CHAPTER 13:

664 40 1
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW:

“Paano kung mapansin nila na wala ka? Ikaw na ang nag-sabi nung nakaraang araw na napapansin mong nasa ‘yo ang mga mata nung Madame?” iritadong tanong ni Tres kay Kwatro na prenteng naka-upo habang naka-patong pa ang mga paa sa table.

Ang apat niyang kasama ay nasa harapan naman niya. Hindi nila inaasahan na bibisita ito ngayong gabi. Nabigla na lang sila matapos nitong katukin ang mga pinto nila.

“Don‘t panic, okay? May nilagay akong pampalalim ng tulog sa inumin ng Madame. Atsaka hindi mo man lang ba ako na-miss? Kayo? Alam niyo nakaka-pagod din kaya ang trabaho ko ro‘n.”

Umismid si Tres tsaka siya na-upo sa isa sa mga upuan. Narito sila sa opisina ni Uno. Pero imbes na si Uno ang naka-upo sa swivel chair, si Kwatro ang naroon. Masayang kumakain ng matamis na kendi na nakuha niya sa kwarto ni Singko matapos niyang pasukin ang kwarto nito.

“Anong ginagawa mo rito kung gano'n? Alam kong hindi ka bumisita saglit dito para lang sabihin sa amin na miss mo kami,” seryosong tanong ni Uno na kasalukuyang naka-sandal sa pader katabi si Dos na papikit-pikit pa ang mga mata.

Umayos naman ng upo si Kwatro at pinatong ang mga kamay sa lamesa.

“Hindi lang basta nasa akin ang atensiyon ng Madame. Merong kakaiba sa kaniya sa totoo lang. Para bang meron siyang alam sa plano natin, sa kung anong ginagawa ko sa lugar na ‘yun.”

“Hindi tanga ang Madame. ‘Yun ang huling sabi sa akin ni Bossing. Kahit siya alam niya na malalaman din ng Madame ang tungkol sa ginagawa natin,” ani Uno.

“Hindi ako maaaring mag-tagal doon, Uno. Sigurado ako na merong plano ang Madame sa akin. Kung hindi nga lang siya babae, iisipin ko na bet niya ako.”

“May gusto siya sa ‘yo?” biglang tanong ni Tres habang naka-taas ang kanang kilay.

“Huwag kang feeling. Alam kong maganda ako pero imposible ang bagay na ‘yun dahil sobrang ganda ng Madame. Hindi ko siya reach,” mataray na sagot ni Kwatro. Inirapan naman ni Tres si Kwatro dahil sa sagot nito.

“Posible naman ‘yun. Honestly, maganda ka at madali kang maka-attract nang kahit na sino dahil masiyado kang malandi kung maka-tingin,” biglang sabi ni Dos.

Nangalumbaba naman bigla si Kwatro at malanding tumingin kay Dos, “So, na-a-attract ka rin sa akin kapag ginagawa ko ‘to?”

“Stop that, Kwatro. Sabihin mo na lang kung ano pa ‘yung mga balak mong sabihin,” panira ni Tres.

Umirap naman si Kwatro at muling sumandal sa swivel chair, “Gaya ng sabi ko, hindi na ako puwedeng mag-tagal. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng Madame. Hindi ko alam kung anong plano niya, kung anong plano niyang gawin sa akin. Hindi niyo naman siguro gusto na mawala ako sa grupo? Malakas ako pero marami sila. Kapag na-ipit ako, talo.”

“Magtagal ka lang doon. Kailangan nating kumpirmahin ang isang bagay,” biglang sambit ni Singkot.

Napa-tingin sa kaniya ang lahat kaya napa-taas siya ng dalawa niyang kamay na para bang sumusuko.

“Kasi merong nabanggit si Boss dati. Naisip ko lang. Nabanggit mo sa amin dati na hindi tunay na Anak ni Madame si Mistress. Pero never nating nakilala ‘yung Nanay ni Mistress. Kahit kailan walang napa-balitang babae na na-involve kay Lord Evan,” dagdag pa niya.

“Tama siya. We don't know the full story sa likod ng Family nila and we need to know that. Ano sa tingin mo?” tanong ni Uno kay Kwatro, “Kakayanin mo pa ba?”

Nag-kunwaring nag-iisip si Kwatro, “Basta half ng bayad sa akin. Kayo na maghati doon sa matitirang half.”

“What!?” biglang tanong ni Tres.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon