo at patuloy sa pag-iyak, "Father Thanatos" Mahina kong tawag at umiling siya.

"Pakiusap, pagbigyan mo lang ako kahit ngayong araw lang...gusto ko lang mahawakan ka." Nanatili siya sa ganoon posiyon. Hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba, o kahit galit. Ang nararamdaman ko a pagtataka at awa, bakit bigla na lang ganon ang reaksyon ni Father?




"Mahal?" Napatingin ako kay Barbatos. Naka uwi na pala kami, hindi ko man lang napansin... "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito. Ngumiti naman ako at tumango, "Oo naman."

Pinaghanda ako ng aking asawa ng makakain. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

"Ayos lang ba?" Tanong ni Barbatos habang inaayos ang gasa sa aking hita matapos niyang linisin ang sugat. Tumango ako at marahan niya akong inalalayan maka higa, nang mag ring ang phone niya.

Nagpaalam muna siya saglit saka pinatay ang ilaw at lumabas para sagutin ang tawag.

Halos ilang oras akong nag-aantay sa asawa ko, gusto ko na nga sanang matulog pero ayaw sumunod ng katawan ko. Napabuntong hininga na lamang ako at pumikit.

Rinig ko ang pag bukas ng pinto kaya napatingin ako doon, nasara na ang pinto at sarado pa ang bintana, "Mahal, tara na tulog na tayo." Ani ko at tinapik ang kama sa tabi.

Dahan-dahan siyang tumungo sa akin, marahan ang kanyang nga kilos, ang mga braso na kinulong ako sa isang yakap. "Wynne...mahal na mahal kita..." Bulong niya.

Napangiti ako dun at niyakap siya ng mahigpit, hinalikan niya ang aking noon papunta sa aking pisngi. "Gusto kitang mapasakin lamang...Wynne." Mahina akong natawa, "Sa iyo lang naman ako."

"Sabihin mo ang pangalan ko..." Napasinghap ako ng hangin ng dumulas ang kanyang mga halik sa aking leeg. "Barbatos..." Bulong ko at mas naging mapusok ang kanyang paghalik sa akin kaya napa ungol ako.

Pansin ko rin na mahinhin ang bawat kilos niya na animo'y ayaw akong masaktan. Napangiti ako dun at nilapat ang aking kamay sa kanyang damit pero pinigilan niya ako, "Wag...hayaan mong ako ang magpasaya sa  iyo, hindi mo pa kayang gumalaw..."

Hinayaan ko siya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nilapat sa malambot na kama saka pinagpatuloy ang paghalik sa akin. "Mahal kita Wynne..." Sa pagsabi niya nun ay naramdaman ko ang tubig na tumulo sa aking balat.

"Mahal..." Tawag ko. Hindi siya gumalaw kaya naman niyugyog ko bahagya ang kanyang katawan. Nang iangat ko ang kanyang mukha ay napa sigaw ako ng makita na duguan ang batok nito at may tumutulong dugo sa kanyang bibig.

Halos hindi ako nakagalaw sa takot at napasigaw ako ng malakas.

"Wynnne!" Napa mulat ako nang gisingin ako ni Barbatos. Mabilis akong napa upo, pawis na pawis ang aking katawan at higop hininga akong nagising, maiyak-iyak akong napatingin sa kanya... "M-mahal ko..." Agad niya akong niyakap at agad akong pinapakalma.

Panaginip lang...panaginip lang pala...

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now