CHAPTER 104

9 0 0
                                    

_____
KINAGABIHAN

“No words can express how proud I am of you, mahal.” sabi nito habang nakaunan ako sa dibdib niya at nagcecelebrate kami ngayon dahil sa pagkatanggap ko.

“Thank you mahaaal.” sabi ko at ngumiti ito.

“There is one thing I can’t get over, though.” sabi nito at napaangat naman ang tingin ko sakaniya.

“Ano naman yon?” tanong ko.

“Well, I didn’t like how you called me your boyfriend.” sabi nito at napakagat naman ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngumiti ng sobra.

“Okay.. So, ano bang gusto mong itawag ko sayo ha?” tanong ko at lumapit ito saka ko naamoy ang wine sa bibig niya.

“I can think of something.” mahina niyang sabi at hinawakan ko naman ang pisngi niya habang konting-konti nalang ang pagitan sa mukha namin.

“And what’s that?” saad ko at tiningnan niya ako sa mga mata ko.

“I want you to call me your husband.” sabi nito at ramdam ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko saka nito ako hinalikan. “I want to be your husband.” sabi pa niya.

“This house needs more than a boyfriend and girlfriend.”

“You mean it needs a husband and wife?” sabi ko at huminga naman ng malalim si Dilim, at kita ko na para itong kinakabahan, pero bigla nalang siyang lumuhod sa harapan ko, at nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

“I know nagpromise ako na pagbakasyon mo na ako magpo-propose sayo, pero hindi na ako makapaghintay.” natatawang sabi nito. “Sobrang mahal kita Daniella.” sabi nito.

“Hindi na ako makapaghintay na pakasalan ang isang katulad mo. You’re so amazing, caring, thoughtful, and above all else, selfless.” sabi nito at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

“You‘re my breath, my everything. My father used to tell me when you meet the love of your life, malalaman mo ito agad, and alam ko na ito simula nong bulabugin mo ako nang magtransfer ka, ayoko lang aminin, masyado ka kasing isip-bata noon.”

“Nagpo-propose ka di ba?” naiiyak kong sabi at tumango ito.

“Sorry. Mahal, alam kong madaming nangyari saatin recently, na mas lalong nagpatatag saatin, at kahit ano pa man ang dumating saating dalawa, pinapangako ko na hinding-hindi tayo maghihiwalay. So, Daniella Sebastian, will you do me the honor of becoming my wife?” sunod-sunod akong tumango.

“Of course, I will marry youuu!” Dilim’s expression changes automatically from worry to joy. Dilim pulls out a black, velvet ring box from his pocket and opens it instantly. He takes my hand in his and slips the ring onto my finger.

“Magpakasal na tayo sa bakasyon mo, and then tanggapin mo ang inaalok sayo sa London.” sabi niya na kinaangat ng tingin ko sakaniya.

“Mahal―”

“Pagsalitain mo muna ako.” sabi niya kaya tumango ako. “Sasama ako sayo.” sabi niya na kinaawang ng labi ko pero hinalikan nito ang kamay ko.

“Pwede tayong manirahan doon, habang nagaaral ka.” sabi niya at agad tumulo ang luha ko saka ito niyakap.

“Bakit? Paano ka?” tanong ko.

“Pwede akong mag-apply don bilang pastry chef, basta kung saan ka, andon lang ako, palagi.” sabi nito at diko na napigilan na mapaluha ng sobra.

“Mahal na mahal kita Dani, at kung anong magpapasaya sayo gagawin ko yon.” sabi nito.

“Paano naman yung nagpapasaya sayo dito?” tanong ko at ngumiti ito.

“Ikaw lang ang nagpapasaya saakin, nagpapainit ng ulo, lahat ng pwedeng emosyon ay ng dahil yon sayo, kaya wag ka ng tumutol pa, nakapagdecide na ako, at kapag nakapagdecide na ako...”

Natawa ako habang tumutulo padin ang luha ko. “Hindi na mababago yon. Nakakainis ka. Pero thank you! Maraming, maraming salamat. Mahal na mahal kita.” sabi ko saka ito niyakap ng mahigpit.

A WEEK LATER, nakaupo lang kami pareho ni Ken sa conference room kasama ang dalwang grupo ng artist. “How are you feeling?” tanong ni Ken.

Tiningnan ko siya. “Honestly? Kinakabahan talaga ako.” sabi ko dito at napapikit siya.

“For the first time, I think I have to agree with you.” sabi nito at kita ko ang pagihip nito ng hangin sa palad niyang pinagpapawisan ng sobra.

“I hate waiting!” sabi ko at huminga ng malalim ang katabi ko.

“There is nothing worse. I think we got this!” sabi nito at tumango ako, sana nga, sana nga ay sa pangalawang round ay kami padin ang manalo. Tiningnan ko ang katabi ko na first time ko lang ata nakita na kabahan.

Naglakad naman si Professor Stanley sa harapan dahilan para mas lalo kaming kabahan. “Kamusta kayo?” tanong nito pagkatapos nitong kausapin ang ibang estudyante.

“We’re good.” si Ken na ang sumagot dahil kanina ko pa nginangata ang mga daliri ko dahil sa kaba. Natawa naman si Professor sa pagsisinungaling ni Ken.

“Good to hear. Parating nadin maya-maya ang mga judges.” sabi nito at nagnod lang kami pareho. Hanggang sa napaayos kami ng upo ni Ken ng pumasok na nga sina Miss Jamie at iba pang Judges, dumeretso agad sila sa pagupo.

Ngumiti naman si Miss Jamie saka nagsalita. “Thank you all for being so incredibly patient. We are sorry we kept you waiting so long. We have come to our decision, it was incredibly hard one, and you all did an amazing job.” mahabang saad nito at napalingon muli ako sa katabi ko ng mapansin ko ang walang tigil nitong hita sa pag-galaw, imbes na kabahan lalo ay natawa nalang ako.

“Don’t laugh, Dani. Mamatay na ako sa kaba dito.” sabi niya at nagfocus na nga lang ako sa harapan.

“... In the end, it came down to artistry, cost, and various factors. And there was a stand-out winner for us, so, without further ado, I would like to congratulate project 003.” sabi nito na kinaangat ng tingin namin ni Ken dahil nakayuko kami pareho at nagdarasal nasa lahat ng pwede naming dasalan.

”W―Wait a minute! Ken, that‘s ours!” sigaw ko at napatayo kaming pareho at walang kaabog-abog na niyakap namin ang isa’t-isa habang napapatalon pa, something na hindi ko inaasahan na mangyayari dahil halos isumpa nanamin ang isa’t-isa.

“We did it, Daniella!!” masayang sabi nito saka niya ako binitiwan at lumapit naman saamin si Miss Jamie.

“Congratulations to the pair of you. Your names will be on that statue forever and will become a part of our beloved city.” sabi nito at agad kaming yumuko ni Ken.

“Thank you so much!” halos sabay naming sabi pero umiling ito.

“No, thank you both for creating something amazing, student palang kayo pero tingnan niyo na ang mga gawa niyo, nakakabilib!” sabi nito at pasimple kong nginitian si Ken.

Saka din lumapit si Professor saamin. “Congratulations, you both deserve it. You worked extremely hard to produce that even na project lang ito. Hiling ko balang-araw, mas madami pa kayong magagandang sculpture na magawa together, alam ko imposible pero habang kayo pa ang magkasama dito sa college at magkapartner ay sulitin ninyo, bawasan niyo nadin ang bangayan para kayong mga aso’t-pusa sa klase ko.” sabi nito at kumibit-balikat kami sa huling sinabi nito na kinatawa naman ni Miss Jamie.

“Thank you Professor Stanley. I have to admit that Daniella is an amazing artist too.” sabi nito saka kumamot sa ulo niya. “And I was lucky... to have her with me on this project.” sabi nito at mahina ko ngang binangga ang braso nito.

“First time compliment ―”

“Tanggapin mo nalang, may expiration yan.” sabi nito at nagtawanan naman kami nina Professor.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDWhere stories live. Discover now