CHAPTER SEVENTY THREE

13 0 0
                                    

DANIELLA 'DANI' POV

Inis na nilingon ko ang katabi ko, kanina pako andito pero naglalaro lang siya ng kaniyang PS5.

"Dilim.." nakasimangot kong sabi at nilingon naman niya ako pero sandali lang at binalik din niya ang tingin sa ginagawa na kinairap ko. Banas na tumayo ako at iniwan siya, bahala siya sa buhay niya.

Pagbaba ko nakita ko si Grandmother na nagluluto, "Oh, uuwi kana?" tanong nito ng makita niyang dinampot ko ang bag kong iniwan ko kanina sa sala.

"Yes po." tipid kong sabi at humalik sa pisngi niya para magpaalam.

Tiningnan naman niya ako. "Hindi ka ba magpapahatid dun sa isa ha? Dark–!"

"Wag na po, uuwi na po ako." sabi ko at kumunot naman ang noo niya kaya kumaway na ako dahil baka maabutan pako ng bwesit na Dilim na yan.

Habang naglalakad ako ay nagche-check lang ako sa phone ko ng may humila saakin at napasinghap ako ng tumama ang noo ko sa dibdib niya, pag-angat ko nakita ko na nakatingin ito sa sasakyan na dumaan. "Hindi ka ba marunong tumingin sa paligid mo?" tanong nito na kinasimangot ko at tinulak siya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko at naglakad na.

"Ba't ka umalis?" tanong nito at ngumiwi ako saka patuloy na naglakad.

"Dani!" inis na tawag nito kaya napapikit ako, dapat ako ang inis pero bakit.. hays! Hinga ng malalim. "Bakit ba ha?" tanong ko at lumapit ito para ilipat ako sa kabilang side niya at hawakan ang kamay ko.

"Uuwi ka na ba talaga? Maaga pa oh?" sabi nito.

"Ayoko. Anong gagawin ko dun? Dimo naman ako pinapansin." sabi ko saka yumuko at pinaglaruan ang I.D kong suot ko pa din pala hahays.

Tumigil naman siya kaya wala akong choice kundi tumigil din. "Ano?" inis kong sabi.

Huminga siya ng malalim, parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan lang niya. "Wala.. tara na." sabi nito at naglakad na nga kaming muli.

KINABUKASAN

Medyo pinapansin na niya ako, sabay na uli kami kumain pero napairap ito ng lumapit saamin si George. "Hi, Dani!" sabi nito sabay kaway saakin.

"Hello.." tipid kong sabi.

"Sorry about yesterday.. pwedeng mamaya nalang? Busy sa practice kahapon eh, if you don't mind." sabi nito at papayag na sana ako ng magsalita si Dilim.

"Bakit kailangan girlfriend ko ang ayain mo?" walang sa mood na tanong nito na kinaubo ko.. sinubukan kong hawakan ang kamay nito pero kinakabahan din ako.

"Uh, ano.." tumingin naman si George sakin trying to get some.. help? What the fudge.

"And you? All people here know that you are my girlfriend pero makikita ka nilang kasama mo siyang lumabas." seryosong sabi nito at nong walang nagsalita saamin ay tumayo ito ng marahas at iniwan ako. What just.. happened?

Tiningnan ko si George at natawa nalang ito. "I think someone gets mad.. go, talk to him.. maybe ako nalang maghahanap ng ireregalo para sa Ate mo." napapakamot niyang sabi na kinatango ko at tumayo na nga para hanapin si Dilim.

Nakita ko naman ito sa may likod ng school, nakatayo lang habang nakalagay ang dalawang kamay sa baywang niya. "Dilim.." sabi ko at tumayo din sa tabi niya.

Tiningnan naman niya ako pero sandali lang at binalik ang tingin nito sa malayo. "Gusto mo?" alok ko nong iniinom kong Chuckie pero dedma lang niya ang beauty ko.

"George just invited me to bu–"

"Wala akong pakialam. Just go, and don't talk to me." sabi nito na kinasimangot ko.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora