6

11 2 0
                                    

Louise Resurreccion

"Ready kana bang harapin sila? Just tell me, ihatid na lang kita sa bahay."

Nag-aalalang sabi ni Della sa 'kim, nasa labas na kami ng bahay ni Renato. Kinakabahan ako at this same time parang gusto ko na lang magback out pero hindi p'wede kailngan kong isampal sa kanila na di nila p'wede pake-alaman ang buhay ko dahil hindi ko na sila pamilya.

'Huwag na huwag ka sa 'kin magpapakita, simula ngayon wala na akong anak na isang puta! Hindi na kita anak!'

See? Ang sabi niya di ako magpapakita sa kanya, so ano ngayon nirerequest niya ako para ipakasal sa di kilalang tao. Oh fucker!

Binuksan ko ang bintana ng kotse at nakita naman ako ni Nanay Alliana na nagdidilig ng halaman sa labas ng bahay ng mga Resurreccion.

"Louise! Anak! Guard buksan niyo ang gate nandito na si Lady Lou!" nagulat pa siya nangmakita ako.

Nabuksan agad ang kanilang gate kaya huminga ng malalim si Della bago ipinasok ang kotse sa malaking compound ng mga Resurreccion.

Tinignan ko ang suot ko kong Denim Catsuit kung maganda ba, baka kasi isipin nila na naging pangit na yung buhay ko ng mawala ako sa kanila. Of course naging pangit noon pero ngayon hindi. Naging elegante na yung panonout ko. Ipapakita ko sa kanila na hindi magandang palayasin ang isang Louise Resurreccion.

Sabay kaming bumaba ni Della sa kotse at matapang na naglakad papasok sa loob.

Pina-upo kami ni Nanay Alliana sa sala at tinawagan ang mga magulang ko sa taas.

Hindi nagtagal ay narinig ko ang boses ni mama na excited atang bumaba.

Muntik pa akong matumba buti na lang nasa tabi ko si Della. Hindi umaalis sa tabi ko.

"Anak!" tumakbo papalapit sa pwesto namin si Mama at niyakap ako, niyakap ko naman siya pabalik.

Nakita kong pababa na si Renato.

Halos Hindi ako makahinga habang papalapit siya sa pwesto namin. Naramdaman kong hinawakan ni Della ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya, ngumiti siya sa 'kin at pinakalma.

"Kumain muna tayo bago pag-usapan ang lahat, hali na kayo sa dining room," sabi ni Renato dahilan para mapamura si Della ng mahina.

"Bakit di na lang dito sa sala, tsk," bulong niya.

Dumating sina Ate Luna at Kuya Luke, nagulat pa si Ate Luna ng makita niya kami dito sa kanilang bahay. Si Kuya Luke naman ay walang emosyong nakatingin samin.

Mukhang di expect ni Ate Luna na dadating ako after 5 years na nangyari samin. Well hindi naman ako magtatagal dito.

"Louise," lumapit siya sa 'kin at niyakap. "You're here," nakita kong tumulo ang kanyang luha.

"Yes ate, pero di ako magtatagal aalis rin agad kami ni Della." Napatingin siya kay Della na nasa tabi ko at agad napasinghad ng makita si Della.

"Magkakilala kayo?" tinanguan ko siya at nanahimik naman siya.

Tahimik ang buong paligid habang kumakain kami wala ni isang nagsasalita sa amin.

Napatingin ako sa pwesto ni mama na nakatingin siya sa 'kin.

She looks so worried kaya ngumiti ako sa kanya, isipin niya sana na kaya ko 'to.

"After years . . . You are here," galit na ngayon namumuo sa isip ko. Malamang, pinalayas niya ako e.

"Hindi pwedeng hindi ka pumayag sa kasal mo Louise-"

Hinampas ko ang mesa nang matahimik siya.

"Huh, so ano ini-expect mo sa 'kin? Papayag ako ng ganon-ganon lamang?" nanlaki ang mata ni Mama sa pagsagot ko sa sarili kong ama, pati si kuya at ate natigilan sila sa pagnguya.

"I'm still your father, Louise. You don't have the right to-"

"Hindi na kita papa! Diba inabandona mo na ako? Hindi ba? Akala ko ba ayaw mo na akong makit-"

"Shut up Louise! Ganyan kaba tinuruan ng umampon sayo? Ang sagot sagotin ang iyong ama?"

Tumulo ang luha ko, "Hindi kita ama! Wala na akong ama-"

Napaawang ang bibig ko ng dumapo ang kamay ni Ate Luna sa pisngi ko. Napatayo si Della at Kuya Luke.

"Huwag mong pagsalitaan si Papa ng ganyan dahil sa una palang ay ikaw ang may kasalanan! Kung hindi ka lang nakipag-s*x sa isang lalaki ay di ka paalisin ni papa dito sa bahay!" umiiyak niyang sigaw sa 'kin.

"How dare you!" rinig kong sambit ni Della kay Ate.

"Huwag kang makisali dito wala kang ala-"

Hindi niya natapos ang kanyang sabihin ng sampalin ko siya. "Wala kang karapatang sigawan ang kaibigan ko ate! Dahil kayo ang walang alam! Wala kayong alam! Isaksak mo yan sa baga niyo!"

"Anak Louise huminahon ka."

Umiiyak akong tumingin kay mama, "Ako? Kakalma? Mama? Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo? Paano ako kakalma kung pinapake-alaman ng asawa mo ang buhay ko!? Hindi! Hindi ako papayag na magpakasal dahil lang sa kagustuhan mo Renato! Magpapakasal ako kung kelan ko gusto at hindi sa gusto niyo!" nagulat sila sa itinawag ko sa ama nila lalo na si mama na umiiyak na sa gilid ni papa.

"W-What d-did you call m-me? Hindi na k-kita kilala Louise! You've change hindi ka ganito noon," umiiyak akong umiiling kay Renato.

"Hindi niyo na ako kilala ngayon! Oo nag-iba na ako dahil sa inyo! Isisi niyo sa sarili niyo kung bakit naging ganito ako! Hindi niyo naisip na makinig sa sarili niyong anak! Tinawag mo pa akong p*ta! At sinabing hindi mo ako anak!"

Nang-mailabas ko ang hinanakit ko sa kanya ay tumalikod na ako, tinawag pa ako ni mama pero di ko siya pinakinggan.

"Thank you for this day, Mr and Mrs Resurreccion. I think we should go now. Please don't pressure your daughter," narinig kong sabi ni Della nang makalabas ako sa dining area nila at lumabas agad sa mansyon.

Alam kong nakasunod sa 'kin Della dahil naririnig ko ang tunog ng takong ng kanyang sout na heels.

"Louise, hintayin mo nga ako! Hindi ka hinahabol ng aso uy!" hinarap ko siya habang humikbi. Nginitian ko siya ng makalapit siya sa 'kin.

"You did great Louise, maging malakas ka kapag kaharap mo sila," she look proud to me now.

"Nailabas ko na ang hinanakit ko sa kanila Del, ayos na ako ngayon," ngumiti siya sa 'kin at tinapik ang balikat ko bago namin lisanim ang lugar kung saan ako nakaramdam ng hinanakit sa mga taong sumaktan sa 'kin noon.

- imnot3nough

Donating Love (Touch me series #1)Where stories live. Discover now