CHAPTER 15:

677 46 3
                                    

"Magandang umaga, Mistress Eve. Pinapasabi ni Madame na pagkatapos niyong mag-ayos, kumain na raw kayo sa baba."

Tumango ako bilang sagot, bagong gising pa lang ako at wala akong gana na makipag-usap nang maayos. Sarap kasi sa likod nung kama eh. Kung hindi lang kailangang makisama edi sana sinabi ko na hindi ako kakain dahil gusto ko pa mahiga at matulog. Ganito lang pala ang kailangan para mapatulog 'tong katawan ni Mistress Eve. Kailangan lang pala na nasa kwarto niya siya matutulog.

Matapos kong isarado ang pintuan nahiga muna ako saglit bago ayusin ang higaan. May kamay naman ako kaya hindi na kailangang ibigay sa kanila ang ganitong mga klase ng gawain. Dumeretso na lang din ako sa banyo para maligo, mabuti na lang may heater din sila. Imposible rin naman na mawalan ng heater ang mansyon na 'to. Sa lamig ba naman ng tubig, hindi sila magpapakabit? Sa yaman nilang 'to?

Hindi ako tumagal ng tatlumpung minuto sa paliligo dahil mabilis lang naman talaga ako kumilos. Pakiramdam ko kasi lumalamig ang pakiramdam ko kapah tumatagal ako sa banyo. Geez.

Siyempre pagkatapos nagbihis na ako. Isang mukhang summer dress na lang ang sinuot ko. Hindi ako maalam sa mga damit pero maganda siya at malambot. Sobrang fitted din kaya kitang-kita ang ka-sexyhan nentong si Mistress Eve. Kung lalaki lang sana ako edi sana niligawan ko na 'tong si Mistress Eve.

Hinayaan ko na lang din na naka-lugay ang buhok ko dahil basa pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hinayaan ko na lang din na naka-lugay ang buhok ko dahil basa pa. Sinuklayan ko na lang at syempre umupo muna saglit sa isa sa mga sofa para tumunganga. Ganito na lagi ang gawain ko bago ako kumilos para sa isang buong araw. Tumulala bago gawin ang mga dapat gawin.

After 20 minutes na pagiging tulala, lumabas na rin ako. Nakalimutan ko na sobrang tangkad ko na pala, nag-suot pa ako ng sandal na may 2 inch heels. Pero tinatamad na akong bumalik sa loob kaya hinayaan ko na lang. Gulat na binabati ako ng mga Maid na naka-kalat na naman sa kung saan-saan. Ang iba sa kanila ay siguradong hindi ako naabutan kahapon. Iilan lang din naman kasi ang nakita ko kahapon, hindi katulad ngayon na para bang may bisita dahil kung saan-saan sila naglilinis. Parang ang OA naman ng Madame na para bang gusto niya na ring kada-tiles merong isang Maid na maglilinis. Psh.

Mahirap pala maging matangkad dahil para silang mga bata. Next time nga hindi na ako mag-su-suot ng heels dahil ako rin ang kawawa. Nakakapagod din kayang tumungo sa kanila.

Dahil nga mabuting tao ako, tinatanguan ko ang mga taong bumabati sa akin. Nginingitian na kinamumula ng mga mukha nila. Hay, sa ganda ko ba naman na 'to?

Pagdating ko sa kusina, maraming mga nag-a-asikaso. Kukuha sana ako ng gatas pero dahil may isang Maid na lumapit sa akin at tinanong kung may kailangan ba ako, sa kaniya ko na pinakuha ang isang baso ng gatas. Gusto ko nga sanang sabihin na gusto ko ng isang pitsel ng gatas na para sa akin lang. Lasang freshmilk kasi ang gatas nila na matamis, idagdag pa na malamig kaya masarap tuloy inumin.

"Who are you?" biglang tanong ko sa babaeng naghuhugas.

Lumingon ang ibang naka-rinig pero nanatili ang tingin ko sa likod ng babaeng naghuhugas. Bigla itong lumingon, seryoso ang reaksiyon mukha niya. Itinuro niya ang sarili kaya tumango naman ako. Ang sarap sanang umupo sa lamesang sinasandalan ko pero hindi ko naman maaaring gawin dahil baka magulat ang mga Maid dito sa gagawin ko. 'Yung Mistress nilang may suot na dress biglang mag-a-asal gano'n. Baka isipin nila na may saltik na ako sa ulo.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon