Chapter 1

40 4 0
                                    

"Erika?"

*Tok tok tok*

Nagising ako sa tawag at katok ni Mama. Tsk. Ang aga aga pa. Anong oras na ba?

Habang nakapikit pa, kinapa kapa ko sa kama ang cellphone ko para icheck ang oras. Nang makapa ko ito ay iminulat ko na ang mga mata ko.

5:36 am. Sunday.

Ugh. Wala naman pasok ah. Bakit ba nila ako ginigising ng ganito kaaga?

"Po?" Iritadong sigaw ko at tumayo para pagbuksan ng pinto si Mama.

"Nak, maligo ka na at magbihis. Magsisimba tayo." Ang agang simba naman. Marami pa namang sunod na misa ah.

"Bakit po ang aga? Pwede naman mga alas otso diba?" Sabi ko habang nagkakamot pa ng ulo.

"Mas maganda magsimba ng maaga, Erika. Sige na para makaalis na tayo agad." Tinulak na ako ni mama sa papasok ng cr.

Hay. Tuwing linggo na nga lang ako pwedeng gumising ng tanghali dahil laging maaga ang first class ko tapos hindi ko pa nagawa. Pero wala na naman tayong magagawa dahil eto na eh. Hindi na ako pwedeng matulog ulit.

After 30 minutes ay natapos na rin akong maligo. Lumabas ako ng cr ng naka bra at panty lang. Nang makalabas ako, may naalala ako.

"Ahhhhh!!" Kinuha ko ang pinakamalapit na bathrobe at sinuot ito.

Bakit nandito si Iko sa kwarto ko?!

Halata rin ang gulat sa mga mata ni Iko. Tinakpan naman niya agad ang mata niya.

"Labas! Iko! Labas!" Sigaw ko. Kumaripas naman agad siya ng takbo palabas.

Oh gosh. He saw me almost naked.

Namula ako ng sobra. Paano ko siya haharapin ngayon?!

Natawa na lang ako nang maalala ko iyon. It was my most embarrassing moment with him but It's something I treasure so much. That was a year ago. Sosorpresahin niya sana ako nun at magdedate kami. Hindi nga siya nagfail, sobrang surprised ako, pati nga siya eh.

Hay, Iko. I miss you so much.

Napailing na lang ako. Siguro kailangan ko nang makalimot. Kasi imposible na kami eh. Galit na galit siya sakin. Iniwan ko ba naman siya ng hindi niya alam ang dahilan.

Bakit kasi ang unfair ng buhay?

Hindi ko siya gustong iwan. Hindi ko siya gustong saktan. Gustong gusto kong magexplain at sigurado akong maiintindihan niya. Mahal ako nun eh. Maiintindihan niya ako. Kaso kahit gusto ko, hindi ko magawa, dahil hindi pwede.

Kaya ko lang naman siya iniwan dahil-

"Erika? Tapos ka na daw ba sabi ni mama? Bilisan mo na diyan. Ikaw na lang ang inaantay." Naputol ang pagde-daydream ko dahil kay Kuya Eric.

"Sige Kuya. Bababa na lang ako pag tapos na ako." Dumeretso na ako sa cabinet ko at kumuha ng isang yellow na dress. Plain lang siya, may manggas at above the knee.

Nagblower ako at nagsuklay. Ni-clip ko ang kaunting buhok sa gilid ng ulo ko. Naglagay ng lip gloss at nagsuot ng puting doll shoes. Kinuha ko lang ang phone ko at bumaba na rin. Sa simbahan lang naman kami at uuwi na rin pagkatapos kaya hindi na ako nagdala pa ng kung ano. Kasama ko rin naman ang magulang ko kaya hindi ko kailangan magdala ng extrang pera.

"Oh eto na pala si Erika natin na sobrang tagal maligo." Bungad sakin ni Kuya at ginulo ang buhok ko. Tsk. Kakaayos ko lang eh.

"Kuya," Pinalo ko ang kamay niya at siya naman ay tumawa lang.

Nakita ko sila Mama at Papa na palabas na ng pinto ng bahay kaya sumunod na kami ni Kuya.

"Ma, san tayo kakain pagkatapos?" Natawa ako sa tanong ni kuya pagkasakay na pagkasakay ng sasakyan. Puro pagkain laman ng utak.

"Wala pa nga tayo sa simbahan, sa pagkatapos agad ng misa nakaset yang utak mo?" Sabat ko at binatukan siya. Napa-aray naman siya at natawa lang ako.

"Ikaw ba si Mama? Kung makabatok ka ah! Ikaw na ba panganay ngayon? Ilang taon ka na ba? Baka nakakalimutan mo, dalawang taon ang tanda ko sayo. Graduate na ako, nag-aaral ka pa lang. Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Ginawa ako ng mas maaga kaysa sa iyo. Magtigil ka, Erika ah." Natatawa na lang ako sa litanya ni Kuya. Nakakapagtaka lang talaga kasi parang mas matured ako kay Kuya kahit na mas matanda siya. Kahit sila Mama at Papa ay natatawa na lang.

Patuloy pa rin sa paglilitanya si Kuya. Salita ng salita, kung ano ano sinasabi. Kesyo, hindi na raw siya ginagalang at nirerespeto. Ang kulit, parang si Iko.

I smiled bitterly at that thought. Ikaw na naman ang naisip ko.

Umiling iling ako.

"Ma, hindi ba tayo mamamasyal pagkatapos?" Tanong ko kay mama. Hindi ito araw para magpakasenti at magdrama. It's our family day, araw para magsaya at makipagbonding sa pamilya, hindi ko dapat sirain yun.

"Isa ka rin eh. Wala pa nga tayo sa simbahan, yan na agad iniisip mo." Natatawang sabi ni Kuya. Inirapan ko na lang siya at hinintay ang sagot ni Mama.

"Saan niyo ba gustong magpunta?" Nagkatinginan kami ni Kuya.

Saan ba maganda? Mall? Baka mapagod lang kami kakalakad. Park? Amusement Park? Saan ba? In the end, parehas kami ni kuyang sumagot ng pinakacommon at nakakainis na lugar.

"Kahit saan."

"Di talaga magtatagal, magpapatayo ako ng restaurant na ang pangalan ay 'Kahit Saan' para hindi na ako mahihirapan alamin kung saan mo gustong kumain. Malakas yun, for sure."

Narinig kong sabi ni Iko sa utak ko. Lagi na lang kasing "kahit saan" ang sagot ko pag nagtatanong siya kung saan ko gustong kumain.

Napangiti ako sa naalala ko, pero tinanggal ko rin ito agad. Bakit ba lagi na lang sumusulpot yang si Iko sa utak ko?

Tsk.

Si Iko na naman.

In the end, napagkasunduan namin na mag-mall na lang pagkatapos magsimba. Sakto na rin dahil may gusto akong bilhin na bagong sapatos ngayon.

Nang makarating kami sa simbahan, wala pang masyadong tao dahil maaga pa bago magsimula ang misa. Sa unahan kami umupo dahil sabi mama, mas maganda raw pag malapit sa altar.

Sa di kalayuan, ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki.

Si Iko.

At may kasama siyang babae na nakaangkla sa kanyang braso.

Iniwas ko na agad ang tingin ko habang hindi niya pa ako napapansin na nakatingin sa kanya. Napapikit na lang ako at kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag iyak.

Ang hirap palang makita ang mahal mo na may kasamang iba. Pakiramdam ko, pinipiga yung puso ko sa sakit. Ang hirap huminga.

Minulat ko ang mata ko, ibinaling ang tingin kay Iko at pinagmasdan siya.

Malamig ang ekspresyon ni Iko at deretso lang ang tingin niya. Nasasaktan pa rin kaya siya? Mahal niya pa ba ako?

Ano bang iniisip ko? Hindi na pagmamahal ang nararamdaman ni Iko para sa akin, kundi galit.

Binalingan ko ang babae. Maganda ito, maputi, makinis at medyo chinita.

Siya na ba ang bago ni Iko? Kung oo, siguro mas lamang siya sakin. Sana lang hindi niya saktan si Iko katulad ng ginawa ko.

Pinagkukumpara ko kaming dalawa sa isip ko nang may maisip ako.

Oh my gosh.

Tiningnan ko ang ekspresyon ni Iko. Hindi siya mukhang masayang kasama ang babae.

Mukhang tama nga ako.

Siguro siya iyon.

Ang babaeng gusto ipakasal kay Iko.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now