CHAPTER TWELVE

49 2 0
                                    

ELYANNA'S P.O.V

Nandito nako ngayon sa bahay nina Dane.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit na dinala ko na gagamitin ko habang dito ako magi-stay. Konti lang naman kase may iba nakong gamit sa closet ni Dane. Actually dito ako matutulog sa guestroom. Ewan medyo akward na kase pareho samin simula nong malaman kong hindi talaga sya bakla, siguro kaya ganon din ako kalapit sa kanya kase alam ko nun na walang malisya sa kanya pero totoo ang nararamdaman ko para sa kanya, yung mga kalokohan ko lang non na gagahasain ko sya or kaya aakitin ko sya mga ganun pero ano pa bang magagawa ko, tunay man sya o hindi na lalaki hindi padin naman sya magiging akin.

"Are you done?" biglang sabi ni Dane kaya naman natigilan ako sa iniisip ko tsyka ngumiti sa kanya.

"Not yet." sagot ko kaya lumapit to sakin at tinulungan ako sa ginagawa mo.

"Nagluluto ako sa baba ng paborito mo." sabi nya kaya tinitigan ko sya .

"Um.. Salamat." sabi ko at binalik na ang atensyon ko sa ginagawa ko dahil hindi ako sanay sa nakikita o naririnig ko, hindi na pambakla ang boses niya, NAKAKAIYAK! Narinig ko ang pagtikhim nya kaya nilingon ko ito.

"Baba na muna ko, sumunod ka nalang." sabi nya kaya tumango ako at nagkatitigan pa kaming muli dahil hindi ito lumabas agad . Pero lumabas nadin sya, kaya nong maiwan nako magisa ay napaupo ako at hinawakan ang dibdib ko na mabilis na kumakabog. 

Agad akong napailing ng ilang beses tsyka inayos na ang gamit ko at nagpalit nadin ako ng pambahay.

Pagbaba ko nakita ko syang busy sa pagluluto kaya nilapitan ko siya.

"Where's Tita Mariel?" tanong ko ng mapansin kong kami nanaman pala ang nandito.

"Um. Nasa office sya right now then si Daddy may inaasikaso lang." sabi nito kaya napatango ako.

"Alam ba nilang magi-stay ako dito ng one month?" tanong ko.

"Yeah. Tinext ko na sila kanina pa." sabi nya ng nilalagay na nito yung mga ingredients.

Ang galing talaga nyang magluto, isa sa dahilan kaya hindi ako nagduda na hindi talaga sya bakla .

"Are you okay?" rinig kong tanong nya.

"Huh? Um.. Yeah! Okay lang ako." sabi ko at kita ko ang pagtitig nya sakin ng matagal kaya napaiwas ako.

"Bakit feeling ko hindi mo pako napapatawad?" tanong nya kaya agad ko syang nilingon at mabilis na umiling ng paulit-ulit.

"N-No! I mean—

"It's okay." sabi nito at binalik na nya yung tingin sa niluluto nya. He look so sad! Argh. Stúpid Eya!

"Sorry na." sabi ko kaya nilingon nyako at agad akong nagpout kaya naman natawa ito at ginulo ang buhok ko.

"Apology accepted." sabi nya kaya ngumiti ako at pinanuod sya sa ginagawa nya hanggang sa matapos to.

Dinala na nya yung niluto nya sa Dining area kaya naman tinulungan ko na sya sa pagdala ng mga plato sa mesa kahit na hindi ko naman ginagawa yun.

Magana akong kumain pag kasama si Dane at pareho lang kaming tahimik na kumakain. Nang dahil din kay Dane nakakakain ako ng maayos, pag sa bahay kase ako lang magisa tapos pag meron namang kasama mga bwesit naman.

"Balak mo bang maging chef?" tanong ko.

"Gusto mo ba?" tanong nya kaya naman muntik ko ng maibuga yung nginunguya ko.

"Dane naman!" sabi ko tsyka sinuntok ng mahina yung dibdib ko kaya binigyan nyako ng tubig.

"I'm just asking." sabi nito kaya inirapan ko sya.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon