CHAPTER TWENTY THREE

42 1 0
                                    


After nga nong araw na yon nagdecide na kaming umuwi, dahil nga sa twing nagkikita kami ng Mommy ni Ate ay nagpapangabot kami. Wala akong kasalanan at siya lagi ang nagsisimula ng gulo kaya eto ako kasama ko sa kotse si Vince dahil si Ate kasama nya yung Mommy nya sa isang kotse pati nadin yung boyfriend nya.

"Magsalita ka naman." sabi nong katabi ko pero inirapan ko lang sya.

"May boyfriend ka naba?" tanong nito pero di padin ako nagsalita.

"Hello hangin may boyfriend ka naba?!" sabi nya kaya tiningnan ko sya ng masama.

"Joke lang." sabi nya ng natatawa saka agad nitong zinipper ang bibig.

"Wala na bang ibibilis tong pagmamaneho mo?!" naiiritang tanong ko.

"Ikaw lang naman ang inaalala ko diba?" sabi nya kaya huminga ako ng malalim at napailing nalang tsaka tumingin sa labas ng bintana.

After ilang oras ng byahe ay nakarating nadin kami sa bahay kaya naman agad kong tinanggal yung seatbelt ko at bumaba na ng hindi sya nililingon.

"Wala man lang bang Thankyou ha?" tanong nito.

"Thankyou!" sabi ko tsaka sinara ang pinto at nakita ko tong bumaba kaya kumunot ang noo ko.

"Anong kailangan mo?" tanong ko .

"Hmm...pwedeng makitawag?" tanong nya kaya tumaas ang isang kilay ko.

"Sige na please, nalowbat ako eh." sabi niya kaya napairap ako at kinuha ang phone ko at binigay sa kanya.

Maya-maya may dinadial na siya at kasunod non may narinig akong tumutunog kaya naman may kinuha sya sa bulsa nya.

"Thank you for calling!" sabi nya at kumindat pa na parang timang tsaka inabot sakin yung phone ko.

"Bye! See you again next time." sabi nito kaya napapikit ako ng mariin at hinayaan nalang ang bwesit na lalakin 'yon at pumasok nasa loob. Naabutan kong may nagsisigawan sa itaas.

"LUMAYAS KA!!" sigaw ni Daddy.

"P-Parang awa mo na Hernan... P-patawarin mo nako." sabi nya habang nakaluhod sa tapat ni Daddy.

"MAAWA?! IKAW! NAAWA KABA SA ANAK KO! HALOS MAMATAY NA SIYA NON LIZA! ALAM MO BA 'YON?! NAMATAY DIN SI MOMMY NON DAHIL SA PAG-ALALA SA NANGYARI KAY EYA!" sigaw ni Daddy.

"P-Patawarin mo nako Hernan.. W-wala akong kasalanan sa nangyari kay Mama. H-hindi naman tayo magaaway o mangyayari 'yon kay Mama kung hindi dahil nabuhay pa yang anak ni Leona!! Kung bakit yung bwesit nyang ina pumunta pa sa ospital at nagdonate ng dugo sa lintek na babaing yan!" sabi nito sabay turo sakin halos manggalaiti ako sa galit pero bigla siya nitong sinampal ng paulit-ulit.

"LUMAYAS KA!! BAGO PA KITA MAPÁTAY!! LUMAYAS KA AT IWAN MO DITO SI ELAINE!!" sigaw ni Daddy.

"H-Hindi!! Kung papaalisin moko isasama ko ang anak ko." sabi nito

"A-ayoko! A-ayokong sumama sayo." sabi ni Ate saka lumapit to sakin.

"A-ako ang Mommy mo Elaine. Makinig ka sakin." sabi nya pero umiling lang si Ate.

"Lumayas kana kung ayaw mong ipakulong kita!!" sigaw ni Daddy.

Kaya naman wala na syang nagawa at umalis na nga to pero ang sama ng tingin nya sakin. Pagkaalis niya ay agad kong nilapitan si Daddy.

"Nasaan ang totoo kong, Mommy?" seryosong tanong ko at hindi sya umimik.

"Ang sabi ko nasaan ang totoo kong Mommy?!" pasigaw ko ng tanong .

"I Don't know!!" sigaw din nya kaya naman kumunot ang noo ko.

"P-Panong hindi nyo alam?!" galit kong tanong.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDWhere stories live. Discover now