CHAPTER SEVENTY FOUR

10 0 0
                                    

"Nakakainis ka dahil napakainosente mo sa pinapakita ko sa'yo. You didn't know what I feel nong ayain ka niyang lumabas, don't you?" tanong nito na kinakibit-balikat ko.

"Alam ko lang masungit kalang talaga. That's normal pero.. yung dimo ko pansinin the whole time na magkasama tayo, that's not normal. Bakit ka ba nagkakaganiyan?" tanong ko at tiningnan niya ako.

"Nagseselos ako." pag-amin nito.

"Ha?" gulat kong sabi at nong ma-realize ko ang sinabi niya ay napatitig ako dito.

"Bakit parang gulat na gulat ka? That's normal to feel.. Dani." sabi nito at tumango ako.

"Pero di ba.. bakit may gusto ka ba saakin?" tanong ko na kinatawa nito sa sarili niya.

"Wala ka naman kasing sinasabi saakin. You never say things like.. that! At saka.. magbi-break din tayo sa graduation mo.." sabi ko dahil totoo naman, wala siyang sinasabi, ayokong umasa, ano.. masakit kaya yon.

Naupo ito sa gilid ng kama niya at pinakatitigan ako. "Until now, ayan pa din ang nasa isip mo.. almost two months na tayo, panget. Can't you feel? Ganon kaba kamanhid pagdating saakin." tanong nito na kinayuko ko, ramdam ko naman.. ayoko lang mag-assume, dahil wala namang assurance eh.

"Gusto mo pa din bang makipaghiwalay saakin ha?" tanong nito at di ako sumagot kaya tumayo ito. "Fine. Wag na natin antayin ang graduation ko, let's end this." sabi nito saka niya ako tinalikuran.

"D–Dilim.."

"Go." tipid niyang sabi at wala na nga akong nagawa kundi ang damputin ang bag ko at bumaba na.

ISANG linggong nakalipas at dina talaga niya ako pinapansin.. "Hey!" tawag saakin at nilingon ko at si George yon.

"Bakit?" walang gana kong tanong.

"I just notice lang na.. parang di kayo okay ni Dark.. and since yon ng ayain kita.. I don't want to assume but.. nag-away ba kayo dahil saakin?" sabi nito at napaiwas naman ako ng tingin. Sino ba talaga ang reason ng pagaaway namin. Si George o ako talaga?

Mukhang napansin niya naman 'yon kaya napayuko ito. "I'm sorry.. I didn't mean to ruin your –"

"It's okay.. dimo kasalanan." sabi ko at tumango ito.

Hinarap ko siya. " Sige na.. babyee." sabi ko at tumalikod na dito saka huminga ng malalim. Where are you? Hindi na ito tumatambay sa likod ng school. Ayoko naman siyang puntahan sakanila dahil.. galit nga siya diba.. at saka, kapag nag-decide na yon wala na akong magagawa pa.

He decided to end our relationship.. kaya naman for sure wala na akong babalikan pa.

Kainis. I find myself missing him. Yes. I missed him. I miss My Chuckie..

Umuwi nga ako ng walang sa-mood. Si Ate nasa ospital na 'yon and nagi-start na siyang magpa-therapy. I hope she's fine.

Ayaw naman ni Dad na pumunta ako, next time nalang daw and dinako nagpumilit pa.

"What's wrong?" napaangat naman ang tingin ko sa likuran ko at nakita ko si Mommy na kumukuha ng gatas habang hawak ang tyan niyang medyo lumalaki na, halata agad ang paglaki nito dahil sexy and flat ang tyan nito.

"Nothing.. I'm fine." sabi ko at lumapit naman ito saka naupo sa tabi ko.

"No secrets, remember?" sabi nito na kinatango ko.

"Then what happened? Nag-away ba kayo ni Dark?" tanong nito at napayuko ako.

"Break na po kami." sabi ko at napaayos naman siya ng upo at nilapag agad sa lamesa ang hawak niyang baso at hinarap ako.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon