CHAPTER 18:

621 44 4
                                    

“Excuse me, what?”

Isa-isa kong tiningnan ang anim na lalaking naka-tayo sa harapan ko. Nangunguna si Sebastian at Arlo. Si Arlo na malawak ang ngiti at si Sebastian na naka-kunot ang noo habang naka-tingin sa akin. Parang ako pa ang may kasalanan sa kalokohan na pinagsasabi ng kapatid niya?

“Sige na, gusto lang naman ni Kive na makasama ka?”

“Huh!?”

Ano bang pinagsasabi ng lalaking ‘to? Halata naman na ayaw akong kasama ng kapatid niya tapos sasabihin niya na gusto akong makasama ni Sebastian? Tinamaan na naman ba ng ka-saltikan ang lokong ‘to?

“Excuse me lang pero halata naman na ayaw ng kamahalan ang gusto mo, Young Master. Pasensiya na pero may mga mahahalagang bagay pa akong kailangang asikasuhin,” tatayo na sana ako ang kaso naka-salubong ko naman ang masamang tingin ni Sebastian. Syempre umupo ulit ako.

Hindi naman sa takot ako, pero ayoko naman na magmatapang ngayon sa harapan nila. Dapat kahit papaano meron pa rin akong natitirang takot sa kaniya kahit ang totoo, wala naman talaga. Gusto ko na lang siya ihawin ng buhay.

Kita kong napa-ngiti ang apat na loko sa likod. Pero ang hindi ko talaga matigilang tingnan ay si Maximillian. Bias ko siya dahil greenflag siya. Kung siya ang aaya sa akin lumabas baka sakaling pumayag ako. Sa gwapo at bait niyang ‘yan, okay na ako maging marupok.

“Harap-harapang panlalalaki ang ginagawa mo, Sister.”

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig kay Arlo. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya tsaka tinuro ang sarili ko. Anong panlalalaki ang sinasabi ng jologs na ‘to?

“Hindi mo ba alam na nag-se-selos ‘tong Fiance mo, Mistress Eve?” bumaling ako kay Don na mayroong suot na malawak na ngisi habang minamasahe ang magkabilang balikat ng kamahalan, “Bakit naman kasi kailangang tumingin sa iba kung puwede naman sa kaniya?”

“Call me Eve or Avalina. And for your information, hindi ako nanlalalaki! Ano bang ginagawa niyo rito mga kamahalan?” pilit kong tinatago ang inis ko. Hindi ko alam pero makita ko pa lang na kumpleto silang lahag sa harapan ko, sumusuko na kaagad ako.

“Sige, uulitin ko para sa'yo, pero dapat sa amin ni Kive ang tingin, hindi sa iba.”

Umirap ako at ngumiwi. Napa-ngiti naman si Arlo dahil sa reaksiyon ko, “Dahil nga gusto namin na maging close kayo ni Kive. Dapat lang na mag-date kayong dalawa. Kami ang bahala sa lahat! Ang kailangan niyo na lang gawin ay mag-participate!”

“Kailangan ba talaga ‘yan?” sumusukong tanong ko. Ano pang laban ko kung ganito ka-energetic ang kaharap ko.

“Kailangan! Syempre Fiance mo siya, Fiance ka niya! Kailangan makilala niyo ang isa't isa.”

Umirap ako at mataray na tumingin kay Sebastian. Seryoso lang ang mukha niya habang naka-tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, “Baka gusto mong ikaw ang mag-aya? Hindi naman ang Young Master ang Fiance ko, ikaw.”

Kahit na kay Sebastian ang tingin ko, napansin ko pa rin ang namamanghang reaksiyon ng mga kasama nila, lalo na ang may saltik na si Arlo. Inalog-alog pa niya ang kasamang nasa likod, si Don. Ang dalawang may saltik.

Pinanood ko ang ginawa niyang pag-krus sa mga binti at braso niya. Malamig niya akong tiningnan kay mas lalo ko siyang tinarayan.

Anong akala niya madadaan niya ako sa ganiyan? Ilang beses na akong nainis sa kaniya kaya hindi niya ako ma-t-tease na sapakin ang mukha niya. Mabuti na nga lang at hindi pa malala ang pagka-saltik niya ngayon dahil wala pa naman si Mia. Pero paano kung dumating ang babaeng ‘yun? Ay jusko! Mamatay na lang.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon