Chapter 9

22 1 0
                                    

Ilang oras na akong trapped dito sa rooftop. Siguro mga apat na oras na rin. Hindi na tuloy ako nakapasok sa klase ko. Nako. Good Luck na lang talaga sa card ko. Imposibleng makauno ako.

Nakasandal lang ako dito sa pinto at maya't mayang kinakatok to. Baka sakali kasing may mapadaan, manotice manlang nila na may tao sa loob.

Hindi manlang ba nag-aalala sila Erin? Hindi ba nila naisip na nawawala ako? Ugh. Grabe. Dalawang oras na akong nawawala, hindi pa rin nila napapansin? Baka naman napansin nila pero inisip nila na may pinuntahan lang ako. O di kaya, hinahanap na nila ako ngayon?

Lord, kung ganoon man po, bigyan niyo po sila ng talino para maisip na nandito ako.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tinitigan yun. Bakit kasi wala akong load eh?

Erin please. Tawagan mo ko.

"Ay!" Nagulat ako at bigla ko pang mabitawan yung phone ko nang bigla itong magring. Siyempre sinagot ko agad.

"Hello? Hello? Erin? Oh my gosh, Erin. Nakulong ako dito sa rooftop. Sunduin mo ko. Huhuhu. Ilang oras na ko nandito." Pagddrama ko para sunduin na niya ako dito agad.

"Wait. Wait. Anong Erin? At anong sabi mo? Nakulong ka?! Sa roofttop?"

BAKIT BOSES LALAKI?

BAKIT BOSES NI SETH?!

Tiningnan ko kung sino yung tumawag.

It's Seth.

Bakit kinabahan ako bigla? Bakit bigla ako nahihiya? Dahil sa kiss?

"Y-yes. Oo. Seth help plea-" Hindi ko pa tapos ang sasabihin pero binabaan niya agad ako. Bastos talaga. Ano? Wala siyang pake sakin ganon? Minsan lang naman ako humingi ng tulong sa kanya tapos ayaw pa niya ngayon kung kailan kailangan ko talaga ng tulong.

Ayoko magtagal pa dito.

Nilibot ko ang mata ko.

Magdidilim na. Nakakatakot. Ako lang mag-isa. Ayoko na dito.

Pumunta ako sa isang gilid at umupo. Niyakap ko ang tuhod ko at tumungo.

Seth's Point of View

Ang boring naman ngayon. Kanina pa ako palipat lipat ng channel pero hindi pa rin ako natutuwa.

Hay anong oras na ba?

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Maggagabi na rin. Ano kayang pwedeng pagkaabalahan?

Kinuha ko ulit ang remote at nilipat ang channel. Pero napunta ako sa isang cooking channel. Nagbebebake yung babae ng cookies.

Cookies!! Gusto ko ng cookies.

Pero gusto ko ako magbebake. Ayoko ng binili lang. Mas masarap pag made by yours truly.

Kaso may problema.

Hindi ako marunong mag-bake. Ugh.

I need Erika! For sure may alam siya sa baking. Asan ba yung babaeng yun? Hinahanap ko siya kanina para yayain kumain pero wala na siya sa school. Sabi ni Erin, baka umuwi na kaya umuwi na lang ako. Matawagan nga.

Ilang ring pa lang eh agad na nasagot ni Erika yung phone.

"Hello? Hello? Erin? Oh my gosh, Erin. Nakulong ako dito sa rooftop. Sunduin mo ko. Huhuhu. Ilang oras na ko nandito." Tarantang sabi niya.

"Wait. Wait. Anong Erin? At anong sabi mo? Nakulong ka?! Sa roofttop?"

"Y-yes. Oo. Seth help plea-" Hindi ko na siya pinatapos at agad kong binaba ang phone. Agad akong tumayo at kinuha ang susi ng kotse sa center table tska diretsong tumakbo papuntang garahe.

Anlakas ng aircon ng kotse ko pero pawis na pawis ako. Bakit ba kasi nakulong sa rooftop yunng si Erika?! Siguro kanina yun nung umakyat siya habang nagaasaran kami. Kung yun nga yun, ibig sabihin ilang oras na siya doon?! Hindi pa siya kumakain at ang lakas lakas pa ng hangin kanina. Magdidilim na rin at alam kong takot sa dilim ang babaeng yun.

Binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan at inovertake-an lahat ng nasa unahan ko. Sa sobrang bilis ko, pakiramdam ko kasali ako sa ff7.

Maya maya pa ay nakarating na ko sa school. Diretso na akong papasok ng gate kaso pinigilan ako ng guard.

"Kuya naman.." Parang batang pagpapacute ko sa guard.

"Hende pwede." Masungit na sabi niya at tumingin sa gilid niya. Pabebe pa.

"Kuya.. Ganto. Yung girlfriend ko, nakulong sa rooftop. Ilang oras na siyang nandun. Pag siya napahamak, ikaw ang sisisihin!" Mukang natakot naman si kuya sa sinabi ko kaya pinapasok niya na ako. Sinamahan pa nga ako eh. Nasakanya kasi ang susi.

Erika's Point of View

Biglang humangin ng malakas at biglang may narinig akong malakas na kalabog. Imbis na tingnan at hanapin kung saan yun galing, eh nanatili na lang akong nakatungo. Bakit ko pa tatakutin yung sarili ko diba.

Maya maya lang ay may buglang humawak sa balikat ko. Namutla ako ng sobra at nanginig pa sa takot pero hinayaan ko lang at hindi ko tiningnan kung sino yun.

"Huy!" Napatingala ako nang marinig ko ang boses na yun.

"Erika? Anong nangyare sa'yo? Bat ka namumutla? Bakit di mo ko pinapansin eh kanina pa kita kinakalabit? Akala ko kung ano na nangyari sayo. Bakit hindi mo agad ako tinawagan? Ilang oras ka na ba nandito? Gabi na oh. Nagugutom ka ba? Siraulo ka talaga bat ka nagkulong dito? Kung magddrama ka na naman, dun ka na lang sa bahay niyo. Ano? Mas gusto mo dito kasi mas madrama? Gan-"

Hindi ko na siya pinatapos at agad ko siyang niyakap. "Thank you, Seth."

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now