FINAL CHAPTER

39 0 0
                                    

AFTER THE WEDDING
FIRST TIME HUSBAND AND WIFE ♡

Pagkatapos kong maligo ay tumabi ako sakaniya at nakatingin ito sa phone ko at binabasa ang mga rant ko sa Mama niya.

“Sorry.” mahina kong sabi at huminga siya ng malalim.

“Wag ka ng umasa, mahal, hindi lang ikaw ang kumausap sakaniya pero hindi daw talaga niya magagawa na makarating.” sabi nito at tiningnan ko siya.

“Ayos kalang ba?” tanong ko saka nahiga sa tabi niya habang nakaunan ang ulo ko sa dibdib niya, tumango ito.

“Surprisingly yes, siguro dahil sa hindi naman na ako umasa sakaniya para less disappointment. Siguro naging way nalang siya para ipanganak ako, pero hindi ang magpaka-ina saakin, yun nalang ang iniisip ko.” sabi nito.

“Wala nga siya noong panahon na naghihirap ako sa desisyon ni Lolo sa buhay ko, wala din siya kahit na natapos na ang gulo na yon, buti pa nga kay Lolo kahit masama ugali nito, kahit papano naipadama niya saakin kahit konti na apo niya ako, nagkaroon kami ng memories, puro away nga lang.” sabi niya ng natatawa.

“Wag kang tumawa kung nasasaktan ka.” sabi ko at humarap ito saakin.

“So pwede ba akong umiyak sa harapan ng asawa ko?” sabi niya at tumango ako.

“Pwede mong ipakita saakin lahat ng side mo, mahal, kahit ano pa yan alam mong kaya kong i-handle...kahit mahirap.” sabi ko dahil sa totoo lang diko alam mararamdaman ko pag nakita ko siyang umiyak.

Tumango ito. “Wag kang magalala, kaya ko pa naman, pag hindi na talaga asahan mong iiyak ako sa harapan mo.” pabiro niyang sabi at niyakap ko siya ng mahigpit.

......

Ilang araw nalang at aalis na kami papunta sa London, doon nadin namin balak maghoneymoon trip, trip lang daw, juskong Dilim.

“Pag andon na tayo sa London.. gagawin naba natin?” tanong ko na kinapikit niya habang pinipigilan ang matawa at napasimangot ako ng umiling ito.

“Ano? Bakit?” sabi ko saka napatayo pasa pagkakahiga.

“You still studying, mahal, pano kung mabuntis kita.” sabi nito at sinamaan ko siya ng tingin pero sayang lang dahil nakapikit ito.

Hindi ko na alam ang gagawin sa kumag na ito, alam kong gusto nadin niya pero bakit pinipigilan niya, ang pinakanakakainis pa.. paano nito napipigilan ha?! Duda na talaga ako eh, lalaki yata gusto nitong Dilim na ito eh.

Hanggang sa magkaayaan kami ng mga kaibigan ko na magkainuman dahil paalis na ako, konti lang naman ininom ko pero paguwi ko nagpanggap akong lasing. Ehe.

It’s payback time!!!!

”Mahaaaaal!!” sigaw ko saka patakbong lumapit at niyakap siya.

“I love you, Mister ko.” sabi ko at natawa naman ito.

“I love you too.” sagot niya saka ako binuhat. Hoy. Eto na ba yon? Pero... hiniga lang niya ako saka inalis ang suot kong sapatos saka ako kinumutan.

“Dark Aceeee!” sigaw ko at kita ko ang pagtawa nito saka ako nilingon.

“Bakit?” tanong nito.

“Wala. Sinasabi ko sayo last ko na to, hindi na ako magaaya sayo kahit kailan!” sabi ko saka nagtalukbong. Naupo naman ito sa tabi ko at pinipilit akong pabangunin.

“Ayoko n―”

“Gawin na natin, Dani, please.” sabi nito sa mababang boses at napakurap ako sa pagiging seryoso ng mukha niya, taas-noo naman akong tumango habang napapalunok pa.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora