chapter fifteen: Tatlong Biktima

98 15 11
                                    

Isang Buwan na ang nakakalipas. Nalulungkot ako para kay Manang Deselin, napag alaman ng lahat na nakita ang bangkay ni Devon na wala ng ulo kagaya ng dalawa na si Mother Fei at Emanuel.

Halos bagong usap-usapan na 'yon sa baryo, kesyo baka ayun daw ang parusa ng Panginoon sa mga taong lumalabag sa kanya. Dahil din dun ay marami nang nagdarasal sa simbahan, kaya naman nandito kami ng aking pamilya.

Habang nagmimisa si Father ay napatingin ako sa isang lalaking nakain sa loob ng Simbahan, wala naman akong problema roon, nakakalungkot lang ang laki niya.

Unhealthy na kasi sa tao kapag overweight or underweight ka.

"Nakakatamad, puro salita lang naman ng Pari, kung nag pa-iwan ako edi sana natutulog na ako ngayon." Napatingin ako sa isang lalaki na siguro mga nasa dalawang pu't dalawa ang edad. Napa iling na lang ako sa inaasta nito nang sikuhin siya ng babaeng kasama na siguro ay nobya.

"'yan na yung pari na sinasabi nilang gwapo? Asus, mas gwapo pa ako diyan." Sabay tawanan ng mga kababaihan na katabi niya.

Nadidismaya ako sa mga kabataan na narito, ang simbahan ay para sa mga tao na manalangin at lumuhod sa Panginoon.

"Mag siluhod po ang lahat," Nang nagsiluhod ang mga tao at kasama ako.

"AHHHHHHHHHH!" Sigawan ng lahat ang pumalahaw sa buong simbahan. Napatingin kaming lahat, nanlaki ang mata ko at mabilis na hinila ng aking asawa kami ni Hreontes palayo.

Halos maging pula ang maputing sahig dahil sa dugong umaapaw. Patuloy ang sigawan, na halos ang iba ay naduduwal, ang tatlong lalaki kanina ay ngayon wala ng ulo.

Napahiyaw ako sa takot nang gumulong sa aking ang isang ulo. Mulat na mulat ang mata nito habang nakatitig ang sa'kin.

Lahat ay nag si-uwian. Pinauwi na rin namin si Hreontes kasama ang aking asawa, ayaw pang sumunod ni Barbatos dahil magpapaiwan ako pero napilit ko rin siya.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Benson sa amin. Kita ko ang inis ni Father Thanatos at stress, "May nangyaring pag patay sa loob ng Simbahan."

Agad naman niresponde ng mga pulis ang nangyari at sinara muna ang buong simbahan para imbistigahan, tahimik labg si Father Thanatos sa aking tabi kaya nagtataka ako. "Hindi ka ba tutulong, Father?" Umiling siya.

"Masyadong masakit ang ulo ko, hindi ko kakayaning tumulong." Tumango naman ako at sabay naming pinanood ang mga pulis sa ginagawam hinalughog din nila ang buong simbahan at mga katawan ng biktima.

"Wynne, maaari mo bang kuhanin ang gamot ko sa opisina?" Tumango ako nang makita na namumutla na ang Pari. Binigay sa'kin ni Father ang susi, mabilis naman akong nag paalam at tumakbo patungo sa kanyang opisina.

Nang mabuksan ang pinto ay tumungo ako sq mga drawer ni Father pero wala akong nahanap, nag halungkat ako sa ibang parte hanggang sa may nakita akong isang baul na naka patong sa table sa pinaka gilid.

Ngayon ko lamang 'to nakita.

Nang subukan ko siyang buksan ay hindi mabukas-bukas kaya tiningnan ko ang mga ibang lalagyan, dun ko nakita ang isang tableta kaya kinuha ko 'yon at bumalik.

Nakita ko si Benson at Father na seryosong nag-uusap. "Eto na po, Father," Nag pasalamat naman siya sa akin at kumuha ng isa. Walang tubig-tubig at agad niya 'yong nilunok, "Ano pala nangyari?"

"May nakita kaming string na naka tali doon, doon, doon, doon at doon." Sabay tinuro sa pagitan ng buong Simbahan, "Eto ang nag sanhi para maputol ang nga ulo nito."

Napansin ko na hindi basta-basta ang ginamit, sobrang tibay nito, hindi mo mahahalata dahil sa manipis. "May mga naiwan bang bakas, Hepe?" Malungkot na umiling si Benson. "Ayun ang kinalulungkot, wala...pero may nahagap ako."

"Sasama ka sa amin, Father?" Tanong ko. Umiling siya, "Kayo na lamang, marami pa akong kailangan asikasuhin sa Simbahan." Nauna kami ni Benson kasama ang ilang pulis.

Nang makarating kami ay bigla na lamang bagsak na napa upo ang Hepe, "May problema ba, Benson?" Nag-aalala kong tanong. Pagod at nanghihina ang kanyang itsura at nanginginig ang katawan, "H-hindi ko alam, pero bigla na lang ako nanghina..."

Binigyan ko muna siya ng ilang minuto bago muling bumalik ang kanyang lakas. May binigay sakin ang isang pulis na mga papel na printed, may mga litrato at kuha ng mga bangkay ni Mother Fei, Emanuel at Devon.

Kinilabutan ako habang nakatitig sa mga picture.

"Ayan ang mga kuha nang mamatay ang tatlong biktima, eto naman ang paninago." At nilapit niya ang tatlo pang litrato na kanina lang kinuha.

"Feilon Dizon," Inuna niya ang litrato ni Mother Fei. "He was murdered by a string, pati si Emanuel Evanghelista at Devon Nervoza, ngayon ay ang tatlong biktima na si Fin Orlon." Tinuro niya yung kaninang nakain sa Simbahan.

"Amir Young." Yung lalaki na gustong matulog at pinaka huli ay yung pangatlong lalaki na si, "Sean Ramos."

"Ang mga biktimang 'yan ay may parehong mga rason ng pagkamatay, kaya nakakasiguro kami na ang pumapatay ay iisang tao. Pero bukod dun ay wala kaming makalap na ebidensya tungkol sa biktima." Malungkot na sabi niya, "Bakit naman?"

"Masyadong malinis ang Proseso ng pumapaslang, walang bahid ng kahit anong bakas na naiiwan." Bigla tuloy akong may naalala. Ayan rin ang sinabi noon ni Father Thanatos nung nagluto siya at nung nahuli namin si Berting.

"Paano natin mahuhuli ang taong gumagawa n'yan?" Seryoso siyang napatingin sa akin. Kita ko ang panginginig ng kanyang kamay at mabibigat na paghinga, "Wynne..." Takot na bigkas niya sa aking pangalan.

"Hindi Tao ang salarin..." At may pinakita siyang mga CCTV footage. tatlo sa Pulis station habang isa sa Simbahan, plinay niya ang footage, pansin ko na nakatutok ang CCTV sa selda kung saan nandoon si Mother Fei, sa isa naman ay si Devon at sa isa si Emanuel.

Ilang minuto ay napa tayo ako nang isang pigura ang lumitaw sa footage. Naka suot ito ng pam paring damit...ang mas nakakakilabot pa ay...wala itong ulo.

Takot na napatingin sa akin si Benson. "N-nilikom ko ang lahat ng 'yan, hindi ko pinakita sa inyo kasi baka may sira lang ang CCTV namin, pero nang makita ko ang footage sa simbahan." Plinay niya ang isa pang video.

Tumingin ako sa oras at nasa bansang ala-sais ito at hindi pa nagsisimula ang misa, yun uli ang lumitaw, may bagay na kung anong ginagawa ito na hindi ko makita at dun na tapos ang video.

Ramdam ko ang pangingilabot ng aking katawan at pagtaas ng aking nga balahibo. "P-pugot ang ulo..." Takot kong turan. Dun ko naisip ang mga nakikita ko sa Simbahan nung una, para akong nanghihina sa kabakas inalalayan ako ni Benson.

"Naka pampari ang suot nito..." Huminga ng malalim si Benson at may kinuha sa isang Drawer. "Nung una ay ayokong paniwalaan, p-pero..." Nilapag nito ang mga  papel sa aking harapan.

Tumambad sa'kin ang pamilyar na pamilyar na mukha, kahit bata ang itsura nito ay alam kong siya 'yon. "Wanted missing...Perrio Owens." Pagbasa ko sa nakasulat sa missing poster na mukhang luma na.

Nag pa-tingin ako kay Benson na may takot at pagtataka. "Hindi ba..."

Tumango siya, "Si Thanatos ang nasa litrato.

NOTE: sorry for the long Update.

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now