14

9 0 0
                                    

Louise Resurreccion

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw. Idagdag mo pa na masakit yung ulo ko. Nagkasiyahan lang kami nung kagabi para kay Della napasobra ata yung akin.

"Inom pa more."

Muntik na akong mahulog sa kama ng marinig ang boses ni Percy sa gilid ng kama ko.

Nakatingin ito sa 'kin at nakangiti, feeling at home.

Kumunot ang noo ko, "Paano ka nakapasok? Trespassing ka ah" inis kong sabi sa kanya kahit na natutuwa ako dahil nandito na siya.

Teka, anong oras siya pumunta dito?

"Sabi kasi ni Della ay lasing na lasing ka daw kagabi kaya pinuntahan kita dito, ito inumin mo ito." Ibinigay niya sa 'kin ang baso na may lamang tubig.

Kinuha ko iyon. "Anong oras ka pumunta dito?"

Nagisip-isip muna siya.

"6?" Hinampas ko siya dahil mukhang di siya sigurado sa kanyang sagot.

"Sinungaling!" He chuckled.

"Ang alam ko lang ay mga five ay gising na ako." He said then stood up.

Lumapit siya sa pintuan at bago pa siya makalabas ay binalingan niya ako.

"Mag-ayos ka na d'yan, mukha kang ni rape sa buhok mong 'yan."

Binato ko siya ng unan pero mabilis siyang nakalabas sa k'warto.

Naiinis akong tumayo. Naghalf bath muna ako bago isinoot ang two-piece na ligaro sa 'kin. Color dark red bagay sa skin tone ko.

Sinapawan ko ito ng bathrobe at lumabas ng room ko. Oo lumabas akong naka bathrobe bagay naman sa 'kin e.

Dinig na dinig ko ang boses nila dito sa loob ng building di pa nga ako nakakalabas.

Nasilayan ko sina Karl, Garrix at Nilo na nakikiharotan sa mga kaibigan ko pwera lang kay Taffy na nanatiling mag-isa sa isang cilottage. Stay alone ang g*ga, ayaw pang patawarin si Karl. Mukha namang mahal niya naman ang lalaki e.

Nakikita ko namang patingin-tingin si Karl sa pwesto ni Taffy, ayaw pang lapitan. Suyuin mo uy.

"Bakit ka naka ganyan?" Biglang lumitaw si Percy sa gilid ko.

"Lagi ka na lang ba nanggugulat?"

"I said, why are wearing that? Maraming lalaki dito Louise."

"Concern? Kaibigan ko naman sila e. Pake mo? Bahala ka nga d'yan."

Nilagpasan ko siya at dire-diretsong lumapit sa mga tao.

"Tara ligo na tayo? Dalii!" Na-eexcite na sabi ni Cheska. Naka two-piece ito ng kulay indigo.

Kumunot ag noo niya ng makita ang sout ko. "Ba't ka ganyan? Hoy!"

"Tatanggalin ko kapag maliligo na tayo, okay?"

Akmang uupo ako sa tabi ni Cheska ng hilain niya ako

"Una na tayo do'n." Aya niya sa 'kin at tinanguan ko naman, nagpaalam kami sa mga kaibigan namin.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko bago lumapit sa dagat. Tutuloy sana ako sa paglusob sa dagat ng tumigil siya kaya nadamay at hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ko. Taka ko naman siyang tinignan.

"Bakit?" Nginitian niya ako sabay iling.

"Lakad-lakad tayo dito sa gilid ng buhangin. I want to spend time with you."

Donating Love (Touch me series #1)Where stories live. Discover now