iii. black umbrella

7 2 0
                                    


T H I R D   P E R S O N

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

T H I R D   P E R S O N


A U G U S T   1  4 ,   2 0 2 1


Malakas ang buhos ng ulan na sinabayan ng kulog at kidlat. Madilim ang buong syudad ng Osaka kahit alas syete pa lang ng umaga. Bagama't sa kabila ng masamang panahon, tuloy pa rin ang klase ng Eden University. Bandang hapon nang kumalma ang ulan, insaktong nagsi-uwian ang mga estudyante na may kanya-kanyang sundo.

May school bus ang paaralan ngunit kaagad din itong napuno sa dami ng mga mag-aaral na ayaw maabutan ng ulan. 

Kaya't napilitin ang dalagang si Sheina na maghintay ng bus sa labas ng paaralan.

Napapatingin siya sa ibang studyanteng sinusundo ng kanilang magulang, may bahid ng pait at kirot ang nararamdaman niya, hinihiling na sana'y isa siya sa mga batang iyon.

"Should we go to the Night Paradise?"

"Come on Kaito, look at the weather!"

"It's just a rain, dear Sara, it won't harm us. "

Tumindig ang balahibo niya nang marinig ang pamilyar na boses. Sa di-kalayuan, naka-park ang kotse ng limang taong nagpapahirap sa buhay niya. 

Sinuot niya ang hood ng jacket, ipinikit ng mariin ang mata, hinihiniling na sana'y dumating ang bus. 

Sa halip na bus ang dumating, may itim na kutseng huminto sa tapat niya.

Insaktong bumuhos ulit ang malakas na ulan, mas mabangis kumpara nung umaga. Malabong may dadating na bus, at kung meron man, tiyak na matagal pa. Kailangan na niyang umuwi at baka makita siya ng dalawang taong iniiwasan niya.

"You poor kid, still waiting for the bus?"

The window of the car rolled down and revealed a young and attractive man. 

Napakurap siya ng dalawang beses, nagtataka kung siya ba ang kinakausap nito. 

The young man turned to look at her, "Of course I'm talking to you. I don't usually do this but I'm offering a ride out of pure kindness. Sumakay ka na kung ayaw mong maglakad sa ilalim ng kulog at ulan. "

Hindi mawari ni Sheina kung anong sasabihin at gagawin niya. A good looking man is offering her a ride? Does that sounds too good to be true? 

Ngunit may bahagi sa utak niya ang nagsasabing huwag basta-bastang magtitiwala. 

"P-pasensya na. Hihintayin ko nalang dumating ang bus. " magalang niyang tugon sa binata. 

Hindi nagsalita ang lalaki, bagkus ay mas lalong lumakas ang ulan. 

Tuluyang sinakop ng dilim ang bawat sulok ng kalye. Sa isang iglap, napakatahimik ng kapaligiran at walang kahit anong studyanteng makikita sa labas ng paaralan. Kahit ang kutse na naka-park sa di-kalayuan ay naglaho rin. Nang dahil sa ulan, mistulang naging ghost town ang lungsod.

The Devil Beside You (UnGodly Trilogy #1)Where stories live. Discover now