CHAPTER FIFTEEN

47 1 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong ginising ni Dane dahil uuwi nadaw kami tas nong makita ko ang mukha niya ay naalala ko yung ganap kagabi kaya napaiwas ako ng tingin dito, ngayon lang ako nakaramdam ng hiya!

Hindi ko nanaman ata siya papansinin the whole day, bahala sya.

"Ingat po kayo dito." sabi ko kay Lola dahil papaalis na kami.

"Oo kayo din, sana pagbalik niyo dito may baby na kayo." nakangiti nitong sabi kaya napakamot ako sa leeg ko at kita ko ang ngisi ni Dane sakin.

"What's funny Dane?" irita kong tanong saka umirap.

"Nothing. I'm just happy." sabi nito kaya napailing ako.

Pagdating namin sa bahay niya ay agad akong umakyat sa guestroom at nagkulong don. Parang wala nakong mukhang maihaharap kay Dane ngayon. Nakita nya ang lahat-lahat sakin kagabi, nahawakan pa nya, argh! Tapos ako wala man lang nahawakan ni isa sa kanya, ang unfair non!

Kinuha ko ang phone ko at nagalarm ng alasdiyes nang gabi para don ko balak kumain para hindi nyako makita .

At nang magalarm na nga ay dumeretso na ako sa kusina. Hindi ko alam gagawin ko dahil hindi naman ako marunong magluto hays! Kukuha na sana ako ng tubig ng makita ko si Dane na binuksan yung ref at kumuha ng tubig saka uminom.

Topless lang sya at pawis na pawis, mukhang nageexercise sya.

"H-Hi." sabi ko at pinagsalin nyako ng tubig ko .

"Bat ngayon kalang bumaba?" tanong nito.

"N-Ngayon lang ako nagising e." pagpapalusot ko kaya nagnod sya at pinagmasdan ako . Naconsious naman ako kaya agad kong ininom yung tubig na nasa baso ko.

"G-Goodnight!" sabi ko at patakbong umakyat.

Nalalapit na ang graduation namin sa highschool at nalalapit nadin ang pagalis ni Dane. Hanggang ngayon hindi ko padin kaya dahil habang tumatagal at nakakasama ko siya mas lalo ko siyang minamahal at mas lalong ayokong mawalay sakaniya.

"Hoy sizs! Tulala!" sigaw ni Simon na parang kabute dahil bigla-biglang nalang sumusulpot.

"Imagination mo lang yon!" inis kong sabi saka umirap. But I'm still thankful dahil kahit umalis man si Dane ngayon may mga bago nakong kaibigan si Simon at Lianne. Mababait sila, kaya nilang Ihandle ang attitude level ko kagaya ni Dane.

"Iniisip mo nanaman si Fafa Daniel?" tanong ni Simon saka naupo sa tabi ko kaya tiningnan ko siya.

"Wag mo ng isipin yun sizs! Kasama niya lang naman ngayon ang haliparot nyang fiancee, tss. Hindi makapaghintay, sinundan pa talaga dito." gigil na sabi ni Lianne na nakakuyom pa ang kamao kaya natawa ako nang mahina.

"Salamat sainyo kahit ang iingay ninyo at may pagkatsismosa." sabi ko.

"Wow ha, compliment ba yarn?" maarteng sabi ni Simon, minsan pag nakikita ko si Simon gusto ko siyang ilagay sa sako dahil alam kong maaalala ko lang sa kanya si Dane .

"Sinong Excited for graduation ha, gusto niyo malling tayo after non!" sabi ni Simon.

"Wala!" inis kong sabi at iniwan sila.

"Uy sizs! Wait lang naman ang taas nanaman ng Attitude level mo. Hanapin ko naba si Fafa Daniel para naman mawala inis mo." sabi ni Simon kaya pinandilatan ko sya ng mata ko.

"Tumigil ka kung ayaw mong litsunin kita!" sabi ko.

"Harsh mo sizs. Tara na nga!" aya nito at hinila na nila akong dalwa sa classroom. Simula nong nagsasama ako sa dalwang to nagiging masyado nakong very good kay Maam at diko nagugustuhan yon at sa twing magbabalak akong magpasaway etong dalwang to parang gusto nakong isako.

After school nakasalubong namin si Dane with haliparot! Gosh. Sarap sumapak promise.

"Hmp!" rinig kong sabi ng katabi ko at kita ko ang nakataas na kilay nina Simon at Lianne kay Haliparot.

"Hi Eya! Gusto mo hatid ka nanamin ni Hubby ko?" tanong nito kaya napapikit ako ng mariin.

"Sabihin mo lang, Eyabels. Tsutsugiin ko yang mahaderang 'yan!" Bulong ni Simon sakin kaya tinapik ko ng mahina ang kamay niya at sabi kong ako ng bahala dahil may naisip akong kalokohan.

"No need. Sige date lang kayo! Uwi ka ng maaga sa house ha, magpapaluto ako kay Manang ng dinner NATIN!" sabi ko at may diin pasa natin kaya napangisi nalang si Dane sa kalokohan ko at kita ko ang pagiba ng mukha ni haliparot. Beat that b*tch!

"What do you mean?!" inis nyang tanong pero hindi ako umimik kaya mas lalo syang nanggalaiti.

"Bye, wait kita!" sabi ko with matching flying kiss at wink saka iniwan na sila.

Nakarinig naman ako ng slow claps sa mga bwesit kong kaibigan.

"Grabe, wala akong masabi sizs. You nailed it!" Puri ni Simon saka kami naglakad habang napapailing nalang ako.

Hinatid na muna ako nina Lianne sa bahay ni Dane dahil may kotse siyang dala.

"Ahem. Good luck, sister!" mapangasar na sabi ni Simon sakin habang napapailing nalang din si Lianne kay baklita dahil sa mga pinagsasabi nito, pagkaalis nila ay pumasok na ako.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang