PROLOGUE

71 3 0
                                    


Ang malamig na simoy ng hangin ng tagsibol ay dumampi sa aking balat, at napangiti ako sa nakakapreskong pakiramdam. Gaya ng dati, mag-isa akong nakauposa tabi ng  bintana ng classroom ko habang nakikinig ako sa paborito kong Kpop group gamit ang earphones ko.

Nakaramdam ako ng kaunting antok matapos punuin ang aking tiyan ng paborito kong tanghalian, at ngayon ay naghihintay na lamang na magsimula ng klase.

"Rebecca!" Tawag sa akin ng isang babae sa klase ko, kaso busy ako sa pag dedaydream.

Naramdaman ko ang presensya nila at agad na napawi ang ngiti ko.

Tinanggal ko ang earphones ko at isang pares ng asul na mata ang bumungad sa pamilyar na mukha ng mga babae.

"Rebecca, may kaibigan ka sa Volleyball team, diba?" Mahinang tanong ng babaeng nasa kanan habang kinakalikot ang mga daliri. Hinikayat siya ng kanyang kaibigan na magpatuloy.

Mukha naman silang mabait

"Meron" malumanay na boses ang lumabas at halatang gumaan ang loob nila ng hindi ko sila pinansin.

Maraming estudyante ang hindi nakakaalam na childhood friends kami ni Caleb. Sikat kasi siya sa itsura niya at parang greenflag habang ako, I'm kinda shy and quiet. Pero minsan bininisita ako ni Caleb sa room.

Malapit ang relationship namin ni Caleb, kahit hindi na maimagine, at ako lang ang pinakikinggan niya.

"Ummm, okay lang ba sayo.......May favour..s-sana ako." Namula siya, at naging tahimik ang mga salita niya sa huli. Pero nagawa ko pa ring marinig.

Then I started to feel anxiety, but she was brave enough to approach me, kaya ayaw ko siyang ipagtabuyan.

"Ano yun?"

"Umm...G-gusto.."

Lalo lang namula ang mukha ng dalaga at parang nahihiya ang tono ng boses niya kaysa sa akin. Kaya napabuntong- hininga ang kaibigan niya at nagpasyang magpaliwanag sa ngalan niya.

A Moment Of ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon