26

20 0 0
                                    

Louise Resurreccion

Sa una ipapakita niya na mahal ka. Sa una ipapadama niya sayo na mahalaga ka. Sa una lang naman lahat talaga masaya. Tapos pag tumagal na kayong dawala, malalaman mo na lang na ginagago ka pala.

Hindi ko alam kung sino ang pinaka-worst people na nakilala ko, ang taong nagparamdam sa akin na mahal ako kahit hindi naman o ang taong pinaglalaruan na pala ako at ginawa akong tanga.

Naging mabuti namn akong tao, pero hindi ako perfectionist. Mabuti lang at hindi perpekto. But do I deserve this pain? Lagi na lang ako nasasaktan. Wala na bang pahinga?

Minahal ko si Percy eh, mahal ko yung tao. Pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako, pero bakit ganon? Malalaman ko na lang na pinaglalaruan pala niya ako.

Feeling ko kasalanan ko ito. Kasalanan ko kasi naghahanap ako ng paraan para masaktan ako. Ako naman ang dahilan kung bakit ako nagkaganito e. Ang atat ko ba naman makaranas na pumasok sa isang relasyon.

Halos sirain nila ang pinto sa kakatok para lang maka-usap ako pero kahit sagot man lang ay di ko nagawa.

"Anak, please kausapin mo naman kami," pagmamakaawa ni mama sa labas ng pinto. Hanggang sa sumulo na ito at nagpaalan na magluluto ng makakain ko.

Napatingin ako sa selpon ko nang may tumawag dito pero hinayaan ko lang at di gumalaw sa pwesto ko. Tatlong beses itong tumawag bago sumuko at tumunog ulit ang selpon ko pero hindi tawag kundi may mensaheng nagpasa.

Alam kong hindi ito si Percy dahil naka-block na siya sa aking contact list, kaya naman kinuha ko ang selpon at sinilip kong sino.

From: Della
   Gurrrlll what happen? Percy keep shouting your name. Nasa labas siya ng bahay at pinipilit na pumasok kasi raw nandito ka. He's drunk!

Napahikbi ako at natalikbong sa kama, nang may kumatok sa pintuan.

Hindi masyado malakas 'yon di kagaya ng kanina.

"Louise it's me, papasokin mo mo ako please!" It was Chin voice.

Napabuntong hininga ako bago i-shutdown ang selpon ko para di na nakaka-receive ng kahit kaninong tawag o mensahe.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad naman sa akin si Chin na may dalang tray.

"Hindi naman ako guton," paos kong sambit.

My voice sounds wheezy, it's like I a trouble in my breath. Napuno na ng sipon ang ilong ko sa kakaiyak.

Chin smiled. "I knew you will excuse that but still pinadalhan kita. Remember ayaw ko na may nagsasayang ng pagkain."

"Ikaw na lang ang kumain n'yan," I replied. "Wala akong gana."

Umiling siya bago pumasok sa k'warto ko kaya isinara ko ang pinto. Chin placed the tray in my mini study table. Kinuha niya ang remote ng aircon at nilakasan ito bago umupo sa dulo ng kama.

"What are you doing here?" walang gana kong tanong at humiga sa kama. Magtatalukbong sana ako ng halin niya ang kumot. "Stop it!"

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka kumakain, gosh. Louise kahapon kapa umiiyak sabi ng Mama mo at ngayon maggagabi na," she scolded me. "Panatagin mo ang loob mo kasi alam kong magiging maayos ka rin. Yung shop mo teh, si Taffy na ang nagsarado kagabi," she added.

Donating Love (Touch me series #1)Where stories live. Discover now