Chapter 6

30 2 0
                                    

"Sige, Kuya. Diretso na sa trabaho ha? Baka kung saan saan ka pa dumaan. Tandaan mo, walang magandang naidudulot ang beer house." Bilin ko kay Kuya bago ako bumaba.

"Sino ka ba? Ikaw ba si Mama? Kung makabilin ka ah. Mas matanda ako sa'yo hoy! Two years ang tanda ko sa,yo! In tagalog, dalawang taon! Mas marami akong alam kaysa-"

"Oo na oo na. Ingat." Sabi ko at sinara na ang pinto ng kotse. Ang dami pang dada eh. Ilang taon na ulit iyon? 22? Hindi halata ah. Ugaling 7 years old eh.

Pumasok na ako sa University at dumeretso sa garden. 20 minutes pa bago magsimula ang first class ko, ayoko namang tumambay sa room dahil wala naman akong makakausap doon.

Umupo na ako sa isang bench doon at nagsaksak ng earphones.

Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Erin. Nasan na ba ang babaeng yon?

*toot*

Kinuha ko ang phone at tingnan kung sino ang nagtext.

Erika, huwag mo na ako hintayin sa garden. Mamayang mga 12:30 na lang tayo magkita sa canteen. Sabay tayo maglunch. Marami akong kwento! <3

It's Erin.

Ano na naman kayang ikkwento nitong babaeng to? New kalandian? Or seryoso na?

Sana naman ay matuto nang magseryoso tong si Erin. Nakaka tatlong boyfriends na siya at ni isa doon ay walang seryoso. Kumbaga, laro laro lang. Gusto niya kasi, puro kilig. Walang sakit. Pero imposible naman iyon kasi pag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan.

Inalis ko nalang si Erin sa isip ko at nagpatugtog na lang. Shinuffle ko ang mga kanta at talaga nga namang nananadya. Yung theme song pa namin ni Iko ang tumugtog.

Different Worlds by Jes Hudak

I've been, out on the ocean.
Sailing alone, traveling nowhere.

Unang linya pa lang ay napatulo na agad ang luha ko. Gustong gusto kong ilipat yung kanta pero hindi ko magawa.

Pumikit ako habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.

"Babe, may bago akong kantang nadiscover at tingin ko, bagay na bagay siya sa ating dalawa." Excited na sabi ko pagkasakay ko sa kotse niya. Sinundo niya kasi ako sa amin dahil may date kami. 3rd Monthsary kasi namin ngayon. 3 months and still counting.

"Anong kanta ba yan, Babe?"

"Different Worlds by Jes Hudak."

"Different Worlds? Ano yan? English version ng Magkabilang Mundo?" Sabi niya at tumawa. Baliw talaga.

"Hindi. Iba 'to."

"Parinig nga ako, Babe." Binigay ko sakanya yung phone ko at ni-play yung kanta.

Hawak niya lang yung phone ko at pinapakinggan yung kanta. Nung parang nagets na niya yung ibig kong sabihin ay napangiti siya at tumingin sa akin.

"When it's time, I'll leave the ocean behind." Sinabi niya ang paborito kong linya ng kantang iyon.

Ngumiti rin ako pabalik sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Happy Monthsary, Babe."

"Huy!" Napamulat ako at pinunasan ang mga luha ko. Nakita ko sa Seth na nakatayo sa harapan ko.

Nakita niya ba akong umiiyak?

Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko. "Ui." Bati ko sakanya pabalik.

"Mag-isa ka?" Cheerful ang mukha niya kaya hindi ko masabi kung nakita niya ba akong umiiyak o hindi. Ayoko naman itanong kasi maoobvious ako. Duh.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now