Chapter 14: First Meeting of Erin and Jed

12 1 0
                                    

     **Flashback**

     Erin's Point of View

     Ano ba 'yan ang tagal tagal naman ni Eron. Bakit kasi ako pa ang inutusang magsundo dito eh? Ugh. Nakakaburyo kaya dito.

     Ilang oras na akong nakatambay dito sa canteen nila, inaantay maguwian si Eron na Grade 1 pa lang. Hindi pa naman ako bumibili kasi kumain na ako bago ako umalis ng school.

     Maya maya eh naisipan ko nang bumili ng pagkain. Ang tagal tagal naman kasi eh. Nakakainip. Kaya kakain na lang ako tutal 'yun naman ang talent ko.

     Tumayo ako at pumunta doon sa bilihan ng pagkain. "Ate isang cheeseburger po, fries na sour cream at large iced tea po." Agad namang binigay ni Ateng nagbabantay ang order ko at pinaderetso ako sa counter. Hiwalay kasi ang kuhaan ng food at bayaran dito.

     Paglapit ko sa cashier ay kinompute niya naman agad ang mga binili ko. "95 po lahat, Ma'am." Binuksan ko ang shoulder bag ko para kunin ang wallet ko. Pero bakit di ko makita? Hala. Imposible. Dito ko yun nilagay bago ako sumakay ng taxi eh! Sht. Sht.

     Dahan dahan kong inangat ang tingin ko kay Ateng cashier. Nakita kong nakataas na ang kilay niya. Napansin niya siguro na wala akong maibabayad ngayon. Shemay baka magpatawag ng guard 'to.

     Nginitian ko siya, "Ahh Ate... Ano.. Pwedeng ano muna?" Nakatingin pa rin sa akin si Ate. "Kasi Ate ano eh.. Hindi ko rin alam na ano eh.. Na nawa-"

     Naputol ang sasabihin ko nang may maglapag ng 500 sa desk ng cashier. "Here. Idamay niyo na po yung kanya sa babayaran ko." Sabi ng lalaking naglapag ng 500 sa desk. Infairness matipuno ang boses. Manly!

      Pero wait. Anong sabi? Idadamay yung babayaran ko sa 500 niya? Anong tingin niya sa akin? Naghihirap? Excuse me ah. Kayang kaya ko yan! Pairap akong lumingon sa kanya para awayin siya.

      "No thanks. Hindi ko kaila-" Shems. Napalunok ako ng laway nang malingon ko siya. Ang gwapo. Mga tipong JC De Vera. Pero hindi. Inapakan niya pa rin ang pride ko. "H-hindi ko kailangan niyan. Kaya kong bayaran yung babayaran ko." Halata ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko.

     "Really? Paano mo babayaran eh hindi mo nga makita ang wallet mo sa bag mo." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Oo nga naman. Paano ko babayaran eh nawawala yung wallet ko?!

     "P-pwede naman sigurong u-utang muna diba? Babalik naman ako dito bukas eh!" Utal utal ka na, Erin. Umayos ka. Hindi ka pwedeng matalo dito.

     "Teka nga. Bakit ba ayaw mong tanggapin ang offer ko na bayaran yung babayaran mo? I'm just being a gentleman here." Takang taka talaga yung mukha niya. Nagtataka ata siya kung bakit ayaw ko magpalibre.

     "Kaya ko naman kasing bayaran yan! Wala lang ngayon pero bukas meron na! At hindi mo naman kailangang maging gentleman sakin!" Inis kong sabi at nagcross arms habang nakataas ang kilay.

      Pero imbis na awayin niya rin ako at sigawan ako. Lumapit siya doon sa cashier at binulungan ito. Nakita ko namang tumawa ng mahina si Ate at malisyosang tumingin sakin. What the heck?

     Pagkatapos ng bulungan sessions nila ay lumapit ulit sa akin ang lalaki at hinatak ako palabas. What the heck??!!!

      "H-hey! Ano ba! Get off me!" Sabi ko habang pinipilit tanggalin ang kamay niya sa braso ko. Hindi naman masakit dahil ang gentle nga niya humawak. Hindi niya naman binitawan ang braso at ang higpit talaga kaya hinayaan ko na lang at umirap. "Nakakaasar." Bulong ko.

     Maya maya ay binitawan niya na ako sa wakas. Dinala niya ako dito sa parking lot. Seriously? Ano bang gusto niyang mangyari?

     "Bakit mo naman ako dinala dito? At ano nang nangyari doon sa babayaran? Ako magbabayad nun ha! Baka gusto mo pati yung babayaran mo eh ako na rin magbayad!" Bulyaw ko agad sa kanya pagbitaw na pagkabitaw niya sa akon.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: May 04, 2016 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Beautiful DisasterDove le storie prendono vita. Scoprilo ora