Chapter 2

31 3 0
                                    

Nang matapos ang misa ay nagmano kami sa pari. Nakasanayan na namin iyon simula pa mga bata pa kami kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala. Sabihin na nating dahil iyon sa pagiging maka-Diyos ng pamilya namin, pero hindi naman talaga sobra na yung tipong mga deboto. Tamang simba lang tuwing linggo at sa mahahalagang okasyon.

Lumabas na kami ng simbahan at naglakad na papunta sa sasakyan. Nauunang maglakad sila Mama at Papa at nahuhuli naman kami ni Kuya.

"Ay sorry." Sabi ko sa babaeng hindi ko sinasadyang mabangga. Napatigil din si Kuya pero sila Mama, ay hindi iyon napansin at dire deretso lang sila.

Tiningnan ko ang babae.

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng mamukhaan ko ito.

Siya yung babaeng kasama ni Iko at kasama niya ngayon si Iko. Tumingin ako kay Kuya at halata ring nagulat ito.

"Sorry, Miss." Sabi ko nang hindi tinitingnan si Iko dahil baka maiyak na ako ng tuluyan. Halata ang pagkairita sa mukha ng babae pero nang mapatingin ito kay Iko ay bumait ang ekspresyon nito. Huh? Anong nangyari?

Nakita kong napatingin siya kay Kuya, nagtaka ako dahil mukha siyang nagulat at parang nataranta.

"It's okay. Kasalanan ko rin naman, hindi ako tumitingin sa dinadaan ko. Sorry." Nakangiting sabi niya sa akin. Mabilis ko din siyang nginitian at hinatak na si Kuya palayo.

Ano iyon? Bakit biglang parang nagbago ang ekspresyon niya ng mapansing kasama niya si Iko? Hindi ko maiwasang isipin na nagbabait baitan lang siya sa harap ni Iko dahil sa nakita ko. Pero inalis ko iyon sa isip ko dahil baka TH na naman ako. Ayoko rin naman maging judgmental dahil una, galit ako sa mga ganoong tao at pangalawa, baka naman mabait talaga yung tao, hindi ko naman siya kilala eh.

Kilala kaya ako nung babae?

Nang makarating na kami sa sasakyan ay sumakay na kami.

"Saan ba kayo nanggaling? Nagulat na lang kami, hindi na namin kayo kasunod." Bungad sa amin ni Papa habang iniistart ang sasakyan.

Magdadahilan na sana ako nang magsalita si Kuya kaya kinabahan ako. Ayokong malaman nila Mama na nagkita kami ni Iko at may kasama pa itong babae, dahil babalik na naman kami sa topic kung bakit kami naghiwalay. Hindi nila iyon pwedeng malaman, baka magkagulo.

"U-uhh. May nakita lang po akong dating kaklase nung college, Ma. Medyo nagkamustahan kaya medyo tumagal." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Kuya. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Kuya para magpasalamat. Nang mareceive niya naman ito ay tiningnan niya lang ako.

Doon ko naramdaman na magkakaroon kami ni Kuya ng mahabang paliwanagan mamaya.

--

"Hay." Sabi ko pagkahiga ko sa kama. Nakauwi na kami galing sa mall, nakapag shower na ako at nakapag palit na rin ng pantulog. Gabi na kasi nang makauwi kami.

Kinuha ko ang phone ko sa bed table at tiningnan ang oras.

8:47 pm

Kailangan ko palang matulog ng maaga since 7:00 am ang first class ko bukas. Bakit kasi laging maaga ang first class ko eh? Buti pa si Erin, Thursday at Friday lang siya mayroong maagang pasok.

Tumayo ako para patayin ang ilaw pero bago ko pa mapatay ang ilaw eh may biglang kumatok.

"Erika?" Si Kuya pala. Bakit kaya?

"Ah!" Oo nga pala. Yung kanina. Sh*t.

"Erika? Bakit ka sumigaw?" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at binuksan nalang ang pinto. Direderetso naman siyang pumasok at umupo sa kama ko kaya sumunod ako at nagindian seat sa kama.

"Bakit naparito ka? Anong kailangan mo?" Nakataas ang kilay kong tanong sakanya.

"Alam kong alam mo kung bakit. Now, explain." Sabi ko na nga ba eh. Paano yan? He can't know. Baka sabihin niya kila Mama at magkakagulo. O di kaya siya mismo ang pumunta doon. Hindi. Hindi pwede. Ayokong magkagulo.

"Anong ieexplain ko? Nabunggo ko lang naman yung babae ah. Nagsorry naman ako." Pagmamaang maangan ko. Malay natin kumagat.

"Stop fooling around, Erika. That girl's with Iko, your ex." Hindi na ako nakasagot. Feeling ko nga namumutla ako ngayon sa kaba eh. "Is she the reason why you two broke up?"

"No," I'm unsure about that answer. I sighed. "I don't think so." Hindi ako sigurado, dahil hindi ko naman nga alam kung siya ba yung sinasabi nilang 'mas nababagay kay Iko'

"So hindi ka sigurado." Umiling ako. "Erika, I know there's something you're hiding. Tell me, Erika. Why did you two broke up? Niloko ka ba niya?"

"No, Kuya. Ako ang nakipag break." Halata ang gulat sa mukha niya.

"What? Eh bakit parang sa nakikita ko, ikaw yung mas nasasaktan. Erika, hindi ko maintindihan."

Dahil ako yung nagsakripisyo.

"Slow ka kasi." Sabi ko nalang at tumawa, trying to divert his attention, para na rin malayo sa topic na iyon. Tuwing tinatanong niya ako tungkol dito, nagpapakit ako ng topic o dikaya'y may ginagawa ako na makakakiha ng atensyon niya.

But this time, I failed.

"Erika naman, I know there's something you're hiding. You can tell me."

Umiling ako, "Kuya, I can't."

"Mahirap yan, Erika, pag tinatago mo." Hindi naman, dahil alam naman ito ni Erin. Siya lang ang sinabihan ko, siguro dahil alam kong wala siyang gagawin hanggat alam niyang ayaw ko. Si Kuya kasi, alam kong kakausapin niya si Iko o kaya ang pamilya nito pag nagkataon. Hindi ko na sinabi kay Kuya na alam ni Erin dahil baka magtampo lang siya. Parang bata pa naman 'to.

Umiling ako kay Kuya at ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik.

"Sige. Kung hindi mo ka pa handang sabihin, okay lang. Basta, pag hindi mo na kaya, andito lang si Kuya ah?" Hinalikan niya ako sa ulo. Ang sweet ni Kuya, gusto kong maiyak. Haha.

Pagkalabas ni Kuya ng kwarto, napaluha ako. Wala lang, ang sweet kasi ni Kuya. Haha.

Nirecall ko ang nangyari kanina.

Yung babae, siya kaya iyon?

Kinilatis ko sa utak ko ang itsura niya,

Maganda nga siya, masyado namang maputi na parang namumutla. Tapos yung mukha niya, hindi proportion sa katawan niya. Maliit ang mukha tapos ang laki ng boobs, ang pangit tingnan.

Ugh. Insecurity na ba ang tawag dito?

Kung oo, sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng matinding insecurity sa isang tao.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon