chaoter seventeen: Revelasyon ng Pari

104 17 10
                                    

Warning: this chapter is disturbing

"ATE WYNNE!" Hindi ako nakaramdam ng sakit. Dun ko napagtanto na binaril ng nilalang ang bala sa sahig, ayun ang ginawa ni Benson upang barilin ito, ngunit sa braso niya natamaan ang nilakang. Mabilis niyang nabitawan ang baril at mabilis na tumakas.

Hinabol naman agad 'yon ni Benson. "Ate Wynne! Puntahan mo ang mga pulis sa Simbahan!" Tumango ako at tumakbo patungo sa simbahan.

Nagulat ako, pag dating ko ay lahat ay ngayon walang malay...sinubukan kong gisingin ang iba pero wala. Hanggang sa napatingin ako sa labas, nakaramdam ako ng takot ng makita ang pugot na papasok sa Simbahan, mabilis akong tumakbo papalayo.

Tinungo ko ang opisina ni Thanatos, nakapa ko ang susi ng kanyang silid, hindi ko pala na ibalik. Mabilis ko 'yong binuksan at nilock, nanginginig ang katawan ko habang napaantras.

Napahiyaw ako sa takot nang mag simulang gumalaw ang door knob, hindi ko na napigilang hindi mapa iyak sa takot. Hindi ko napansin na nasagi ko ang isang bagay dahilan para mahulog ito, ito ang baul kanina na hindi ko mabuksan.

Pero ngayon at bukas na ito...at gumulong ang isang...Ulo.

Gusto kong sumigaw, gusto kong matakot, gusto ko na lamang mahimatay sa oras na 'yon, pero hindi, nakatitig ako sa mukha ng pugot na ulo...

Hindi ko alam...hindi ko alam kung bakit!! Natulo ang luha ko, sunod-sunod, hindi ko mapigilan, napa luhod na lamang ako sa sahig sa panghihina, nanginginig ang kamay na hinawakan ang naka pikit na mata ng aking asawa..

Nanginginig akong napatingin sa katawan na ngayo'y dugudan at naka tayo sa harapan ko, wala itong ulo...dahan-dahan itong lumuhod, dun ko napansin na namamasa ang aking daliri kaya napatingin ako sa aking hawak.

May mga kuhang tumutulo sa kanyang mga mata. "S-sino ka ba talaga..." Iyak kong sigaw. "SABIHIN MO!" Nanginginig niyang kinuha ang hawak kong ulo at dahan-dahan 'yong kinabit sa kanyang katawan...

Mas naiyak ako nang mag mulat ng mata ang lalaki, ang asul na kulay ng mga mata nito ang bumungad sa akin, nanginginig ang kanyang nga labi at napa iyak, "Naaalala mo na ba ako...m-mahal?" Napa hagulgol ako.

Ramdam ko ang sakit sa aking dib-dib, gulong-gulo na ako, hindi ko na alam ang nangyayari. "S-sino ka ba talaga...Father Thanatos..?" Iyak kong tanong. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at siniil ako sa mahigpit na yakap, "Patawarin mo ako...Patawarin mo ako, mahal."

Father Thanatos Memory

Nang makita ko siya sa bahay ng Pamilyang Mirales kung saan bumisita si Father Dominic ay hindi na matanggal ang aking tingin sa dalagang si Wynne, tanging dalawang taon ang tanda ko sa kanya.

Pero mukhang hindi siya komportable sa paghawak ng Padre, nangunot ang noo ko, iba ang pag daplis ng kamay ng Pari sa bata kaya naman nakaramdam ako ng inis.

Ibang klase, sila ang nakapag lingkod ng simbahan tapos ganito siya umasta?!

"Father, hinahanap na po kayo sa labas." Singit ko at Agad naman nag paalam si Padre Dominic. Nanatili pa ring naka yuko ang dalaga kaya naman kinuha ko ang panyo sa aking bulsa dahil baka tumulo ang kanyang luha.

Tinanggap niya 'yon at umalis na ako. Nang makarating kami ni Padre at ibang Sakristan sa simbahan ay nagulat akong tadyakan ako ni Padre Dominic dahilan para mapa higa ako sa sahig, sinubukan kong tumayo pero nilapat ng Pari ang kanyang paa sa likod ko.

"Bwisit kang bata ka, anong tinawag sa labas?! Sakristan ka pero sinungaling kang bata ka!" Napa ubo ako ng tadyakan ako nito sa tiyan. Napatingin ako sa paligid at nais humingi ng tulong pero kahit isa ay wala, nakatingin lamang sila sa akin... Hindi ko napigilang hindi maiyak ngunit ang isang mata ko lamang ang may kakayahan na tumulo ang luha.

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now