2

21 3 0
                                    

Louise Resurrection

NAKITA kong palabas ang isang limousine na batid ko ay nakasakay do'n ang pamilya ko. Nagsilabasan ang luha ko dahil miss na miss ko sila. Pero para kanino pa? E inabandona nila ako. Wala na akong karapatang tumapak sa pamamahay ni Renati, my father.

Siguro naman masayang masaya sila kahit na wala ako, pinalayas nila ako dahil sa pekeng issue na ginawa sa 'kin ng kaklasi ko noon.

Kaya nagkagulo sa bahay at sinisi nila sa 'kin ang lahat. Dahil isa raw akong p*ta na di naman totoo.

Mabilis na lumabas ako pinagtataguan ko kahit alam ko naman na di nila ako makikita kasi nakahood ako ng itim at naka mask ng itim rin.

Sumakay ako sa kotse kong naka parada sa gilid ng kalsada at pinaharurut ito patungo sa bahay ng Lola ko, namin.

Pinunasan ko ang luha ko nang magsilandasan nanaman ito sa aking pisngi.

Sabi ko noon hinding hindi ako iiyak ulit pero ito ako ngayon umiiyak dahil sa ex-family ko. Na hindi ko alam kong naiisip paba nila ako.

It's been 5 years ng palayasin ako sa puder nila. Si papa, no si Renato. Siya ang umabandon sa 'kin, bakit ba kasi ang dali nila maniwala.

Nangmakarating ako sa mansion ni lola ay sinalubong ako ni Della.

"Oh? San ka galing?" Nakataas kilay niyang sagot sa 'kin.

"Sa kanila" mahina kong sagot bago siya nilagpasan para pumasok. Batid kong alam niya kung sino ang tinutukoy kong 'sa kanila'.

Hindi pa ako nakapasok ng higitin niya ako. "Louise naman, can't you see? It's been five years at wala ni isa sa pamilya mo ang nangamusta sayo! So move on, andito naman kami oh." Naiinis niyang sermon sa 'kin.

Ang kanina ko pang luha na kanina pang gustong lumabas ay nagsilandasan na ito. "Gusto ko lang naman makita si Mama at mga kapatid ko."

Inirapan ako nito at napacross arm.

"Whatever... You don't need to cry, they are not worth it for your tears so tahan na. Huwag ka na do'n bumalik para silipin ang pamilya mo. Manhid kaba?"

Napayuko ako, tama naman siya. Di ko na lang siya pinansin at umakyat na lang sa taas. Di pa ako nakarating sa kwarto ko ng magsilandandasan ang luha ko nanaman.

Ilang oras na ako nagkulong sa kwarto ko, inaatake nanaman ako ng mental breakdown ko dahil sa nararamdaman ko.

"Hindi ko 'to deserve..." Paulit-ulit kong sinasabi na di ko ito deserve.

Mabait naman ako noong mga araw pa na kompleto kami sa bahay, pero ng dahil sa isang malaswang video na 'yon ay do'n nagsimula ang pagluluksa ko, walang tumulong sa 'kin miski si ate at kuya pati si mama. Kaya galit na galit ako sa kanila noon.

Buti na lang nakilala ko si Lola Bea, ang taong umampon sa 'kin. Pinakain, binihisan at pinag-aral niya ako sa ibang bansa.

Mayaman si Lola Bea. Wala siyang pamilya at tumanda siyang walang asawa. Halos kami nina Della, Cheska at Taffy ang tanging pamilya niya ngunit hindi niya kami kadugo pero tinuri pa rin niya kaming parang ka dugo.

Lahat ng gastosin namin sa paaralan ay siya ang nagbayad.

Gumraduate akong siya ang umakyat sa stage para sa akin. At ngayon ay isa na akong maistra sa senior high school.

Donating Love (Touch me series #1)Where stories live. Discover now