CHAPTER 17:

641 36 2
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW:

“Kive Sebastian! Nakikinig ka ba?”

Dahan-dahang ibinaba ni Sebastian ang dyaryo na humaharang sa mukha niya. Malamig niyang tiningnan ang kapatid.

“Anong plano mo? Hindi mo man lang ba kikilalanin ang Fiance mo?” excited na tanong ng binata sa kaniya. Si Arlo.

“I don't have any plan, Arlo. Kaya tigilan mo ‘ko,” itinaas ulit ni Sebastian ang binabasang dyaryo pero mabilis namang kinuha ito ng kapatid kaya sinamaan niya ito ng tingin.

“Arlo Gabriel, ibalik mo sa ‘kin ‘yan.”

“Kive Sebastian, makinig ka muna kasi sa amin. Bonding dapat ang meron ngayon!”

“He‘s right, Kive. Stop reading muna, makipag-kuwentuhan ka muna sa amin.”

Walang nagawa si Sebastian matapos sumabat ng kaibigan na si Maximillian.

“So, ano nga? Wala kang balak na ayain lumabas ang Fiance mo?” tanong ulit ng kapatid. Katabi rin nito ang isa pang may saltik na si Don. Tahimik lang ito dahil merong nilalantakan na pagkain. Magkatabi lang din si Jiro at Maximillian, samantalang ang isa pang kapatid na si Levi ay may hawak na pusa.

“Saan mo nakuha ‘yan?” hindi sinasadyang tanong ni Sebastian. Kunot ang noo niya habang naka-tingin sa tahimik na pusa.

“Aray, hindi ka sinagot. Okay lang ‘yan, kain ka na lang.”

Walang pakialam na nilingon ni Arlo ang kaibigang si Don matapos idikit ng kaibigan sa mukha niya ang pagkain.

“Sa labas,” naka-ngising sagot ni Levi.

“Levi Oliver, ibalik mo ‘yan sa pinagkuhaan mo. Patahimikin mo ang pusa,” utos ni Sebastian sa kapatid.

“Sabi sa'yo pare, magagalit ‘yang kapatid mo kapag nakita niya ‘yan,” natatawang sabat ni Jiro.

“Wala naman akong gagawin sa pusa na ‘to, Kive. Aalagaan ko lang, kawawa eh.”

Pinag-krus ni Sebastian ang mga binti at braso niya bago seryosong tiningnan ang hawak nitong pusa. Kawawa ang mukha nito, mukhang pagod na ewan. Puro dumi rin ang katawan at mukhang hindi pa kumakain.

“Baka nakakalimutan mong wala kang awa, Oliver? Ibalik mo ang pusa na ‘yan sa pinagkuhaan mo. Paliguan at pakainin mo muna bago ibalik,” pagmamatigas na utos ni Sebastian.

Dismayadong sumang-ayon na lang si Levi sa kapatid. Hindi niya sana gustong ibalik ang pusa dahil totoong may masama lang siyang gagawin dito, pero hindi niya na maitutuloy dahil sa kapatid na nag-utos sa kaniya. Mas matanda ito at mas mataas sa kaniya kaya kailangan niya itong sundin.

“Huy! ‘Yung tanong ko kasi!” naiinis na singit ni Arlo habang naka-krus na din ang mga braso.

Sinapak ni Don ang kanang balikat ng kaibigan, “Kadiri ka, h‘wag ka ngang sumimangot.”

“Bida-bida ka talaga. Gusto mo lang kiss galing sa ‘kin noh?” nang-aasar na tanong ni Arlo sa kaibigan. Nangunot naman ang noo ni Don dahil dito, lumayo siya sa puwesto ng kaibigan.

“I can kiss my self. No thanks.”

“Shut up, Gabriel.”

“Answer my question na kasi Sebastian!”

“Kailangan ba talagang gawin?” takhang tanong ni Sebastian sa kapatid.

Nag-kunwaring gulat si Arlo habang naka-hawak sa dibdib niya. Hindi naman mapigilan nina Jiro, Max, at Don ang matawa sa inaakto ng kaibigan. Samantalang si Levi ay lumabas para iutos sa mga tagapag-silbi na linisin at pakainin ang pusa at ipamigay sa iba.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon