CHAPTER EIGHTY FOUR

16 0 0
                                    


Maganda at maaga ang gising ko ng umaga ngayon kaso masisira lang pala sa isiping kaklase ko pa din hanggang dito sa College si Ken, isa ito sa mga kinaiinisan ko nong tumuntong ako nang graduating sa high-school kasi naman napakayabang at punong-puno ito ng bilib sa sarili.

Dámn.. I should‘ve known that arrogant jàckáss are here para naman di ‘ba, sa ibang school ako nag-enroll, my god.

“Morning.” seryosong bati nito.

“Same.” sagot ko saka naupo na, we are both taking Fine Arts.

“So.. nasabi mo noon na maga-apartment ka nalang, meron ka na bang roommate?” tanong nito at ngumiwi naman ako saka tumango kahit diko alam bakit ako kinakausap ng damuho na ‘to.

“Yep. He’s a nice guy.” walang ganang sagot ko.

Napatigil naman ‘to. “Wait, did you just say ‘He’?” sabi nito at tumingin ako sakaniya at tumango.

“Oo, may problema ba?” tanong ko.

“Nothing.. just... living with a dude are so.. weird.” sabi niya at nginisihan pa niya ako.

“It‘s totally fine.” sagot ko naman.

“Sure it is. Wonder what your boyfriend will be reacted kapag nalaman niya ang girlfriend nito ay may kasamang ibang guy sa iisang bahay.” sabi nito at pumikit ako.

“He will be fine―”

“Oh, come on, Daniella. Sinong guy ang hindi mapaparanoid kapag―”

“My boyfriend is my roommate.” inis kong sabi sakaniya at halata ang gulat sa mata nito.

“Oh.”

Napairap naman ako.

“So, you decided to live with your boyfriend, tsk.. hindi na ako magtataka kung dika makagraduat―”

“Ano bang problema mo ha? Habit mo bang manginis ha?! Grow up, man!” bwisit kong sabi dito at iiwanan sana siya ng dumating ang Professor namin, so no choice ako kundi ang bumalik kay bwisit na Ken na ‘to.

Tumingin naman si Professor Stanley saaming lahat at may hawak itong maliit na box. “This box contains the names of the student in this class. Kung sino man ang mabunot ninyo ay siyang magiging partner niyo the whole year.” sabi nito at nagkaroon naman ng mga bulungan sa loob ng classroom, ang iba ay masaya, at ang iba naman ay hindi.

Nagtaas ng kamay si Ken at tumango naman si Professor. “Professor Stanley, ano hong nangyari? Ang sabi niyo ho kanina sari-sarili ang pag-gawa ng Sculpture?” tanong niya at tumango naman ang iba bilang sang ayon dito.

“I got the call, kanina lang. Konti lang daw ang magiging budget nila for this Sculptures project, so dahil madami kayong students kailangan ninyong maging partner, kailangan dalawa sa isang Sculpture.” explain nito na kinaawang ng labi ko. What?! That’s insane.

Tumingin ako sa katabi kong si Ken at mukhang isa ‘din siya sa mga irita sa suggested nila, even me, okay na kaya ako sa ganoong set up.

“Professor Stanley, with all due respect, this isn‘t fair―” pero agad siyang tumigil at huminga ng malalim, mukhang alam niyang wala ‘din siyang laban.

Dahil nasa harapan kami ay agad tumingin si Professor saakin. “Ms. Sebastian, would you like to choose first?” sabi nito at napabuga naman ako.

“I’m sorry, Professor Stanley, but I prefer to work this project ... ALONE.” saad ko at huminga ito ng malalim.

“Naiintindihan ko naman kayo na ayaw ninyo, mahirap nga naman kapag may kasama kayong iba, lalo na kung magkaiba kayo ng taste sa bawat arts... pero wala na akong magagawa.” sabi pa niya at huminga ako ng malalim lalo na ng ilapit nito ang box saakin at agad naman akong kumuha ng maliit na papel saka binasa kung sino ang magiging partner ko. You‘ve got to be kidding me?! Agad kong tiningnan ng masama ang katabi kong si Ken.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon