9

13 2 0
                                    

Louise Resurreccion

Nagising ako nang maramdaman kong may nakayakap sa 'kin patalikod, ang bigat ng kamay kaya padabog kong tinanggal ang kanyang kamay at pumikit ulit, nainis ako ng bumilik nanaman iyon sa bewang ko at inis na hinarap siya.

"Huwag mo-" natigilan ako ng makita si PERCY NA NAKAHIGA SA GILID KO!

Dahil sa pagkataranta ay nasipa ko siya kaya nahulog siya sa kama.

"Aray!" He groan, at wala akong pake!

Tinignan ko ang sout ko at naiyak na lang ng marealize na hindi ito yung suot ko kagabi.

"Hoy hindi kita pina-iyak ah, ikaw nga 'tong sumipa sa 'kin. Ang lakas naman ng loob mo!" Sabi ni Percy.

"Hindi ito ang sout ko kagabi! Ano ginawa mo sa 'kin, hayop ka!" Sasakmalin ko sana siya ng mabilis niyang nahawakan ang dalawa kong kamay.

"Huminahon ka nga, wala akong ginawa sayo okay?" mabilis ang paghinga ko at handa sanang sugurin siya pero mas hinigpitan niya ang kakahawak sa kamay ko, chansing!

"Si Chin at Della ang nagbihis sayo, at dapat nga magpasalamat ka sa 'kin dahil tinulungan kita ikaw nga itong nagsuka sa damit ko e," naiinis niyang sabat sa 'kin.

"Totoo?" Panigurado ko

"Mukha ba akong manloloko?"

Oo beh.

"Hindi," sagot ko at may kasama pang iling.

"Eh yun naman pala e, tsaka salamat ha pinatulog mo ako sa kama mo hihi"

Inirapan ko siya, "kung sana ay gising ako ay sa labas ka matutulog, I swear"

Nanlaki ang kanyang matang tumingin sa 'kin, "Mas masama ata ugali mo sa kaibigan mong si Della."

"Hindi no! Lalaki ka at babae ako, mag mag-isip ka nga!" Inirapan ko siya at bumaba na sa kama.

Kukuha na sana ako ng damit ko para lumabas nang may isang hayop na malakas na kinatuk ang pintuan ng room.

"Ako na," presenta ni Percy. "Hoy saglit lang, masisira ang pintuan baka masira at masilipan niyo kami." Napanganga akong tumingin kay Percy na binuksan ang pinto.

"Tarantado" bulong ko.

"NAPASARAP ATA NG TULOG NIYONG DALAWA AH, ALAS OTSO NA SA UMAGA AT DI KAYO LUMALABAS SA KWARTO NA 'YAN. ANO GINAGAWA NIYONG DALAWA HA?" Napapikit ako nang marinig ang malakas na boses ni Della. "MAGBIHIS NA KAYO AT LUMABAS NA DAHIL MAG-EENJOY NA TAYO TSKA KAKAIN NA TAYO BILISAN NIYO MGA TALANDI!"

Donating Love (Touch me series #1)Where stories live. Discover now