CHAPTER 30:

512 42 3
                                    

“Ang ganda...”

Napa-tingin ako sa katabi kong si Jazz. Naka-tulala siya habang naka-tingin sa pababang si Mistress Eve. Ganoon din ang reaksiyon ni Jane habang naka-takip sa bibig niya ang palad niya. Pareho silang tulala habang naka-nganga sa pagbaba ni Mistress Eve. Napa-ngiti naman ako saka ako bumaling sa puwesto ng dalawang bata sa kabila. Pareho din silang naka-tayo habang naka-awang ang mga bibig. Ako naman ay hindi mapigilang mapa-ngiti dahil sa reaksiyon nila.

Tumingin akong muli kay Mistress Eve. Sakto na nagtama ang mga mata namin, bahagya akong tumango matapos niyang ngumisi sa akin. Bumaling din ako sa puwesto ng mga Fairy pagkatapos niya itong ngitian.

“May kakaiba sa ngiti ni Ate Eve,” napa-tingin ako kay Sadie matapos niyang sabihin ‘yun. Kunot-noo na ang reaksiyon niya ngayon. Nilingon niya ako saka siya ulit na-upo, “Hindi mo ba napapansin? Para bang kulang sa pakiramdam?”

“Ang ganda ni Ate Eve!” parehas kaming napa-lingon kay Kei matapos niyang alug-alugin si Sadie. Iritado namang tinanggal ni Sadie ang pagkakahawa sa kaniya ng katabi.

“Alam ko! Huwag mo nga akong hawakan!”

“Maarte ka talaga,” inirapan ni Kei si Sadie saka siya muling tumingin sa puwesto ni Mistress Eve.

Mas dumami rin ang bulong-bulungan na naririnig ko matapos naming makita si Mistress Eve. Sino nga naman ba ang hindi mamamangha sa kagandahan niya ngayong gabi? Kakaiba ang kasuotan kumpara sa lahat. Umaapaw sa kapangyarihan ang awra ganoon din ang ganda. Kung ikukumpara siya sa mga Fairy, mas angat ang kagandahan niya.

Ang kulay pula nitong buhok, kulay pulang mga mata, kulay pulang lipstick. At ang kulay asul na gown. Lahat ay bumagay sa kaniya. Kapansin-pansin din ang babaeng kasunod niya.

“Grabe... Pati si Kwatro damay sa kagandahan ni Mistress Eve...”

“Sino si Kwatro?” tanong ko saka uminom ng tubig.

“Personal Maid siya ni Mistress Eve. ‘Yung isang maganda na babae na kasunod ni Mistress Eve, ‘yun ‘yon.”

Napa-ngiti ako dahil doon.

Tumitig lang ako sa kanila hanggang sa maka-rating na sila sa pinaka-gitna. Bahagyang nag-bow ang dalawang lalaki at ang babae saka sila nagpunta sa pinaka-gilid. Hindi naka-takas sa paningin ko ang masamang tingin ni Hera sa babaeng tinawag na Kwatro ng dalawang babae na nasa tabi ko.

“My gorgeous daughter. Ginulat mo kami, lalo na ako.”

Lahat nang nag-uusap ay tumahimik matapos magsalita ng Madame. Pinanood namin silang dalawa na nasa harapan. Malawak ang pagkaka-ngiti ng Madame ngunit halatang pilit lamang ang sa Mistress dahil sa walang kahit na anong makikitang emosyon sa mukha nito. Ang malamig nitong awra ay nag-u-umapaw kahit takpan niya ng isang maliit na ngiti.

“Me too, Ina. Kahit ako ay nagulat sa reaksiyon ninyo. Hindi pa ba kayo sanay na makita akong ganito kaganda?” halatang pagbibiro nito saka humarap sa amin.

Inabutan siya ng mic ng isang organizer na umakyat. Agad niya itong tinanggap, narinig pa naming lahat ang pasasalamat niya rito bago ito maka-alis kaya mas lalong naging maingay na naman ang mga tao. Tumahimik lang sila matapos magsalita ng Madame.

“Araw-araw ka namang maganda, Anak. Dahil kaarawan mo naman ngayon, bakit hindi muna ikaw ang makipag-usap sa kanila,” tukoy ng Madame sa amin.

Binalingan niya ang Ina bago sumagot, “‘Yun nga ang balak ko, Ina.”

Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang pagkakasabi no'n ng Mistress pero parang gano'n na nga dahil kitang-kita ko kung paano saglit na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng Madame. Lumunok ito at agad naman na ngumiti. Humarap ito sa amin at nag-wika, “Ako muna ay mamamaalam. Hayaan nating ang aking dalaga ang mag-salita sa oras na ‘to. Maligayang kaarawan, Anak.”

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon