Chapter 13

5 1 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm mula sa phone ko. Hindi ko muna agad minulat ang mata ako at kinapa kapa ang kama para hanapin kung saang lupalop ng kama napadpad yung phone ko. Nang makapa ko na ito, minulat ko na agad ang mata ko para i-off ang alarm. Kinuha ko muna ang salamin ko mula sa table na nasa tabi lang ng kama para makakita ako ng malinaw. Tiningnan ko ang oras.

Monday 7:00am

Monday na naman. Ugh. I hate Mondays! Gusto ko agad magfastforward at dumeretso sa Saturday! Para wala nang pasok at makakatulog ako kahit gaano kahaba ko gusto.

Inaantok akong bumangon at tumayo mula sa kama. Gusto kong bumalik sa kama tapos matutulog ulit ako ng bonggang bongga. Kaya lang 8:30am ang pasok ko at hindi ako pwedeng malate dahil araw araw nagpapaquiz yung prof namin sa subject na yun.

Kaya naman gumayak na ako. Naligo, nagbihis at nag-ayos. Nagpahatid na rin ako kay Kuya kasi papunta na rin siyang work nung paalis na ako. Actually kaya ko naman magdrive at pwede ko namang gamitin yung isa naming sasakyan. Kaya lang hindi ako pinapayagan. Nakakaasar. Delikado raw eh kaya ko naman!

Habang tahimik akong naglalakad sa hallway, may abnormal na tumawag sa akin.

"Erika!" Hindi ako lumingon sa tumawag sakin kahit narinig ko iyon. Direderetso lang ako sa paglalakad sa hallway.

"Erika!" This time, mas malapit na siya. At tumatakbo pa rin siya papalapit sakin. Pero wala akong mata sa likod ah, naririnig ko lang talaga yung yapak ng paa niya.

"Ika!"

Automatic na tumigil sa paglalakad ang mga paa ko.

Ika.

Ika.

Ika.

Narinig ko ang mga yapak ni Seth na mas bumagal at mas malapit. Nasa tabi ko na siya, hinihingal pero natatawa. Tiningnan ko siya sa mata ng seryoso.

"Titigil ka rin pala eh. Ang cute nung tinawag ko sa'yo ano? Ika. Naisip ko lang yun kagabi eh. Ik-"

"Huwag mo ako tatawagin na ganun. Never again, Seth." Madiing sabi ko. Pero imbis na tumahimik siya, tumawa pa siya.

"Why? Ang cute nga eh! Ang arte naman ni Ik-"

"Seth, please! Just stop calling me that!" Sigaw ko sakanya at napapikit. Naintindihan niya naman siguro na seryoso ako at hindi nakikipagbiruan dahil tumahimik siya.

Pag mulat ko ay nakita kong nakayuko ni Seth. Hindi ko alam pero parang biglang pakiramdam ko napakasama kong tao. Hindi ko dapat siya sinigawan. Siraulo ka talaga, Erika.

Napabuntong hininga ako. "I-I'm sor-" Utal utal kong sabi.

"No. I'm sorry." Inangat niya ang ulo niya. Ako naman ang napatungo ngayon. Walang nagsalita sa amin for like, 10 seconds. Naging awkward ang atmosphere sa aming dalawa.

Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Itinaas niya ang ulo ko mula sa pagkakayuko at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik.

"Sunduin kita mamaya sa room mo ah. Treat kita. Babawi ako." Sabi niya sakin at ginulo ang buhok ko, kaya pinalo ko ang kamay niya at napa 'tsk'

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now