Chapter 3

28 4 0
                                    

"Okay. So, goodbye class." Paalam ng prof namin na si Ms. Gonzales. Maganda siya, matalino at palakaibigan. Hindi naman nalalayo ang edad niya sa aming mga estudyante niya kaya parang barkada lang kami kung magturingan. Pero ako, hindi ako ganoon kakclose sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

Nag-goodbye din ang klase sa kanya at ang iba ay lumabas na ng classroom kasama si Ms. Gonzales.

Hindi agad ako tumayo dahil parang tinatamad ako. Chineck ko muna ang cellphone ko para tingnan kung may nagtext ba.

Mayroong isang message na galing kay Erin. Sinabi niya doon na hindi raw siya makakasabay sa akin pauwi kasi may sakit ang kapatid niya at pumasok ng trabaho ang nanay niya kaya naghalf day siya ngayon para alagaan yung kapatid niya.

Napasimamgot naman ako nang mabasa ko iyon.

Hay. Wala pala akong kasabay kumain at umuwi ngayon. Ang lungkot ng life.

Siguro naiisip niyo na napaka introvert ko dahil bukod kay Erin, wala na akong kaibigan. Meron naman no. Hindi lang yung sobrang close. Mahirap na kasi magtiwala ulit. Nagkaroon na ako ng maraming kaibigan noon pero, peke silang lahat.

Ay basta. Huwag niyo nang masyadong halukayin. Sasabihin ko rin ang lahat sa tamang panahon.

Anyway, nireplyan ko si Erin at pinasabi ko na get well soon sa kapatid niya.

Six years old ang kapatid ni Erin. Lalaki. Ang cute cute na bata talaga. Siguradong gwapo iyon paglaki. Matagal tagal na rin nung huli ko siyang nakasama kaya namimiss ko na talaga yun.

Tinago ko na ang cellphone ko sa shoulder bag ko at tumayo na. Doon ko lang napansin na ako na lang pala ang mag-isa sa classroom.

Inikot ko ang paningin ko sa buong classroom.

Nakapatay ang ilaw pero hindi ganoon kadilim. Nakasarado na rin ang pinto.

Tumingin tingin ako sa paligid ko. Palingon lingon ako. Nakakapraning pala kapag ganito. Pakiramdam ko ay may biglang susulpot nalang sa kung saan. Nakakakilabot. Kung ano ano ang pumapasok sa utak ko. Idagdag mo pa ang nakakabinging katahimikan. Huli kong naramdaman ang ganito nung naiwan akong mag-isa sa bahay dati.

*Woooshh*

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang humangin ng malakas dahilan para maggalawan ang mga kurtina. Leche lang. Bakit pa kasi nasira ang aircon namin kanina eh? Binuksan pa tuloy ang mga bintana. Ang creepy tuloy ngayon.

*Blag*

Napalundag ako sa gulat nang bumagsak ang isang upuan na malapit sa bintana. Nanginginig nginig kong inayos ang salamin ko dahil medyo tumabingi ito. Napahawak ako sa dibdib ko, mabilis na ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba, at napakapit na rin ako sa upuan na inupuan ko kanina. Nanginginig na ako sa takot. Naiiyak na ako.

Kasalanan ko bang pinanganak akong duwag?

"M-Mama.." Tuluyan na akong naiyak.

Kailangan kong makalabas dito.

Pinahid ko ang luha ko gamit ang kamay ko at huminga ng malalim.

"K-kaya ko to. Hah!" Pagch-cheer ko sa sarili ko. Kahit nanginginig, ay pinilit ko pa ring lumakad.

Paunti unti. Bawat hakbang ko, tumitingin ako sa paligid ko.

Tumigil ako sandali nang mga pitong hakbang nalang ang layo ko sa pinto. "Konti nalang, Erika. Konti nalang." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

*Wooosh*

"Sh*t." Nagulat ako nang humangin ng malakas kaya kumaripas agad ako ng takbo palapit sa pinto.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now