24

5 0 0
                                    

Louise Resurreccion

Gabi na nang magising ako, tulog pa rin si Percy sa tabi ko habang nakayakap sa aking bewang.

Napangiti ako nang matandaan ang ginawa naming kababalaghan kanina. Pero hindi ako nagsisi na ibigay sa kanya ulit 'yun.

Bumangon ako sa higaan at pumasik sa banyi para maglinis ng katawan. Nang lumabas ako sa banyo ay nadatnan ko si Percy na naka-upo na sa gilid ng kama. Mukhang may iniisip.

"Hey," lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang kandungan, nagulat pa ito ng umupo ako pero nakabawi rin at niyakap ako.

"Problems?" tanong ko at humalik sa kanyang pisngi.

Umiling siua. "May dinner sa bahay."

"Yun ba? P'wede ka naman pumunta don ngayon ah."

Bakit naman siya namomoroblema about sa dinner nila sa bahay nila? P'wede pa naman siya humabol sa dinner nila ngayon, teka may problema ata 'to.

"Gusto ni mama kasama ka," umawang ang bibig ko kaya napatingin siya sa ro'n.

"Gusto ka niyang makilala, babe," mabilis niyang hinatak ang labi ko at nang makabawi ako ay tinugonan ko ang kanyang halik.


Hindi pa man kami pumasok sa malaking bahay ng magulang ni Percy ay kinakabahan na ako, parang gustong kong magback-out ngayon pero nakakahiya naman kung tatakasan ko parents niya.

Ito naman kasi si Percy, dapat nagpaalam sa akin na ngayong gabi niya ako ipapakilala.

Ano kaya sasabihin ko? Like 'hi magandang gabi po, ako si Louise, kasintahan ng anak niyo' o di kaya 'magandang umaga po sa inyo, ako si Louise'.

Natauhan ako ng maramdaman ang kamay ni Percy sa kamay ko na nakapatong sa aking hita.

He smiled. "I can sense you nervous, babe."

"I-I was just scared kaya, baka di ako tangga-" napatigil ako nang ilagay niya sa aking bibig ang kanyang hintuturo.

"Shh . . . Trust me, mahal kita kaya wala silang magagawa," aniya Percy.

Naunang siyang bumaba sa kotse at umikot siya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Hali kana nasa loob na sila."

Bumaba ako sa sasakyan at pinulupot naman niya ang isang braso sa aking bewang. Ngumiti siya sa akin bago kami naglakad papunta sa malaking pintuan.

Hindu ko mapigilang puriin ang bahay nila sa sobrang linis at ganda ng pagkakagawa. Ang daming vase na sigurado ako ay ang mamahal nito, ang laki ng sala nila mas malaki pa sa sala sa bahay ni Lola. Iyong mga bintana sobrang taas, hindi ko alam paano nila ito nalilinisan, siguro gunagamit sila ng hagdan na kahoy.

Natigilan ako nang mapansing nasa dinning area na kami, hindi ko mapigilang lumunok ng nakitang nakatitig sa akin ng seryoso ang lalaki na naka-upo sa gitna. May tatlo pang babae at nando'n rin si Pamela na busy sa pagkain.

"Mama, papa we're here! This is my girlfriend, Louise," pakilala niya sa akin.

Napatingin sa amin ang ginang at may munting ngiting nakaplaster sa labi.

"Hi Ma'am!" bati sa akin ni Pamela ng umupo kami. "Sabi nga Tito! Lalandiin mo si Ma'am."

Natawa si Percy. "Eh sa ang ganda ng guro mo kaya binakuran ko na."

Nagbiruan sila kaya awkward akong ngumiti, napatingin ako sa magulang ni Percy na nakatingin sa akin. Seryosong nakatingin sa akin ang papa ni Percy na para bang kinikilala ako, habang ang nanay niya ay nakangiti pa rin sa akin.

Donating Love (Touch me series #1)Where stories live. Discover now