CHAPTER 26:

610 41 2
                                    

"Hindi ba tayo papagalitan ni Ate Eve? Akala ko ba bawal tayong magpakita sa iba?" mausisang tanong ni Sadie sa akin.

"Si Mistress Eve nga ang nag-imbita sa atin. Hindi lang niya nabanggit sa inyo dahil busy kayong dalawa na mag-away sa harapan niya," sagot ko, "Suotin mo 'yan, ha? Ayusin mo rin ang paglalakad mo dahil mukha kang sanggano na kahit anong oras naghahanap ng away."

Umirap sa akin si Sadie. Kinuha niya ang dress na naka-lagay sa ibabaw ng kama niya saka niya ito sinipat. Halata naman sa reaksiyon niya na nagagandahan siya sa dress.

"Kanino galing 'to? Ang ganda!"

"Galing 'yan kay Mistress Eve, may pinadala rin siyang dalawang tao na tutulong sa pag-aayos ninyo ni Kei."

"Ang ganda!! Pati kayo ni otet binigyan ni Ate Eve ng damit?" excited na tanong niya.

"Oo naman. Nasa baba na 'yung tutulong sa 'yo sa pag-aayos. Papuntahin ko na ba rito?" tanong ko bago maglakad papunta sa pintuan ng kwarto niya.

"Kahit ayaw ko sige na! Baka magalit si Ate Eve kapag hindi ako sumunod."

Tumango na lang ako at sinarado ang pintuan. Dumeretso ako sa baba at doon nakita ang dalawang magandang babae na nag-a-antay. Kasama nila si Kei na masayang nakikipag-kuwentuhan sa kanila. Napa-lingon sila sa akin matapos nilang marinig ang yabag ng mga paa ko. Seryosong tumingin ako kay Kei bago ako tumingin sa dalawa.

"Maaari ka nang umakyat, inaantay ka na ni Sadie. Pag-pasensiyahan mo na lang siya kung may kakaiba sa pag-uugali niya, ganoon lang talaga siya."

Tumayo ang isa sa mga babae at ngumiti, "Huwag kayong mag-alala. Nagbigay na ng paalala ang Mistress Eve tungkol sa bagay na 'yan. Pupuntahan ko na ang Miss sa taas."

Nag-bow siya sa akin bago niya ako nilagpasan. Naituro ko naman na sa kaniya kanina ang kwarto ni Sadie. Siya rin kasi ang nag-pasok ng mga damit na dinala nila para kay Sadie. Wala rin dito kanina si Sadie kaya hindi naman niya malalaman na may iba akong pinapasok sa kwarto niya na hindi niya alam.

"Ikaw ba, Kei? Gusto mo na bang mag-ayos?" tanong ko kay Kei.

Nahihiyang kinamot niya ang batok niya, "Kailangan ba talagang kasama si Ate?"

Bumaling ako sa babaeng naka-upo sa harapan niya. Ngumiti ito, "Kailangan kasi na maging malinis ka sa araw na ito, Kei. Huwag kang mag-alala, wala ka namang dapat na ikahiya."

"Nahihiya siya sa 'yo dahil lalaki siya," sabat ko saka ko kinuha ang lagayan ng damit na para sa akin.

Hindi ko pa nakikita ang damit na naka-laan para sa akin, ganoon din naman si Kei dahil mas inuna pa namin ang makipag-usap sa kanila.

"Batang lalaki naman siya, walang problema. Kaya h'wag kang mahiya sa akin, ha?" kinurot niya ang kanang pisngi ni Kei kaya mas lalong namula ang bata.

"Mag-ayos na kayo," utos ko sa dalawa.

Tumayo si Kei at humarap sa akin, "Mag-aayos ka na rin, Yugo?"

"Hmm. Pagkatapos niyong mag-ayos dumeretso na lang kayo rito sa sala, o kaya sa kusina kung gutom kayo."

Tumango naman sila sa akin.

Pinauna ko silang umakyat saka na ako sumunod.

Ngayon ang kaarawan ni Mistress Eve kaya ganito na lang kami kung maghanda. Maaga pa naman pero kailangan naming agahan ang pag-aayos dahil aabutin ng apat na oras ang normal na byahe papunta sa mansyon nila. Hindi kami maaaring kumilos ng kakaiba dahil meron kaming kasama na siyang maghahatid sa amin papunta sa lugar na 'yun.

Sa loob ng ilang linggo, wala akong ginawa sa mga taong pinahirapan ni Mistress Eve. Nandoon lang sila sa ibaba. Araw-araw ko silang binibigyan ng pagkain, binigyan ko rin sila ng maayos na kasuotan. Tinanggal ko na rin ang pagkakatali sa kanila dahil wala naman silang kakayahan na maka-alis sa ginintuang hawla na ginawa ni Mistress Eve. Kapag sinubukan nilang dumikit sa harang, mako-koryente sila. Kaya nga hanggang ngayon nanghihina sila dahil sa pagpupumilit nila.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon