Chapter 5

26 2 0
                                    

"Tara, dalian mo." Hinila ko siya papuntang parking area, nandoon kasi yung sports car niya. Oo, may sasakyan ang loko. Sports car pa nga eh. Naisip ko nga eh, buti nakayanan ng utak niyang pag-aralan ang sasakyan na 'to.

Pinabalot namin yung mga natira niyang pagkain. Ang dami kasi talaga. Isang chickenjoy at coke lang naman ang naubos niya eh.

Nang makarating na kami sa kotse niya, sumakay na agad kami pagkatapos ilagay ang mga pagkain sa compartment.

"Tsk. San ba kasi tayo pupunta, Erika? Bakit ayaw mo pa sabihin? Isusurprise mo siguro ako, ano? Sabi ko na nga ba at nalove at first sight ka na sa akin. Paano mo hinanda yung surprise mo? Siguro nung nag-cr ka, may kinausap ka para ihanda lahat para sakin. Ang sweet mo pa- Aray! Aray!" Piningot ko ng malakas ang tenga niya. Ang kapal kasi ng mukha eh. Masyadong malawak ang imagination niya. Naalog siguro ang utak nito nung bata siya, ano?

"Siraulo ka talagang Seth ka. Anong love at first sight? Sa sobrang pagmamahal ko, sinipa kita sa ano mo? Pwede bang kahit hanggang mamaya lang, maging matino ka? Bukas ka nalang bumalik sa abnormal mode mo." Iritadong sabi ko at binitawan na ang tenga niya.

"Ang sakit mo mamingot. Ugh." Tumingin siya sa rearview mirror at chineck ang tenga niya. "Erika, namumula. Paano pag nabingi ako niyan. Hala." Nasaan ba ang utak nito? Nasa talampakan? Ang ineexpect ko sa mayayaman, matatalino at edukado. Kakaiba 'tong taong 'to.

"Wala pang taong nabingi dahil lang piningot. Huwag ka nga nga OA." Binatukan ko siya. Maalog man lang sana yung utak niya para maging normal naman kahit 5% lang. Malaking tulong na rin yun.

Hinimas niya ang batok niya at tumingin sa akin ng masama. "Ang layo ng ugali mo sa itsura mo, ano? Nakasalamin, simple manamit tapos nakapony lang lagi ang buhok. Ang bait tingnan. Pero ang totoo, sadista ka, masakit magsalita at naninipa ng balls."

Nginitian ko siya, "Mabait naman kasi talaga ako." Sumimangot ako, "Nababago kang yun pag abnormal ang kasama ko."

"Tingnan mo! Kanina mo pa ako sinasabihan ng abnormal ha. Normal ako! Kompleto ang organs at parte ng katawan ko! Paano naging abnormal yon?!" Inis na inis na siya pero hindi talaga siya nakakatakot. Mukha lang siyang batang nagtatantrums.

"Okay ka naman talaga eh." Napangiti siya sa sinabi ko. "Utak lang naman kasi talaga ang problema sa'yo."

"Bahala ka. Abnormal ako? O edi sige. Hindi ako magda-drive. Hindi tayo aalis." Bumitaw siya sa manibela at nagcross arms.

"Ang arte mo. Tara na." Pinalo ko siya sa braso. Parang babae naman 'to aba.

"Bawiin mo muna yung sinabi mo. Sabihin mo, 'Hindi abnormal si Seth. Normal siya. Gwapo siya, macho siya at nakakainlove talaga siya.' Easy as that." Abot langit talaga ang paghanga nito sa sarili niya. Hindi ko sasabihin 'yon!

"Asa ka pa." Sabi ko at umirap.

"Okay. Edi walang aalis." Nagkibit balikat pa siya at nakakaasar yung mukha niya.

"Ano ba! Tara na kasi!" Sabi ko at nagpapadyak pa. Nakakainis! Ang arte arte nito. Mas abnormal pa siya sa Kuya ko.

"Sabihin mo muna. Ang dali dali na nga nun eh."

"Hindi ako marunong magsinungaling!"

"Hoy! Totoo yun lahat ah. Gwapo ako, macho at nakakainlove. Para sabihin ko sa'yo, maraming babaeng nakakandarapa sa akin." Mayabang niyang sabi.

Nagkunwari akong nagulat. Tinakpan ko pa ang bibig ko at nilakihan ang mata ko. "Di nga?" Nakangiti naman siyang tumango.

"Grabe. Baka naman mga mahihirap yang mga yan at hindi afford magsalamin?" Sabi ko at tumawa.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon