Prologue

84 7 1
                                    

"Erika, kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Ano bang ginagawa mo dito sa library?" Pabulong na bungad agad sakin ni Erin pagkaupong pagkaupo niya sa tabi ko. Tinanggal ko ang salamin ko at kinusot ng konti ang mga mata ko. Medyo sumasakit kasi siya pag matagal kang nagbasa.

"Ang tagal kasi matapos ng klase mo kaya hindi na kita hinintay sa canteen. Ang boring kasi kaya nagpunta nalang ako dito para magbasa, obviously."

"Ah. Nagpa surprise quiz pa kasi yung prof namin kahit 5 minutes nalang. Kainis nga eh. Buti na lang talaga matalino ako kaya kahit walang review review eh nasagutan ko pa rin. Haha." Napairap nalang ako sa pagiging conceited ng kaibigan ko.

"Anyway, tara na. Mall tayo. Bibili ako ng dress para sa party ni Amanda bukas." Sabi niya habang inaayos yung bag niya.

"Amanda?" Nakakunot kong tanong. Hindi ko naman kasi kilala yun.

"Si Amanda, yung inaanak ni Mommy. Ay basta. Di mo yun kilala at di mo naman kailangan kilalanin." Tumango tango nalang ako.

"Ano na naman ba yang binabasa mo?" Tanong niya sakin.

"Wala lang to." Sabi ko at itatago na sana ang libro sa bag ko pero naagaw ito ni Erin. Tiningnan niya ang cover at saka tumingin sa akin. Yung tingin na puno ng concern at awa.

"Erika," Concerned ulit na sabi niya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

Bawat scenario at mga salita sa librong iyon, kabisado ko. Dahil bukod sa paulit ulit ko na iyong nabasa, I'm the one who wrote it. It's the love story of me and him.

Ang pinagkaiba lang, sa libro may happy ending kami. Sa reality, wala.

Nginitian ko na lang si Erin at kinuha ang libro sa kanya. Tinago ko ito sa bag ko.

"Tara na. Punta na tayong mall." Nakangiting sabi ko sakanya at tumayo na.

Kinabukasan.

"Erika, may klase na ako. Ikaw?" Tanong sa akin ni Erin habang nagpupunas ng labi. Katatapos lang kasi namin kumain ng lunch dito sa canteen.

"Mamaya pa klase ko eh. Mga 2:00 pa. Diretso ka na sa klase mo. Sa library na lang ako tatambay."

"Ah sige. Bye na ha." Tumayo na siya at sinukbit ang bag niya.

"Ge. Ingat!" Nang makalabas na siya sa canteen ay inayos ko na ang gamit ko at dumeretso na sa library.

Kakaunti ang mga estudyante sa hallway ng ganitong oras. Siguro dahil maraming may klase ngayon.

Nang binuksan ko na ang pinto papasok ng library, my heart skipped a bit when I saw....him.

Mukhang papalabas siya mula sa library. Kailan pa siya nahilig pumasok sa library? Mas lalo akong nagtaka nang mapansin kong may hawak siyang tatlong libro eh hindi naman siya mahilig magbasa.

Siguro nagbago lang siya ng lifestyle at habit.

Dumeretso lang siya palabas. Napangiti na lang ako ng mapait. Ano bang ineexpect ko? Na babatiin niya ako o di kaya ngitian? Imposible. Hindi na mangyayari iyon.

Pumasok na ako sa library at pumunta sa paborito kong puwesto.

Hindi pa rin ako makamove on sa kanina. Kung iisipin ninyo, parang ang baliw lang. Nakasalubong ko lang naman si Iko.

Yung "nakasalubong" ay isang maliit na bagay. Pero si Iko, hindi.

Biglang nanlabo ang mata ko. Suot ko naman ang salamin ko ah? Tinanggal ko ang salamin ko, hahawakan ko na sana ang mata ko nang may napansin akong tumulo sa lamesa.

Umiiyak na pala ako.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko pero tuloy tuloy lang sila sa pagtulo.

Bumalik na naman lahat.

Lahat ng sakit, alaala... Lahat.

Tumungo nalang ako sa lamesa at patuloy na umiyak.

Para akong tanga. Iiyak iyak ako ngayon, eh kasalanan ko naman.

I made that choice.

Ang iwan siya.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now