CHAPTER 23:

585 42 5
                                    

“What if ikaw na lang ang mag-sukat?”

Mabilis akong nilingon ni Kwatro at pinag-taasan ng kilay, “Ako ba ang may kaarawan?”

Umirap ako at bumusangot.

Isang linggo na nila akong ginugulo dahil sa nalalapit kong kaarawan. Hindi pa doon natatapos ang lahat, meron pa akong mga tao na kailangan kitain pagkatapos ng pag-su-sukat ng mga gown. At sa totoo lang, walang maganda sa lahat ng gown na isinukat ko! Oo nga‘t puro mahal at gawa sa dyamante ang mga gowns, pero kasi, ampapanget ng design! Sa gandang ‘to ni Mistress Eve, deserve naman siguro niya ang magandang gown?

“Ayoko niyan ampanget eh,” nauubusang pasensiya na sabi ko habang naka-tingin sa gown na nakita niya.

Pumaywang siya, “Lahat naman panget para sa'yo. So, anong susuotin mo sa party?”

“Kung gusto mo puwede namang wala,” sarkastikong sagot ko.

“Mistress Eve, hindi ka puwedeng umalis rito sa kwarto na ‘to hangga't hindi ka nakaka-pili ng gown na susuotin mo,” masungit na ani niya.

Nagkabit-balikat ako at ngumisi, “I can stay here forever. Kaysa naman mamili ako sa mga gowns na ‘yan na ang pa-panget ng design.”

Napa-awang ang bibig niya habang hindi makapaniwala na naka-tingin sa akin. Kanina pa siya stress, halata naman. Pero wala talagang maganda sa mga gowns na pinapakita niya sa akin, anong gagawin ko? Ayoko namang sapilitang suotin ang isang gown na hindi ako komportable at nagagandahan.

“Eh kung papalitan ko ang mga gown na ‘to?” tanong niya.

“Kahit papalitan mo ‘yan, kung weird at panget pa rin ang design, wala ring mangyayari,” pang-aasar ko.

Nag-cross arm at cross legs ako habang naka-ngiti kay Kwatro na hindi mo alam kung malapit na bang magalit dahil pailing-iling na habang kinakamot ang ilong niya. Hindi rin siya naka-tingin sa akin dahil kung saan-saan siya tumitingin habang nagpapakawala ng mabigat na hininga. Asar na asar na siya. Ayaw niya lang magalit dahil siguradong susuwayin siya ng ibang Maid na kasama namin dito sa kwarto.

“Ang hirap mo kausap talaga,” stress na bulong niya pero rinig ko naman.

“Sorry na okay? Chill ka nga muna. Hanapan mo ‘ko nung magandang gown! Ayoko nung mamahalin tapos ganiyan naman ang design? Mukha akong tukneneng diyan sa isa, sa isa naman mukha akong banana, ito naman mukha akong what the fuck? Patay na may ginto sa katawan?” isa-isa kong tinuro ang gowns na talagang hindi ko nagustuhan.

“Wala akong naintindihan sa sinabi mo pero sige. Hahanapan na kita, Mistress Eve. May kilala akong maganda ang mga gowns pero hindi ko sigurado kung papayag si Madame kung siya ang kukunin ko bilang--”

“Pakialam mo ba sa kaniya? Hayaan mo siya dahil ako naman ang birthday girl. About sa design, alam mo meron naman akong idea sa gusto ko.”

Pagod na bumuntong-hininga siya habang naka-turo sa sarili niya, “Grabe ang pagod ko sa kakasalansan ng mga ‘to tapos meron ka naman palang idea na gown? Ako ba pinapagod mo?”

“Four....” rinig kong suwan nung isang Maid na malapit sa kaniya. Hindi ko na lang sila pinansin, inosenteng nag-kibitbalikat ako.

Ilang linggo na siyang naaasar sa akin. Isang linggo na rin akong nasa mood para asarin siya. Siya lang naman ang mapagkakatuwaan ko rito dahil siya lang naman ‘tong mahaba ang pasensiya sa akin at syempre close ko. O ako lang talaga ang nakiki-close sa kaniya? Basta. Siya lang naman ang masayang inisin sa bahay na ‘to.

“Pupunta tayo ro‘n sa taong sinasabi mo. Ako na bahalang mag-sabi sa kaniya ng design,” ani ko habang pinapanood na kumalma si Kwatro.

“Stress ka talaga kahit kailan. Ililigpit ko na ba ‘to?”

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon