xii. chase down the street

5 0 0
                                    

S A K U R A G I

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

S A K U R A G I


Kulang nalang ihagis ko ang sarili sa dancefloor nang makarating sa bar malapit sa station namin. Niyaya ko si boss Guts pero abala sa inahin niya kaya mag-isa ako ngayon. I miss having fun in bar so much. I think college pa ako noong huli kong apak sa bar. Hindi naman sa nagyayabang ngunit life of the party ako dati. Palaging nakatoka sa pag e-entertain na akala mo naman komedyante. Kaya four years din akong tuyo at hindi naka score.

So I'm here to get laid tonight! 'Yan ang goal ko ngayon.

Hawak-hawak sa kanan ang whiskey, I squeezed my way through the crowd as the colorful lights flickered against the blasting music. People around my age are dancing their hearts out with nothing on their minds but having the best time of their lives. I looked around, and it didn't take me long to find a group of hot girls. Pasimple akong gumiling-giling patungo sa kanila.

As we keep dancing, nilagok ko ng buo ang whiskey habang nakatitig sa babaeng nakasuot ng backless. Mahaba ang wavy niyang buhok at amoy nakakapanghina.

Her two other friends start to notice I was getting closer to her. Nag-iba ang timpla ng mukha ng isa sabay bulong sa kasama. Maya-maya pa tinangay ng dalawa si ms.backless.

Chance ko sana magpasikat eh. 

Nang tumalikod ako may blessing ulit na binigay si God. This time, sobrang haba at tuwid ng buhok na parang isang daang beses plinantsa.

Kumuha ulit ako ng whiskey bago lumapit kay ms.rapunzel. Nakatalikod pa rin siya nang nasa likuran na niya ako. Like I did earlier, nilagok ko ulit ang whiskey ng walang pag-aalinlangan. My body starts to get warm as my confidence increase.

Kinalabit ko ang balikat ni ms.rapunzel. Mabilis siyang lumingon at gayun na lamang ang gulat ko matapos makita ang barako niyang mukha.

Muntik nang bumaliktad ang sikmura ko. Lalaki pala itong sinasayawan ko!

Kay haba pa ng bigote, kamukha niya yung mga philosopher sa libro. Bakas ang pagtataka sa mukha niya, parang nagta-tanong kung anong sadya ko. Dala ng taranta ay walang pasabing tumakbo ako papalayo sa dancefloor. Sagalpak akong napaupo sa stool bar, hawak-hawak ang puso kong sasabog sa kaba. Pahiya ako dun ah.

I lost count of how many times I've been rejected by girls earlier. Isang oras na ako rito ngunit puro sablay! Hindi maaari 'to. Kailanman hindi pa ako na-reject kahit noong college. Pogi at binata pa rin naman ako ah? May asim pa! Bakit ayaw nila sakin, punyemas.

"Isa pa boss." I told the bartender. Dahil pabalik-balik ako rito, parang magkaibigan na kami.

"Ikaw yata uubos ng whiskey dito." iling niya nang ilapag ang isang baso.

"Kunting push pa nitong whiskey, kita mo makaka-score ako." ngisi ko sa kanya na mas lalong ikinailing niya. Ang bastos.

"Itataya ko pa buhay ng lasenggero kong uncle sa ER, wala kang madidiligan ngayon."

The Devil Beside You (UnGodly Trilogy #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora