Chapter 7: Manyak kong boss

1.1K 47 10
                                    

Maria Angela's (Angge) POV

Nang maproseso ng aking utak ang pangyayari, wala sa sariling napatili ako. At ng sa wakas dumaloy muli ang dugo sa aking tuhod at buong katawan, bigla akong tumalikod, akmang tatakbo palabas ng biglang may malaking mga kamay ang pumigil sa akin.

Muling bumuka ang aking mga bibig upang maglabas muli ng isang nakakabinging tili dahil sa gulat ng biglang tinutop nito ang aking bibig, upang malunok lamang ang aking tili.

"Shut up!" narinig kong bulong ni Sir Kristoff sa akong tainga. Pabulong iyon ngunit parang angil ng isang galit na galit na oso.

At kung bakit lahat ng aking mga buhok sa katawan biglang nagsipagtayuan. Hindi sa takot kundi dahil sa kakaibang sensasyong dulot ng init ng hininga nito, at sa mainit at buo nitong boses. Parang mainit palad na dumampi sa aking balat. 

Ramdam na ramdam ko kasi ang init ng hininga nito malapit sa puno ng aking tainga at sa hindi malamang dahilan, dumaloy ang masarap na kiliti sa buong katawan ko.

Para akong nanghihina at humigpit ang pagkakayakap ni Sir Kristoff sa akin.

"Sir," hindi ko namamalayang paungol ang pagkakasambit ko sa pangalan niya dahil sa pagkakatuliro. Ang lakad din ng tahip ng aking dibdib, at halos hindi ako makahinga.

"Fuck, Angge! What are you doing to me?!" paangil nitong ungol at lalo akong naguluhan. 

"Pa-pa-pasensya napokayo," nauutal at mabilis na turan ko. Halos pigil din ang aking paghinga dahil ramdam na ramdam ko ang init ng katawan at ang ari nitong tigas na tigas na ngayon ay nakasundot sa puno ng aking pang-upo. 

At dahil sa lumang-luma na ang aking pantalon, at masikip pa iyon, mas ramdam na ramdam ko ang init at tigas ng pagkakalaki nito. At nanuot din ang basa kung saan nakasundot ang tuktok sa manipis ng tela ng pantalon ko. 

Napapikit ako ng mariin upang pawiin ang kakaibang sensasyon ng dulot ng pagkakalapit ng katawan namin, at ang nakasundot na bagay sa likuran ko, sabay lunok ng maigi bago muling nagsalita.

"Sir, lalabas na muna ako. Para ipagpatuloy niyo ang inyong ginagawa. Sorry po," sabay lunok na saad ko.

"Don't squirm. Don't move!" halos pa-igik na angil niya, at napatuwid ako ng tayo at napapikit upang pawiin ang mga halo-halong emosyon na ngayon ay pumuno sa aking dibdib.

Halos na hindi na ako humihinga at nanalangin ng tahimik na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.

Nang maramdaman kong binitawan ako ni Sir pagkatapos itong magmura ng magmura, galit na galit, walang sabi-sabing pumihit ako palabas, at saka tila may humahabol sa akin na multo, palabas ng kanyang opisina.

Tutop ang aking dibdib at ramdam ko ang bilis ng pagtahip nito, saka ako napasandal sa dingding. Hindi ko alam kung saan ako. Medyo may kadiliman sa parteng iyon.

Naglabas ako ng isang malalim na paghinga, at pilit pinapakalma ang aking sarili.

"Diyos ko po. Bakit simula ng nagtrabaho ako kay Sir Kristoff, kung anu-anong mga hindi magandang senaryo ang nangyayari sa akin?" wala sa sariling bulong ko.

Ilang minuto ang aking pinalipas hanggang sa bumalik sa normal ang pagtibok ng aking puso, bago ako nagdesisyong bumalik.

Pilit kong isinisiksik sa aking isipan na kailangan ko ng malaking pera upang maipagamot ang aking kapatid.

Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)Where stories live. Discover now