1

29 3 0
                                    

Louise Resurreccion

Flasback...

Naglalakad ako palabas ng university na pinapasukan ko. Nakakapagtaka lang ay nagbubulongan ang mga estudyante habang nakatingin sa 'kin. Nararamdaman ko yung hiya dahil tumatawa sila habang nakatingin parin sa 'kin.

Nakita kong tumatakbo papalapit sa 'kin ang isa sa kaklase ko, hinihingal ito ng makalapit at nag-alalang nakatingin sa 'kin.

"Louise tignan mo," binigay niya sa 'kin ang cellphone niya.

Nakita kong video ito, gi play ko ito ay halos masuka ako dahil sa malaswang video na nakikita ko ngayon.

Lumandas ang mga luha ko ng masilayan mukha ng isang babae.

"Hindi..." humikbi na ako ngayon habang umiiling na nakatimgin sa babaeng nakikipag siping sa isang lalaki.

Hindi ako ito! Hindi! Sigurado akong edit ito!

"Pokpok ka pala eh!"

"Mahiya ka naman sa apelyido mo girl."

"Kawawa naman ang pamilya mo."

"Kaladkarin!"

Napaiyak ako ng marinig ang mga ibinabato sa 'kin ng mga estudyante dito sa paaralan.

Nakita ko si Sheena na papalapit sa 'kin habang may malaking ngisi ang nakaplaster sa kanyang mukha.

"Maganda ba ang videong pinagawa ko? Well goodluck sayo. Your family will definitely abandon you!" Malakas itong tumawa dahilan para umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo.

"Walang hiya ka!" Sinugod ko ito kaya napatili siya dahil sa lakas ng pagkasalampak niya sa sahig.

Pinagsasampal, sinasabunotan at sinisigawan ko siya. Galit na galit ako ngayon! Wala akong naging kasalanan sa kanya pero kung magalit siya sa 'kin ay parang may inagaw ako sa kanya o ano.

Paulit-ulit ko siyang sinisigawan ng inggitera at makapal ang mukha.

Inawat kami ng mga kalalakihan dito at mga gwardya.

Parehas kaming sumisigaw at handang makipag-sabunutan ulit pero masyadong malakas ang mga nakahawak sa'min.

"T*ngina ka! Anong nagawa ko sayo! Di kita inaano! Bakit mo ginagawa ito sa 'king inggitera ka! Wala ka bang pamilya at inggit na inggit ka sa 'kin!"

Nakita kong natigilan ito at umiiyak na lang na nakatingin sa 'kin.

"T*ngina mo! Masaya kana? Masaya kana sa ginawa mo? Bangungotin ka sana! Kainin ka sana ng konsinsya tarantado ka! Ikaw yong pokpok! Nagawa mo pa akong e black-mail sa pamilya kong sipsip ka!"

Totoo yong sinabi ko, napapansin ko siyang inaagaw na niya yong atensyon sa 'kin ng pamilya ko.

Sheena is my ex-bestfriend since high school. Her parents separated at sa kanyang tita siya nakatira. Walang ni isa sa kanyang parent ang kumuha sa kanya.

Naiintindihan ko 'yon pero wala siyang karapatan na gawan ako ng kung ano-ano!

Simula nung mag-senior high na kami ay di na siya namamansin at parang galit na galit pa ito sa 'kin. Wala nga akong ginagawang masama sa kanya e, hanggat sa lumala na ang kanyang ingget. Nagagawa na niya akong awayin at e bully. Syempre hindi ako nagpalatalo, nilalabanan ko siya at inaaway rin.

Tumagilid ang ulo ko ng maramdaman ang napakalakas na sampal ni papa sa pisnge ko, umalingaw-ngaw pa ito sa buong mansyon.

"Hindi kita pinalaki para maging p*ta louise!"

I tried to explain the video pero parang di siya sa 'kin nakikinig. Nagmamakaawa akong tumingin kay mama at ate pero umiiyak lang silang nakatingin sa 'kin. Hinanap ng mata ko ang isa kong kapatid pero wala siya rito.

My Kuya is not here, my hero.

"Nakakahiya ka Louise! Pinag-aral kita to learn in education! Hindi pag-aralan ang mga lalaki Louise! Bakit mo samin 'to nagawa? Binibigay namin lahat ng kailngan at gusto mo! Naging mabuti kaming magulang sayo! Tapos ito ang igaganti mo sa 'kin? Samin ng mama mo!" galit niyang sigaw sa 'kin.

"Alliana!" Tawag niya sa katulong namin.

Lumapit ito samin habang nakayuko, ramdam kong gusto niya akong tulongan pero hindi niya magawa.

"Kunin niyo lahat ng mga gamit ni Louise at itapos sa labas! Ngayon na!"

Ang salitang binitawan ni papa ang nagpaguho sa 'kin.

"Pa! Maniwala ka sa 'kin, hindi ako yon pa. Edited yong video."

Halos hindi ko makita ng maayos si papa dahil sa kakaiyak ko.

Lumuhod ako dito na ikinatayo ni mama at ate.

"Papa maniwala naman kayo sa 'kin Pa, hindi ako yon."

"Bitawa mo ako wala akong anak na puta! Layas!"

Nang mga oras na 'yon wala na akong malapitan kinaladkad ako ng mga tauhan nita papalabas sa mansyon.

"Husag na huwag ka sa 'kin magpapakita, simula ngayon wala na akong anak na isang puta! Hindi na kita anak!"

Tha world is cruel to me, muntik kong patayin ang sarili ko sa high way pero napatigil yung magarang na kotse na dapat ay sasagasaan ako.

And then nakilala ko si Lola Bea, she help me, she adapt me at inalagaan.

I look wasted nung mga oras na pinalayas ako ni papa.

Tahimik at mabait ako ng idala ako ni Lola Bea sa kanyang Mansyon. Nakilala ko ang apat niyang inaalagaan na dalaga kagaya ko.

At first si Della ay hindi maganda ang encounter namin, nagagawa niya rin akong sigawan. Pero sabi ni Chin ay ganon talaga siya kailngan na maging close kami para di niya ako artehan.

And then minsan ko lang makausap si Cheska dahil lagi itong nagt-travel sa ibang bansa kasi pangarap niyang maging isang certified traveller.

Si Taffy naman ang laging lasing, pagmay problema siya ay nilulunod niya ang kanyang sarili sa alak.

Lagi akong umiiyak sa kwarto na ibinigay sa 'kin ni Lola Bea.

May araw pa na may business si Loala Bea sa ibang bansa, kaya hindi ako lumabas ng kwarto dahil sa mental breakdown ko.

Umiyak lang ako ng umiyak, iniisip ko lahat ng mga salitang binitawan sa 'kin ni papa.

'Bitawa mo ako wala akong anak na puta! Layas!'

'Husag na huwag ka sa 'kin magpapakita, simula ngayon wala na akong anak na isang puta! Hindi na kita anak!'

Apat na araw ako di kumakain, si Della naman ay naawa sa 'kin. Pinilit niya akong pakainin at pasayahin.

Si Della ang dahilan kung bakit nakapagsimula ako ulit. Naging malapit ako sa kanya, at siya lagi ang nagche-cheer sa 'kin pag may problema akong iniisip.

Nang mang-ibang bansa ako dahil sa sinabi ni Lola Bea na sa ibang bansa na lang ako mag-aral ay hindi ako pumayag, pero pinilit ako ni Della na mag-aral sa ibang bansa kaya wala akong nagawa kundi sumama kay Lola Bea.

End of flashback...

- imnot3nough

Donating Love (Touch me series #1)Where stories live. Discover now