CHAPTER 3:

1K 53 4
                                    

First, Fulgencio Kive Sebastian. The Male Lead. Ang pinaka-nakakairitang karakter na kailangan kong iwasan ng slight. Kung hindi ko kaya siya i-invite sa birthday ko?

Second, Gonzolo Mia Ameliana. The Female Lead. Hindi naman siya nakakairita, nakakainis. Mabait pa nga siya. Pero nakakairita 'yung pagiging mahina niya. Gano'n ba talaga kapag ikaw ang bida sa kwento? Kailangan mahina ka? Hmp.

Third, Fulgencio Arlo Gabriel. Kapatid ng Male Lead. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. May sapak sa ulo at kailangang iwasan bago pa niya guluhin ang buhay ko.

Fourth, Fulgencio Levi Oliver. Kapatid din ng Male Lead. Pangatlo sa apat na magkakapatid. Kailangan iwasan dahil may pagka-sinto ang pag-iisip. Baka gawin niya pa akong experiment kapag ginalit ko siya.

Fifth, Fulgencio Aria Mauve. Ang bunso sa magkakapatid na may mabuti at inosenteng puso. Protektado ng mga bruskong magkakapatid kaya lahat ng lalaki na may interes ay umaatras agad. Tama lang naman. #Protectheratallcost!

Sixth, Bonzelli Jiza Penelope. Best Friend ng Female Lead kaya kailangan talagang iwasan. Mabait din naman kahit papaano pero basta may kinalaman sa Female Lead and Male Lead, kailangan iwasan.

Seventh, Bonzelli Jiro Maverick. Kapatid malamang ng Best Friend ng Female Lead kaya kailangan ding iwasan lalo na't isa rin siya sa tatlong malalapit na kaibigan ng Male Lead. Mabait din naman ang isang 'to tulad ng kapatid pero hindi ko siya puwedeng kaibiganin.

Eighth, Hemillton Mint Maximillian. Green Flag!!!!!!!!!! Best Friend ng Male Lead pero isang malaking Green Flag. Sikretong may gusto kay Mistress Eve kaya sige pagbigyan kapag nakipag-kaibigan. Hindi kailangang iwasan dahil hindi naman delikado pagsabihan.

Ninth, Agnello Don Primo. Isa pang may saltik sa ulo. Kung may kapatid na may saltik ang Male Lead, meron din siya kaibigan na may saltik ang ulo. Mas mukha pa nga silang magkapatid ni Arlo. Iiwasan.

Tenth, Morikowa Yugo Daniel. Isang Assasin na may gusto rin sa Female Lead. Muntik na niyang patayin si Mistress noon dahil sa ginawa ni Mistress na pamamahiya kay Mia. Like the fuck! Kasalanan pa ba ni Mistress na tanga-tanga si Mia no'n? Itumba ba naman ang malaking dyamante na pagmamay-ari ni Mistress Eve? Shuta basag! In-skip ko nga 'yung part na 'yun kasi nakakahiya 'yung part na 'yun tapos siya pa umiyak nung hiyain siya.

------

"Eve, paabot ako puwede?" naka-ngiting tinuro ni Gaia ang mga plato na naka-patong sa katabi kong lamesa. Tumango naman ako at kinuha ang patong-patong na mga lamesa upang maingat na iabot kay Hiran at Gaia.

Meron silang pagdiriwang ngayon at imbitado ako. Isa rin ako sa mga tumutulong sa pag-aasikaso sa mga batang Fairy. Hindi nila ako gaanong kinakausap dahil mukhang nagtatakha pa sila kung anong klase akong demoniyo--este tao. Kaya ang ginagawa ko na lang ay ang manahimik sa tabi habang masayang pinanonood sila. Mas komportable naman ako na ganito atleast hindi ako masyadong napapagod kaka-kilos at kakakausap sa mga Fairy sa paligid.

"Ang sarap nitong niluto mo, Eve! Tuwang-tuwa ang mga bata!" natutuwang pumapalak si Hiran habang naka-tingin sa mga bata. Energetic pa rin hanggang ngayon. Hindi man lang napapagod kahit kanina pa nag-uumpisa ang pagdiriwang.

Tungkol sa niluto ko. Nagluto ako ng Spaghetti at Carbonara matapos kong malaman na may mga sangkap sa Human World na ipanghahalo sa Spaghetti at Carbonara. Tulad lang din pala ng mga sangkap sa Earth ang mga sangkap dito kaya magkakaroon ako ng libangan. Marami pa naman akong alam na recipe dahil libangan ko ang pagluluto noong nasa dati ko pa akong katawan. Karamihan pa naman sa mga alam ko, paborito ng mga bata doon sa Earth. Sa galing ko pati mga bata rito nagustuhan ang luto ko. Hays. Ako lang 'to.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon